NAGISING si Sylvienne na mag-isang nakahiga sa malambot na kama at hindi na nakaposas pa ang kaniyang kamay. Pero nang mapatingin siya sa paligid at na-realize na nasa ibang kuwarto na siya ay bigla na lang siyang napabalikwas ng bangon. “Oh my god!” Namilog ang kaniyang mga mata at hindi na nag-aksaya pa ng oras—mabilis na siyang bumaba ng kama. Binuksan niya ang pinto na hindi naman naka-lock. Pero agad siyang napahinto sa akmang paglabas nang pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang nasa mid-60s na katulong na may dala-dalang good tray na naglalaman ng pagkain. “Magandang umaga, senyorita,” magalang nitong bati sa kaniya na may malapad na ngiti at pumasok na sa kuwarto dala ang tray. Nangunot naman ang noo niya at sinundan ito ng tingin. Hanggang sa nilapag na nito ang tray