SUMAPIT ang alas kuwatro ng hapon, hindi na mainit ang sikat ng araw nang dalhin na siya ni Ricci sa kagubatan sakay ng kabayo. Sa unahan siya nakaupo, at nasa hulihan naman niya ito nakayapos ang isang braso sa kaniyang baywang habang ang isa ay nakahawak sa tali ng kabayo. Huminto sila sa may batis at tinuruan na nga siya ni Ricci kung paano gumamit ng baraha bilang weapon. Pinakita nito sa kaniya kung paano inipit sa daliri ang baraha at pinalipad—tumama sa maliit na damo at naputol ang sanga nito pati ang mga dahon nahiwa. Gano'n din nang subukan nito sa puno ng saging, bumaon ang baraha sa katawan ng saging na parang kutsilyo. Manghang-mangha naman siya sa nakita at napatili pa, clapping her hands like an excited child who had just seen a magic trick for the first time. Pero nang