“Havoc!” sigaw ko naman ng pangalan ni Havoc, nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Anaya na halatang natakot sa pagsigaw ko sa pangalan ni Havoc. Mabilis naman na nagbukas ulit ang pinto ng opisina niya at lumabas siya doon. “Jara,” gulat na saad niya kaya nagtaas ako ng isang kilay, saglit siyang napatingin kay Anaya bago ako muling tinignan. “Ayaw mo raw akong papasukin sa opisina mo?” madiing tanong ko, para naman siyang binalot ng takot dahil doon. “Who told you that?” hindi makapaniwalang tanong niya, ngumisi naman ako at nilingon si Anaya. “Bakit hindi mo tanungin ang sekretarya mo?” tanong ko rin sa kanya. Binigyang diin ko pa ang salitang sekretarya. Nakita kong napanganga si Anaya dahil doon. “H-Havoc, I’m just—” hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. “It doe