CHAPTER 5. MEET-UP

1483 Words
"ARAMIS?" Kusa itong lumabas sa bibig ni Cythe nang makita ang pamilyar na pigura ng lalaking nasa loob ng kaniyang nirerentahang apartment. It's almost nine o'clock in the evening. She can't believe this as if her eyes are creating some kind of trick to fool her. Hindi kalayuan sa kaniyang puwesto ay nakatayo ang lalaking ilang taon na niyang hinahanap. Wala itong pinagbago magmula ulo hanggang paa. Gano'n pa rin ang height nitong nasa halos 5'11ft. Matipuno ang katawan. Malapad ang dibdib. Maiksi lang ang buhok nito. Hindi katulad kay Aramis na hanggang balikat. "Aramis? Ayan ba ang tunay na pangalan ng prinsipe noon?" tanong nito. Husky at buo ang baritono nitong boses. Masarap pakinggan . . . kagaya noon. "Nakakatawang isipin na walang pangalan ang halimaw sa kuwentong-ada. Kahit sa Disney movie na 'Beauty and the Beast', hindi nila ito nabigyan ng pangalan. Iyong iba, tinawag na lang na 'Adam' ang prinsipe nang ginamit nila iyon sa isang 1998 video game, The D Show. And you just gave me his name, Aramis." Ibig sabihin ay sinundan na siya nito mula pa man sa mansiyon nila Wreith. At ibig sabihin ay may access ito sa loob ng kampo ng mga iyon ngunit walang ideyang ang mga ito sa lungga ni Jether. Kahanga-hanga. Napadiin ang paghawak ni Cythe sa susi ng bahay. Nagtitigan silang dalawa. Nakatayo siya sa may gilid ng pintuan habang ito naman ay nasa bukana ng bintana. Hindi lubos akalain ni Cythe na sa ganitong paraan ang una nilang pagkikita makalipas ng ilang libong taon. "Jether," malamig nitong sambit. "Huwag mo akong tawagin sa pangalan na hindi akin." Para siyang maluluha sa pinaghalong galak at lungkot dahil hindi katulad no'ng una nilang pagkikita, wala na iyong init nang pagtanggap. Wala na iyong ngiti na madalas niyang inaabangan sa mga mapupula nitong mga labi. Malamig at matatalas ang mga mata ni Jether na nakatuon sa kaniya na taliwas kay Aramis noon. Lihim siyang nasasaktan. Lumapit si Jether sa kaniyang gawi. Gusto sana niyang kumilos pero huli na ang lahat. Nakalapit na ito sa kaniya. Sa sobrang iksi ng distansiya nilang dalawa, amoy na amoy na ni Cythe ang pabango nitong nanunoot sa kaniyang maliit ngunit matangos na ilong. Nanlaki pa rin ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang mukha nitong kaparehong-kapareho ng prinsipe. "Ikaw ba ang puno't dulo ng lahat ng 'to?" seryosong tanong ni Jether sa kaniya. "Ikaw ang nagsumpa sa prinsipe, hindi ba?" "How did you find me? Kina Wreith ba?" "I knew you, way before Ed figured your identity. Naunahan lang akong makuha ka on time. Himala at pinalabas ka ni Wreith." "At bakit hindi? Siya 'yong humihingi ng tulong." "Are you that stupid?" asik nito. "Mabilis ka lang palang maloko, kung gano'n." "What do you mean by that?" Hindi pa rin makapaniwala si Cythe sa mga nangyayari. Imbes na siya ang maghahanap, siya ang nahanap. Imbes na siya ang mag-iimbestiga, siya ang pinag-aralan. Hanggang sa mga oras na ito, wala pa rin siyang ideya kung bakit nagkaroon ng butas ang impormasyon sa nakaraan. Ang alam niya, lahat nang nakasaksi ay tinanggalan ng alaala, patungkol sa kaniya at sa mismong sumpa. Isa iyon sa naging kasunduan upang tuluyan nang maging tahimik ang mundo ng mga tao -- burahin siya sa kasaysayan. "I know all about you," pagsisiwalat sa kaniya ni Jether sa katotohanan. "Na halos ako mismo, kailangan kitang pag-aralan para sa sarili kong kapakanan," mapakla pa nitong dagdag. "Kilala ko rin sina Wreith." Naalarma si Cythe nang unti-unting inihakbang ang mga paa ni Jether papunta sa kaniyang gawi. Umaalingawngaw sa kabuuan ng silid ang mga yabag nito. Tulala si Cythe na nakapako ang tingin sa seryosong mukha ni Jether. Hindi siya nagpatinag. Ni walang makita sa maamo niyang mukha ang bakas ng pagkatakot. Matagal na niyang inaasam ang araw na ito. Na magkikita silang dalawa. Na mag-uusap. Na magkaroon ng linaw ang lahat. Napasinghap pa si Cythe nang dumampi sa kaniyang baba ang kamay nito. Pinapaangat siya ng tingin. Walang magawa si Cythe kung 'di ang magtitigan sa magagandang mata ni Jether. Para siyang matutunaw. Nais niyang mag-iba ng tingin ngunit mas madiin ang pagkakahawak nito sa kaniyang baba. At pakiwari niya'y namumula pa siya nang bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi. Bakit ganoon? She knows too well that this man is no longer her prince, pero bakit ganito pa rin ang impact nito sa kaniyang sarili? Bakit parang tumitibok pa rin ang kaniyang puso? Itutulak na niya sana si Jether pero mabilis na nahawakan nito ang kaniyang kamay at walang pasabing hinablot siya nito. Napasubsob siya sa matipunong dibdib ni Jether. Doon na naalarma si Cythe. Ikinulong siya sa mga braso nito. Nagpupumiglas siya. Nanlalaban. Pinipilit niyang kumuwala sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniya. Kahit na napupuno nang pagkabalisa ang kaniyang utak, mas nananaig sa kaniya ang kagustuhang makawala. Padiin nang padiin ang pagkakayakap nito sa kaniya at buong puwersang sinusuntok-suntok pa niya ang likod nito na para bang wala rin namang nangyayari. "You have an alluring face with an appealing body," bulong nito sa kaniyang kanang tainga. Nang-init ang tainga ni Cythe sa ginagawa nito. "Imortal . . . pero mas mahina pa sa tao. Wala kang powers pero isa kang diyosa. You're as fragile as hell. " Bago pa man siya makapag-react ay binitiwan na siya ni Jether at lumayo na para bang nakakapaso siya. At kahit na gano'n, hindi pa rin tumigil ang puso niyang tumibok nang mabilis. Nakapanghihina. Mabilis na naglakad si Cythe at patakbong lumayo kay Jether. Pakiramdam niya ay sasabog na siya. Alam niyang matagal na niyang hinahanap ang lalaking ito pero bakit parang hindi pa niya kayang harapin? Sinundan siya ni Jether, kagaya ng kaniyang inaasahan. At bago pa man niya nai-lock ang pinto ng kuwarto niya, naitulak na ito ni Jether nang ubod ng lakas. "Don't play games on me," seryoso nitong banat. "Time is running out." Humakbang papasok ng kuwarto si Jether. Napaatras naman si Cythe. Maliit lang ang kuwarto niya. Kulay gray at puti ang napili niyang bedsheets sa single-sized bed. May iilang libro na nakalagay sa bookshelf, katabi ang study table niya. Mayroong aircon, flat screen TV, at iilang gamit pambabae. At dahil hindi gano'n kalakihan ang espasyo, napatigil si Cythe sa pag-atras nang masagi niya ang gilid ng kama. Isang metro na lang ang layo sa pagitan nilang dalawa. "You think you can get away? Alam mo ba kung ano ang pasakit na binigay mo sa akin?" Kahit sa dilim, kitang-kita ni Cythe ang mga mata nitong nanlilisik. "Sumama ka sa akin." Nalilito siya sa mga nangyayari ngunit hindi ito tamang oras para tawagin ang kaniyang amang si Eros upang sagutin lamang siya. Ang sabi ng diyos ng Pag-ibig, pwede lamang itong tawagin ng isang beses lang. Wala pa ring alam ang lahat sa kaniyang pagtakas sa Yuteria at kapag palagian naman niyang tatawagin ang kaniyang ama, baka ito naman ang mapapahamak sa batas ng Olympus. At ayaw niya itong mangyari. "Tatawag ako ng pulis!" pananakot ni Cythe, habang natatauhan na rin kung ano nga ba ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. "Tresspassing ang ginagawa mo, alam mo ba 'yon?" "Magiging istupida ka lang lalo sa paningin ko kapag gagawin mo 'yan. Sa tingin mo ba, sino ang huhulihin ng mga pulis, ikaw na walang pagkakilanlan o ako na tao?" She stops. Hinawakan siya nito sa braso, forcing her to walk. "Let's go." Nagpupumiglas si Cythe. Buong puwersa niyang hinatak ang kaniyang sarili paatras. "No! Bitiwan mo 'ko! Bitiw sabi, e." Nawalan ng balanse si Cythe kaya mabilis na bumagsak ang kaniyang katawan sa malambot niyang higaan. At bago pa man siya makahuma, nadala niya si Jether sa impact at pareho silang nakahiga roon. He pins her down there. Magkalapat ang dalawa nilang katawan. Heto na naman ang puso niyang kumuwala sa hawla. Ang lakas ng kabog nito. Namula ang pisngi ni Cythe, umaasang hindi nito nadidinig ang pintig ng kaniyang puso. Her body is just too soft over this man. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang mapansin na isang pulgada na lang ang agwat ng kanilang mga mukha. Sa sobrang lapit, dama na ni Cythe ang hininga nito sa kaniyang balat. Pinilit na naman niyang kumuwala, but this man still pins her down. Mas lalong napasinghap si Cythe. Nanlambot ang kaniyang mga tuhod. Umiinit ang kaniyang katawan sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Makinig ka," wika nito. Nanatiling mahinahon ang boses ni Jether kahit gano'n na ang kanilang senaryo. "Nandito lang ako sa dalawang dahilan. Katulad ng sugat niyang sariwang-sariwa pa, pakiramdam ni Cythe ay nangungulila pa rin ang puso niya para sa lalaking ito, na hindi naman dapat. This man is no Aramis to begin with. "Una," muling sambit ni Jether na bigla na lang tumigil. Pinagmasdan nito ang kaniyang bibig na bagyang nakabuka. "Huwag mo akong ipapadala sa Yuteria."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD