Chapter 47

2189 Words

Nagising ako kinabukasan na tulog na tulog pa rin si Havoc sa tabi ko. Hindi naman sumakit ang katawan ko kahit pa magdamag lang kaming nakatagilid dahil nga maliit ang kama at yakap niya ako. Paminsan minsan naman ay nakakagalaw pa rin kahit papaano para lang hindi mangawit sa puwesto. Napalingon ako sa wall clock at napansin kong alas seis pa lang ng umaga. Nagising ako sa aroma ng sinangag at talbos ng kamote na niluto sa maraming bawang at kaunting oyster sauce. Isa kasi iyon sa paborito kong almusal, tapos ay may kasama ring tuyo at ang sawsawan ay bagoong na isda, suka at maraming sili. Tatayo na sana ako para makapaghilamos pero napansin ko ang cellphone ni Havoc na nasa may bedside table. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa kukote ko pero nagpasya akong pakealaman iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD