CHAPTER 29. LIES

2040 Words

MARAHIL AY isang sumpa ngang maituturing ang pagiging isang diyosang tinanggalan ng kalayaan at pagkakakilanlan. Ganun pa man, hindi pa rin iyon maitatanggi na isa pa ring siyang diyosa ng Olympus. At nanalantay sa kaniyang dugo't laman ang pagkatao ng magiging imortal. "Anak ka ni Eros, pero wala kang kakayahang magmahal. Hindi mo deserve ang pagiging anak ng diyos ng Pag-ibig, sapagkat hindi ka marunong magmahal, Cythe." Ang mga masasakit na salitang iyon at ang pamilyar na boses na iyon, kahit walang liwanag na nakapalibot sa kanilang dalawa, batid niyang kaparehong-kapareho pa rin iyon ng timbre ng dati niyang minamahal. Pero malamig. Matigas ang boses. Dinala siya ni Elliott sa lugar kung nasaan ang taong ito subalit wala siyang ideya kung nasaan bahagi sila sa kaharian ng Yuteri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD