Halos sampung beses ko na yatang tinitingnan ang wrist watch ko habang nakatayo ako sa harap ng eskwelahan. Alas dose na ng tanghali at oras ng lunch ngayon. Nandito ako sa labas ng school dahil sinabi ni Shawn na magkikita kami ngayon upang sabay kaming mag lunch. Ngunit isang oras na akong naghihintay ngunit walang Shawn na dumarating. "Miss Ella Marie Weibford!" Sumilay ang ngiti ko nang makilala ko ang boses na iyon. Si Andrei ang nasa harapan ko nakasuot pa rin siya ng uniform at sa itsura niya halatang galing siya sa pagpa-praktis ng basketball. Sumagi tuloy sa isip ko ang praktis kanina ng Basketball halos si Andrei na lang ang sinisigaw ng mga estudyante dahil sa galing niyang maglaro kanina hindi na ako nagtaka ng siya ang tinanghal na MVP ng gamw na iyon. Seryoso ang mukha niy