Hanggang alas dose ng tanghali ay nanunuod kami ng movies. Sa katunayan ay pangalawang pelikula na namin ito. Iyong una kasi ay pelikulang Pilipino na drama, itong pangalawa naman ay horror at isang movie sa isang bansa. Tungkol sa isang bahay na hunted, at may kalilipat lang na isang pamilya. Naloloka ako kasi halos napapasigaw ako lagi sa gulat kapag nasa mga suspense na senaryo na. Mukhang nag-eenjoy naman si Havoc sa movie marathon namin kaya nang sabihin kong magluluto na ako ng tanghalina, na sa totoo lang ay dahilan ko lang talaga para makatakas kasi ayaw ko ng pinapanuod ay pinigilan niya ako agad at sinabi niyang papa-deliver na lang siya. Kaya sa huli ay wala akong nagawa kung hindi ang manatili at manuod kasama siya. Um-order naman si Havoc ng isang box ng pizza, at iyon ang