CHAPTER 6. TAKEN

1511 Words
IMBES NA MAGULANTANG, takot ang naramdaman ni Cythe nang banggitin nito ang mundong dapat ay lihim lamang. "P-Paano mo iyan nalaman?" pautal niyang tanong. "At paano mo nalaman ang patungkol sa Yuteria?" Alam kaya ni Jether ang kaniyang plano? Ngumisi lang si Jether at napailing-iling. "Minsan talaga, kahit ang isang katulad mo ay may katangahan din sa katawan. What are you anyway? Isang fairy? Isang witch? Or more?" Kumunot ang malapad na noo ni Cythe sa kaniyang narinig. "Hindi ako tanga!" "Kailangan pa ba nating pagtalunan 'yan?" Umalis si Jether sa pagkakadagan sa kaniya. "You're wasting my precious time. Alam kong alam mo rin kung ano'ng ibig kong sabihin." Bumalikwas si Cythe at napaupo sa gilid ng kama. Hindi siya makasagot. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niya na patungkol sa sumpa ang pinagsasabi nito. Nagsisimula na ang nakatakdang tadhana. Ang sumpang naging dahilan nang pagkakulong niya nang mahabang panahon. "I don't trust you," mariin itong sinabi sa kaniya na para bang isa siyang walang kuwentang nilalang. "But I need your presence. I need you." Wala naman pala 'tong tiwala sa kaniya. Bakit pa siya makikinig? "You heard me? I said I f*****g need you!" Walang magawa si Cythe nang kaladkarin siya nito papalabas ng kaniyang apartment. Wala man lang itong pakialam kahit nakayapak lang siya sa malamig na semento. Dire-diretso pa ang lakad ni Jether na animo'y isang bagay lang ang tinatangay at hindi tao. "Bitiwan mo ako!" sigaw ni Cythe. "Ano ba!? Nasasaktan ako! Alam mo ba 'yon?" Hindi ito nakinig sa kaniya. Ilang beses pa siyang nagpupumiglas at saka siya nito nilingon. "Yeah, right! Then, what? Hahayaan kitang makatakas? Hell, no." Hinahablot-hablot ni Cythe ang kaniyang kamay pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni Jether sa kaniya. "What do you want from me?" "Seriously, Cythe. Don't make me look stupid. Alam mo na alam mo rin kung bakit nagkrus ang mga landas natin ngayon." "Damn you! I can walk! Huwag mo na ako kaladkarin!" "Naniniguro lang." Umaalingangaw ang boses ni Cythe sa buong pasilyo, hanggang sa marating nila ang hagdanan at hinihila pa rin siya nito pababa. Mabilis niyang hinablot ang kaniyang braso. Pero dahil may misyon din siya sa lalaking 'to, nagdadalawang-isip tuloy siya kung makikipagtagisan siya nito ng ulo, o hahayaan na lang na tatangayin na lang siya nito nang basta-basta. "Kilala kita," seryoso nitong sabi nang hindi man lang lumilingon sa kaniyang gawi. "Hindi ka tao. Oras na magbigay ka ng iskandalo rito, at mapupunta tayo sa Police Station, ikaw lang ang mas lalong mapapahamak. Kapag malaman nila kung ano'ng uri kang nilalang, habangbuhay ka nang ikukulong at pag-i-ekspirementuhan." Damn this man. Mas lalong napatigil si Cythe. Alam ng lalaking ito ang tamang paraan ng pang-ba-blackmail, na siyang nagpasungit sa kaniya nang husto. "Is that a threat?" "That's not a threat. Sinasabi ko lang ang totoo. "Maganda ka lang pala, kaso medyo slow kung mag-isip." "How dare you!" Nagpintig ang dalawang tainga ni Cythe habang nagpaatras-atras pa upang hindi makaladkad. "s**t! Umayos ka. Masasaktan ka lang lalo sa ginagawa mo. Act normal." Binitiwan ni Jether ang nanginginig niyang kamay. Tumingala siya para lang makita ang mga magaganda nitong mata na nakatitig din sa kaniya. "How can I act normal when you're forcing me to move?" "I am not forcing you to move. I want you to move." Kinuha nito ang kaniyang palad. At hindi katulad kanina, marahang idinami ang kamay nito sa kaniya na para bang wala lang ang nangyayaring kaguluhan. "You don't have a choice. You're with me." "You're unbelievable! Huwag mo nga akong hahawakan!" Hahablutin na sana ni Cythe ang kaniyang kamay nang mas hinigpitan pa ni Jether ang magkakahawak nito sa kaniya. "Hindi ba ikaw ang mas unbelievable sa ating dalawa? You exist. That alone is unbelievable." Minsan, naisip din ni Cythe kung tama ba ang plano ng kaniyang ama, na tama bang siya ang binigyan ng misyong ito, kung tama ba ang kaniyang desisyon na sundin si Eros. Kung tama ba bang itama ang lahat kung pakiramdam niya'y tatama lang ito kapag wala siya. --- ANG BAWAT PALAISIPAN ay nagiging isang malaking balakid sa kaniya upang makapag-isip ng tama. "Nandito na tayo," malamig nitong pagkakabigkas habang pinapatay na ang engine ng pula nitong Mercedes Benz. Pinarada ito ni Jether sa gilid ng malaking puno ng Mangga, na hindi rin naman kalayuaan sa pinaka-main door ng kaniyang malaking mansiyon. Wala siya sa passenger's seat, ngunit sinigurado nito muna na naka-lock ang kotse para hindi siya makatakas sa likuran. Sa isang kadugo ng prinsipeng itinakwil ng angkan, nakakatuwang makita na mayaman pa rin ang lalaking 'to. "I can read you mind," aniya, "Just don't give a damn. This is all mine. Walang mana galing sa aking mga ninuno. Whatever you see in here is all mine. Galing sa dugo at pawis ko." Naninimbang pa rin si Cythe. Napatingin siya sa labas ng bintana, na inakala niyang malayo na sa kabihasnan. "Nasaan na tayo? Ano'ng trabaho ang mayro'n ka?" Baka naman d**g dealer, o kaya naman nanalo sa lotto. Kung anuman 'yon, alam niyang hindi ordinaryo ang trabaho nito. Binuksan na ni Jether ang pinto ng kotse at maya-maya pa'y pinagbuksan na rin siya nito. "Bilisan mo ang kilos mo. Unlike you, my time is too limited. Huwag kang pabagal-bagal at hindi ka espesyal sa mundo ko." Wala tuloy magawa si Cythe kundi lumabas na rin sa kotse. Napahinto siya muna at nagdadalawang-isip na naman kung susunod pa ba siya sa lalaking ito o tatakas na lang. Alam niyang hindi pa rin siya ligtas at wala siyang ideya kung bakit siya nito dinala rito. "Susunod ka o kalalakdarin kita katulad kagaya nang una kong ginawa?" Nakasimangot na naman si Cythe habang nakahalumikipkip na. "Sumunod ka lang," malamig pa nitong dagdag, habang hindi na siya nito inaksayahan ng oras upang lingunin. "I'm in a hurry, at nakikita mo naman siguro kung bakit." Nakayapak na naglalakad si Cythe sa semento. Hindi niya 'yon iniinda pa, bagkus ay napatingin siya sa malapad na likuran ni Jether. Kanina pa siya nayayamot dahil sa bawat sulyap niya, sa bawat nakaw ng tingin, alam niyang may impact 'yon sa kaniyang sarili. Tumigil silang dalawa sa isang malaking pintuan na gawa sa salamin. Magkatabi na sila ngayon. Gustuhin mang alamin ni Cythe ang takbo ng utak ng lalaking 'to, subalit mas ginusto na lang niyang manahimik na lang. "Ganiyan ba talaga ang anyo mo? Kumikinang sa dilim?" paumpisa nitong tanong, habang kinukuha ang susi ng bahay sa bulsa nito. Ramdam na ramdam ni Cythe ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya nang husto at hindi talaga nakatingin sa mga susi na nakalagay sa palad nito. Tanging sa salamin lamang nakikita ang tunay niyang anyo. Pinagmasdan ni Cythe ang sarili niyang imahe ro'n. Mahaba at umaalon pa sa hangin ang kaniyang kulay pulang buhok. Hindi hamak na mas maputi at mas makinis ang balat niya kaysa sa kung anuman ang nakikita ng mga ordinaryong tao. Kagaya noon, ganito rin ang prinsipe. Nakikita ang mga dapat na hindi makita ng isang mortal. Ngunit hindi ito si Aramis. Kaluluwa ni Aramis, ngunit hindi ito ang mortal na minahal niya nang labis. At dahil sa paggunita na naman niya sa nakaraan, hindi maiwasan ni Cythe na makaramdam ng kirot sa kaniyang puso, lalong-lalo na't kausap niya ngayon ang lalaking kamukhang-kamukha nito. "Hindi mo dapat ako nakikita sa ganitong anyo," pag-aamin niya. "Don't waste your time, staring at me. Buksan mo na lang ang pinto." Natawa pa ito nang pagak habang umiiling-iling. "Hindi kita type, Cythe. Huwag kang assuming. I'm not a fan of a godly beauty lalo na poisonous type." At hindi tuloy alam ni Cythe kung insulto ba 'yon o sadyang katulad lang siya ni Aramis na wala man lang ni katiting na pagmamahal para sa kaniya. Sa isang iglap, nasasaktan na naman si Cythe. Parang sinuntok siya ng katotohanan na kahit sa panahon na 'to, sa pangalawang pagkakataon, hindi siya espesyal. "Don't move!" Humarang si Jether sa kaniya nang akma na sana siyang maglakad papasok ng pasilyo. Napagitla si Cythe. "May nakapasok." Kunot-noong nakatingin si Cythe sa madilim na paligid. Wala naman siyang nakikitang tao o kahit presensiya man lang ng iba. Medyo madilim din ang pasilyo at kinakailangan pa niyang titigan ang daan upang kahit papaano'y may maaninag na kaunti. "Paano mo nalaman 'yan?" "Masyadong masangsang ang amoy ng tao." At doon, mas napagtanto ni Cythe na mabilis ang pagbabago nito ng anyo. Katulad ng isang halimaw, mas nagiging matalas ang pang-amoy nito. Parang naluluha si Cythe habang tinitingnan ang seryosong mukha ni Jether na nakapokus sa loob ng bahay. Ayaw na niya sanang maulit ang nakaraan. Kung pwede lang baliin ang sumpa na siya mismo ang gumawa noon. Kung bakit kasi hindi nagtagumpay ang halik ng tunay na pag-ibig nina Belle at Armis. Kung bakit kasi kailangan pa niyang masaksihan muli ang bangungot ng nakaraan. "Nagsisimula na ang sumpa," pahapyaw niyang sabi. "At kasalanan mo ang lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD