"Mommy!! Daddy!!" I excitedly run towards them as soon as I saw the familiar car coming. Alam kong uuwi sila rito for tomorrow's event pero hindi ko pa rin mapigilan ang excitement at surprise na naramdaman. Pinanood ko silang bumaba ng sasakyan pero sa halip na si daddy ay si Kuya Darren ang nakita ko. Mas lalong nanlaki ang mata ko at sa sobrang tuwa ay patakbo akong lumapit at niyakap siya. He chuckled and hugged me back. "Miss me, lil sis?" I pouted and hugged him a bit tighter this time. Last naming pagkikita ay noong umalis ako ng New York, and actually, iyon din ang una naming pagkikita pagkatapos ng matagal na panahon dahil nasa abroad siya. "Where's my hug, ate?" Nilingon ko si Jerman. His cute little face now matured a bit. Aww, my baby. Lumayo ako kay kuya at nilapitan ang