Siesta lang ang napag-usapan pero napahaba ang tulog naming dalawa. Siguro ay alas kuwatro na iyon ng hapon nang magising kami. Nagising pa nga ako na nakayakap ulit siya sa akin. Pagkatapos kasi niyang sabihin ang huling mga salitang binitawan niya ay ipinikit ko na ang mga mata ko at nagtulog tulugan. Kaya hindi ko na alam kung paanong nangyari na yakap ulit niya ako pagkagising. Nagmulat ako ng mga mata na tulog pa rin siya, kaya nauna na akong gumayak at pagkatapos ko namang maligo ay naabutan ko siyang nakaupo na sa kama at medyo pula ang mga mata na halatang inaantok pa. “Gumayak ka na, baka mahuli tayo at magalit pa sa atin ang Lola mo,” saad ko naman, ngumiti lang siya at mabilis na tumango. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras na pumasok sa banyo para maligo na. Ako naman ay na