The next morning, I did my usual morning routine before going to work. Pagkagising ko ay tumayo ako agad para makaligo at makapagbihis na. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kuwarto at nagpasyang pumunta sa kusina. Naroon sina Tito Ric at Tita, at halatang hinihintay ako para sabay sabay na kaming makapag-agahan. “Good morning,” nakangiting bati ni Tito Ric kaya ngumiti rin ako sa kanya. “Good morning, Tito. Good morning din po, Tita,” nakangiting bati ko sa kanila. “Good morning, hija. Kumain na tayo nang makapasok ka na sa trabaho,” saad ni Tita. Iyon naman ang ginawa namin. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin si Havoc. Nasa opisina na kaya siya? Kumain ba siya ng agahan bago pumasok? Sana ay oo. Halos alas onse na siya umuwi kagabi. Nanatili pa siya rito para