[Ella Marie's P.O.V] Dalawang araw ng nasa hospital si Andrei mula ng masagasaan siya. Kahit ilang beses akong pinagtutulakan ng Mommy niya palabas ng hospital bumalik pa rin ako para kumustahin ang lagay ni Andrei. Nakakapasok naman kasi ako saglit sa loob kapag wala ang Mommy niya at Daddy niya ang nagbabantay sa kanya tulad na lang ngayon wala ang Mommy kaya ako nasa loob ng patient room niya. Pinagmasdan ko ang nakakaawang sinapit ni Andrei, nakabenda ang kamay at paa niya dahil sa pilay na natamo. Tulog na tulog siya marahil sa gamot na nakalagay sa dextrose niya. Palaging hindi ko siya naabutang gising kapag nakakapasok ako sa loob ng room niya. Habang pinagmamasdan ko siya tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko ito pangalan ni Shawn ang nakarehistro. Agad ko iyon sinagot. "