"Sinabihan na kitang 'wag mong lalandiin si Xan, hindi ba?" Nagngingitngit na sabi niya habang pilit pinapalabas na kalmado ang itsura. "Hindi ka talaga marunong makinig, ano?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Dadalawa lang kaming tao sa room dahil napaaga kami ng pasok ni Xan at si Xan ay dumiretso sa teacher's office dahil ipapasa niya ang list ng attendance na pinapapasa ng adviser namin. I think they're starting to plan now for the graduation. Kaya naiwan ako kasama si Alena rito. Nakatayo siya sa tapat ko habang ako ay nakaupo. Her palms on my desk as she leaned. Suot ang fitted na blouse na hindi naman crop top pero medyo maiksi sa kanya at maong pants na dark blue ang kulay. "Wala akong nilalandi, Alena," sagot ko at tumingin sa bintana, hindi pinansin ang mga paratang niya. Th