Kagaya nang napag-usapan namin ni Havoc, pagkatapos naming mananghalian sa isang restaurant sa loob ng hotel sa Lake House ay agad naman kaming nagpunta sa isang malapit na Mall para makapamili ng mga kakailanganin ko. Buhat niya si Aya at nakasunod sila sa akin habang pumipili ako ng mga bibilhin. Mostly for personal hygiene ang mga iyon. Tapos nung pumipili na ako ng mga inner wears ay halos mag-back out na ako at mag-aya na lang na umuwi. Paano ba naman kasi ay sobrang nakakahiya. Hindi ko ni minsan na-imagine na bibili ako ng mga ganito na siya ang kasama ko. Nang nasa counter na kami para bayaran ang mga pinamili ko ay agad kong inilabas ang wallet ko. Ayaw ko na sanang ipabayad sa kanya dahil may pera naman ako, at isa pa, may maayos na ako na trabaho hindi kagaya dati. Pero hindi