So long as we have the assurance from the person we sincerely love, we won’t get jealous. Pagkatapos kong magluto ay pinalamig ko muna saglit ang pagkain bago ako nagsalin sa mga Tupperware na binigay sa akin ng isang kasambahay, inutos kasi iyon sa kanya ni Donya Guada kaya sinunod naman niya. Dinagdagan ko na baka kasi naroon si Primo. Napangiti ako sa ideya na magkikita na kami ulit pagkatapos ng mahabang panahon. Oo, aaminin ko na na-miss ko siya ng sobra. Magkaibigan kami, at naging isang mabuti siyang kaibigan sa akin. Marami siyang naitulong at nagawa para sa akin, lalo na noong nagkalabuan kami ni Havoc. Nang mailagay ko na ang kanin at ulam sa mga lalagyan ay nagpaalam na ako kina Donya Guada at Nanang Flor na aalis na para mapuntahan si Havoc. “You take care, hija,” nakangiti