Chapter 72

2899 Words

Kagaya naman ng sinabi nila Nanang ay hindi sila nagtagal sa bayan. Pagkabalik nga nila ay nagluto na siya agad para makakain na raw kami agad. Nang matapos ay sabay sabay naming pinagsaluhan ang masarap na pagkain sa hapag nila. Nakakatuwa kasi mainit pa rin ang pagtanggap nila sa amin… sa akin. Kung gaano sila kabait noon sa akin ay gano’n din sila ngayon. “Ang akala ko talaga ay magkaka-anak na kayo, iyon ang alam ko noong unang beses kang nagpunta rito, pero nabanggit ni Havoc na mali lang pala ang resulta na sinabi ng doktor noon,” saad ni Nanang kaya natahimik ako. “We’re working on it po, Nang. Gusto ko na rin po talagang magka-anak kami, naging abala lang talaga si Jara sa pag-aaral,” agad na sagot naman ni Havoc na halatang inilipat sa kanya ang atensiyon ng matanda. “Mabuti k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD