KAILANGAN NI CYTHE sa sumugal para mas makakaipon ng mga kinakailangan niyang impormasyon para sa kaniyang misyon - ang makita ang panibagong katauhan ng prinsipe. Nagtitigan sila ni Wreith. Hinahanap niya sa mga mata nito ang tunay na dahilan kung bakit siya nito tinutulungan subalit mas malalim pa pala ito sa kaniyang inaakala.
"Palibasin niyo muna 'yang bastos na 'yan!" singhal niya, sabay itinuro-turo ang gawi no'ng Seith na sinasabi nila. "You're asking me to help you but you but one of your boys can harrass me anytime. Get him out of here."
"Sensitive b***h?" taas-kilay na sagot ni Wreith.
First, she was kidnap. Second, na-harass siya. Kunot-noo siyang napahalumikipkip habang nakatingin pa rin kay Wreith with disappointed face. If this is how they treat their guest, then she won't be staying here any longer.
She's leaving.
Lingid sa kaalaman ng mga ito, alam na niya ang nangyayari, bago pa man siya napadpad sa Pilipinas, ilang dekada na lang ang nakalilipas. She's wandering around looking on that particular man, na hinding-hindi niya malilimutan.
Cythe has no strong lead in reaching him for decades. . . . not until today. Halos nawawalan na siya ng pag-asang makaabot pa sa tamang oras. Idagdag pa ang problema na hindi siya pwedeng puntahan ng kaniyang ama dahil baka ma-track down siya ng mga kaura niya. At habang tinitingnan niya si Wreith, batid niyang kailangan niyang sumugal. Pero hindi sa gambling na 'to na siya ang magmumukha kawawa at siya 'tong naghahabol.
If they want her this much, dapat si Cythe ang magpapaikot sa kanila at hindi ang kabaliktaran. Taas-noong naglakad si Cythe papunta sa nakaawang na pintuan. Nag-aabang. Nakikiramdam. Naghihintay ng hudyat.
"Apologies, Miss. Aalis si Seith," sambit ni Wreith sa kaniyang likuran habang hawak-hawak na niya ang doorknob.
Napangiti si Cythe ng palihim.
"What? Bakit ako aalis?"
paghaharumentado ng isa. "Wala pa nga akong ginagawa. Tsk! We were just talking!"
"Seith, leave. Now." Mas naging seryoso at mas malamig ang boses ni Wreith. Biglang nanahimik si Sieth ang nadinig pa niya ang mga mabibigat nitong yabag, papalapit sa pinto kung saan siya nakatayo.
Nandoon lamang si Cythe. Baka pa siya lalampasan ni Seith, huminto ito sa kaniyang tabi. He's not looking at her, and so is she. "May araw ka rin sa akin, Cythe. Enjoy-in mo ang araw na 'to."
Nagsimula na naman itong naglakad at binaybay ang kahabaan ng pasilya. Nagpakawala siya ng hangin. Para siyang nabunutan ng tinik.
"Pasensiya ka na kay Seith," ani Wreith. Lumingin na si Cythe sa gawi nito. "Hindi siya sanay makapagsalamuha ng maayos sa mga magagandang babae."
"Kailangan namin ang tulong mo." Inulit na naman ni Wreith ang sinabi nito kanina, na siyang nagpabalik sa kaniyang wisyo. "Hindi pa namin alam ng eksakto kung ano nga ba ang tunay na nangyayari, ngunit mukhang bumabalik ang sumpa ng buong palasyo sa makabagong panahon. Hindi rin namin masasabi kung paano, ngunit, isa lang ang puwede kong sabihin, nasa panganib si Jether."
"Jether?" muli niyang sambit sa pangalang nabanggit. Iyon ba ang bagong pangalan ni Prinsipe Aramis ngayon? She needs to be sure.
Isang tango lang ang itinugon ni Wreith sa kaniya, bago lumingon sa harapan."Jether Dy. Iyang ang kompletong pangalan niya. Hindi lang ang iyong katauhan ang aming hinahalughog kundi pati na rin sa kaniya. We need to tract you down, both of you."
Napagitla si Cythe.
Parang may kakaiba sa mga titig nito, na hindi niya kayang mawari kung ano man 'yon. Para siyang nalulunod sa lalim kung makatingin -- tagos kung tagos. Ramdam din ni Cythe na pati siya ay pinag-aaralan din ng isang 'to. Mahirap basahin ang takbo ng utak ng isang taong palaging kalmado at mahilig ngumiti, subalit hindi siya magpapatinag.
"Tracking us down?"
"Yes, dahil pareho kayong hindi mahagilap."
"At paano niyo nalaman ang sumpa kung hindi niyo siya mahagilap?"
Kumunot ang noo ni Cythe sa kaniyang narinig, ngunit nagpatuloy lamang siya sa kaniyang pakikinig. Magulo. Mahirap tagpi-tagpiin. May mga loophole ang bawat salaysay nito sa kaniya at hanggang sa mga oras na 'to, hindi pa rin siya kumbinsido.
"Pagmamay-ari niya ang mansiyon na 'to?" she asks.
Napahinto silang dalawa nang mapansin ang pamilyar na pigurang nakatayo sa hindi kalayuan -- ang walang hiyang si Ed.
"You're awake, Ate," pangiti pa nitong bungad na akala mo'y walang kasalanan. "Don't get mad at me, Ate. We're friends, right?"
Nakakaramdam na naman siya ng panggigigil sa sitwasyon. "Friend? I don't consider you as a friend," walang kagatol-gatol niyang pahayag.
Hindi niya kailangan ng kaibigan na walang respeto. Pero hindi rin niya kailangang magwala sa harapan ng mga ito, kaya mas pinili ni Cythe na kumalma pa.
Nagpatuloy sila sa paglalakad sa mahaba-habang pasilyo hanggang bigla na lang huminto si Wreith.
Hindi inaasahan ni Cythe na ang simple at eleganteng pader na may disenyo ng iba't-ibang mga bulaklak ay gumalaw nang pinindot ni Ed ang hugis-rosas na pindutan. Nakalagay ito sa may pinakagilid na hindi pansinin. Mula sa pagiging dingding ay nagkaroon ito ng isang malaking butas. At bago pa siya nagulat kung ano ang nangyayari, isang secret elevator ang bumulagta sa kanilang harapan.
Unang pumasok si Ed na hindi na niya iniimikan. Sumunod naman si Wreith na hanggang ngayon ay kalmado pa ring tingnan. At naiwan siyang tulala sa harapan nilang dalawa, sa labas ng elevator.
"Pasok ka sa loob," aya sa kaniya ni Wreith. "Sa tingin ko ay may karapatan kang malaman ang lahat ng nangyayari."
Gusto ng mga paa ni Cythe na tumalikod at iwanan na lang ang lugar na 'to. Subalit, mas nanaig sa kaniyang puso at isip na kailangan niyang gawin ang lahat para kaagad niyang matunton ang kinaroroonan ng sinasabi nilang Jether.
Pikit-mata siyang pumasok sa loob ng elevator at nilakasan na lang ang loob upang ipagpatuloy pa ang kaniyang pakikipagsalamuha sa mga ito. Mas matagal, mas madami siyang malalaman.
"Iyong tanong mo kanina, ang sagot ay hindi. Hindi ito pagmamay-ari ni Jether. Kami ng mga pinsan ko ang namamahala sa lahat pero si Jether ay masasabi kong estranghero sa pamilya. Hindi siya rito lumaki at isang beses pa lang naman siya nakita sa personal. It was the day that we told him that he should be living with us be he rejected it."
Napahawak si Cythe sa gilid ng elevator nang pindutin ni Ed ang number 4 at nagsisimula nang umadar ito paakyat. Nararamdaman pa ni Cythe ang pangininig at pag-uuga ng kaniyang inaapakan. Hindi na lamang niya 'to pinansin at itinuon na lang ang kaniyang pokus kay Wreith.
"Hindi kita maintindihan. Kung siya si Jether ang sinasabi mong reincarnated soul ng prinsipe, ibig sabihin no'n ay dugo't laman pa rin niya ang lalaking 'yon. Paano nangyaring nawala siya sa pagiging tagapagmana ng mga ari-arian?
"May punto ka," pangiting sambit nito at saka naman bumukas ang pinto ng elevator. Nagsisimula na naman silang maglakad papalabas at muling nagbaybay sa pasilyo, "Ngunit ang taong iyon ay hindi kabilang sa maharlikang angkan ng prinsipe. Descendant siya sa isa sa mga anak sa labas ng apo ni Prinsipe Aramis. Matagal na silang itinakwil sa palasyo at talagang nahirapan kaming matunton ang lalaking 'yon."
Gusto pa sanang makinig ni Cythe sa mahaba nitong paliwanag, ngunit bigla na lamang siyang natulala at napahinto sa kaniyang paglalakad nang makaramdam siya ng familiarity sa lugar na ito.
Nagpalinga-linga pa siya na para bang idinadala siya ng kaniyang isipan sa nakaraan. Malayo ang istruktura at disenyo ng buong pasilyo kaysa kanina, bago pa man sila sumakay ng elevator.
Sa sobrang pagkamangha niya sa buong paligid ay hindi niya nagawang kontrolin ang kaniyang sarili at kung saan-saan na siya nakatingin.
"Maganda ba ang pagkakadisenyo, Cythe?" giliw na tanong ng kaniyang katabi, na hindi naman niya sinagot.
Napahinto silang tatlo sa paglalakad sa isang malawak na silid. Ang bawat dingding ay may nakalagay na mga paintings na para pang kinunan pa noong noong panahon. Unang pumukaw sa kaniyang pansin ang isang painting ng palasyong niyayakap ng kadiliman. Kitang-kita rito ang katotohanang hindi lamang ito basta-basta iginuhit kundi mismong nasaksihan ang buong pangyayari ng pintor. Ibig sabihin, matagal na nilang na-preserve ang mga mamahaling artifacts at paintings noon pa man.
"Nandito na tayo," sambit ni Wreith habang binusan naman ni James ang isang malaking pinto na kulay ginto. At doon, mas lalong nanlaki ang mga mata ni Cythe nang makita ang sarili niyang larawan na iginuhit pa yata noon pa man. Sa larawan na 'yon, nakasuot siya ng kulay dilaw na gown, at nakaupo sa damuhan, habang masayang nagbabasa ng libro. Halos hindi na siya makahinga nang maayos. nakuha sa larawan na 'to ang pakiramdam na katahimikan at masaya sa kung gaano man ka-simple ang mga bagay-bagay. Namumuo ang kaniyang mga luha habang mabilis na tumingala upang mas lalong pigilin ang kaniyang mga luha sa papatak.
"We don't know what you are, yet. However, you have already existed, once upon a time. Kailangan ka namin ngayon. Hindi namin alam kung ano ang ginawa mo noon, at wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng tunay mong pagkakatao. Ang mayro'n lang kaming katibayan, ay ang painting na 'to ni William, ang aming ninuno."
Umatras si Cythe at nagpalinga-linga. Akala niya ay kaya niyang harapin ang nakaraan nang ganito kabilis, ngunit hindi niya aakalain na mahina pa pala siya sa kaniyang inaasahan.
"At may dahilan kung bakit ni isang bakas sa kasaysayan ay wala ka. We mean no harm. Hindi namin pakikialam ang personal mong buhay. Ang kailangan lang namin ay kasagutan at tulong magmula sa 'yo."
Tumalikod si Cythe sa kanilang dalawa. "I have no business over your family."
"Kasama sa aming sinumpaang angkan ang manatiling lihim ang katotohanang isa kang imortal, Cythe. You don't need to walk out from here. Kakampi mo kami. Nasa iisang side lang tayo. At umaasa kaming tutulungan mo rin kami sa huli. You know where we are. You are welcome anytime."
Hindi na niya nagawang lingunin pa ang dalawa. Nagpatuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad pabalik sa pasilyo. At doon, habang tumatakbo siya papalayo sa silid na 'yon, para bang tinatakbuhan niya rin ang mga alaala na inakala niyang madali lang ibaon sa limot. Pero, mali. She fails herself to do so. Na kahit ilang libong taon man ang lilipas, hindi pa rin nababawasan ang impact ng sakit at pagkahabag sa mga bagay na wala siyang karapatan.
Habang buhay niyang bibitbitin ang bigat sa dibdib at hinagpis sa nakaraan.
Kasumpa-sumpa ang magkaroon ng imortalidad.