Chapter 56

2027 Words

Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Hindi pa ako naghahapunan pero hindi rin ako makaramdam ng gutom. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman. Kahit uminom man lang ng tubig ay hindi ko magawa, pakiramdam ko ay hindi ko kayang lumunok dahil may kung anong mabigat na bagay ang nakabara sa lalamunan ko. Buong gabi ay gising na gising ako habang nakahiga sa sofa at nakatitig lang sa kisame. Medyo nagulat pa nga ako nang tumunog ang cellphone ko na nasa lamisita, saka ko lang napansin na alas seis na pala ng umaga. Hindi ako nakatulog at sobrang nanghihina ako. Siguro ay dahil na rin walang kahit na anong laman ang tiyan ko. Gayunpaman ay pinilit kong tumayo para ipaghanda ng agahan si Havoc. Sana ay kumain siya bago siya pumasok sa trabaho. Kahit na hindi pa niya ako kausapin, basta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD