CHAPTER 12. WEDDING

1429 Words
WALANG MAGAWA si Cythe sa naisip na plano ni Jether -- hanapin ang kaluluwa ni Reyna Belle. Hindi niya aakalain na mas matigas pa ang ulo nito kaysa sa kaibigan niyang si Elliot. Napabuga tuloy siya ng hangin habang tinitingnan ang isang okasyon sa hindi kalayuan -- isang masayang okasyon pero pakiramdam niya'y nagluluksa si Jether. Gamit ang mahiwagang salamin, kaagad nilang natunton ang dati nitong kabiyak sa nakaraang buhay. At hindi naman pala iyon malayo sa mismong lugar nilang dalawa. Taga-San Pedro, Laguna lang pala ito. Alam ni Cythe na Matagal na rin iyong alam ni Jether. Ang problema ay kung paano ito lalapitan ang babae at kukumbinsihin na silang dalawa ay nakalaan talaga para sa isa't-isa. Pareho silang nakabilad sa araw habang nakasulyap lang sa malayo. Nararamdaman niya ang bawat tagaktak ng pawis sa kaniyang noo. Pinahid iyon ni Cythe, gamit ang sarili niyang palad. "Tang ina naman!" Napamura na ang kasama ni Cythe, dala na rin siguro sa labis na pagkadismaya. "Akala ko ba, asawa ko siya noon? Dammit, Cythe! Bakit ikinasal siya ngayon?" Sinipa nito ang nananahimik na basurahan sa gilid ng kalsada. Sa lakas nang pagkakasipa, tumilapon ang mga laman nitong mga basura. Mabuti na lang at sila lang ang nakatayo sa puwesto na 'yon, kung 'di baka magkaproblema na silang dalawa. "Ano'ng nangyayari, Cythe? Bakit ganito ang nangyayari?" Nanlilisik na ang mga mata ni Jether na nakatingin sa kaniya, pero hindi niya 'yon masyadong pinansin. Napahapo si Jether ng mukha, napapikit sa labis na galit, at pareho silang tulala sa gilid ng kalye -- sa tapat ng isang lumang simbahan. "Hindi ko alam. Wala akong alam." "Paano'ng wala kang alam? Pwede ba 'yon?" Pareho lang silang nagulat. Pareho lang silang nagimbal sa mga nagaganap. Napapikit si Cythe sa kirot na nararamdaman ng kaniyang puso. Halata sa mga mata nito na wala pa ring tiwala si Jether sa kaniyang mga salita. Hindi rin naman niya masisisi ito. "I can't believe this! Biro ba 'to ng tadhana? Sabihin mo nga sa akin na biro lang ito!" garalgal nitong sambit. Dinig na dinig nila ang bawat kalimbang ng kampana na nagsasabing tapos na ang naganap na kasalan. Katatapos lang ng seremonya. Hudyat iyon na wala na silang magawa. Nahuli lang sila ng limang minuto. Limang minuto lang, pero kitang-kita ni Cythe ang kawalan ng pag-asa sa malungkot na mukha ni Jether. Napakuyom ang kamao nito sa pinaghalong galit at pagkadismaya. Huli na ang lahat. Sa bawat pagsaboy ng mga ng bigas sa labas ng simbahan, sa bawat halakhak ng mga taong nakatuon ang atensiyon sa bagong kasal, at sa bawat titig ng babaeng naka-traje de boda na halatang mahal na mahal ang kabiyak nito, alam niyang durog na durog ngayon si Jether. Dinurog ito ng isang mapait na katotohanan at pagkakataon. Walang nang magaganap na isa pang pagkakataon sa pagitan ng dalawang nagmamahalaan noon. "Bakit siya nagpakasal? Bakit hindi niya ako hinintay?" pagmamaktol na naman si Jether sa kaniyang tabi. "Bakit nagmahal siya ng iba, bukod sa akin? Akala ko ba, siya ang soulmate ko? Akala ko ba, siya ang magpapawala ng sumpa?" Hindi rin 'yon masagot ni Cythe, kaya nananatili lamang siyang tahimik sa tabi nito. Kakaiba talaga ang takbo ng tadhana. Kahit ito ay hindi niya naisip. Nagdadalawang-isip man si Cythe, pero kailangan niyang itanong ito. "Tuloy ba ang plano?" Lumingon si Jether sa kaniyang gawi. Matatalas ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. "Hell! I cannot ruin her life just because my life is wrecked." Tinamaan siya sa sinabi ni Jether. At kahit matigas ang pagkakasabi no'n, damang-daman ni Cythe ang hinagpis nito na pilit lang na itinatago. May puso pa rin si na ikinukubli -- kagaya ng prinsipe. Ang plano nila ay paibigin ang babaeng minsan nang naging asawa nito, ang kaluluwa ni Reyna Belle. Subalit isang kabiguan ang kanilang hinarap. Kung pwede lang itama ang isang pagkakamali, ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng isang pagkakataon. Hindi lahat ay kayang harapin ang isang pagkakataon. Umangat nang bahagya ang kaniyang kaliwang kamay, na para bang gusto niyang sabihin sa kaniyang katabi na hindi naman siya nag-iisa. Na kung kailangan niya ng balikat na masasandalan ngayon, handa niyang ibigay ang mga balikat niya. At kahit alam niyang wala pa rin itong tiwala sa kaniya, nais sana niyang hawakan niya ang lalaking ito. Umaasa na kahit katiting lang ay magkaroon naman ito ng tiwala. Ngunit, sino nga ba siya? Isa lang naman siyang makasariling diyosa noon. Napatigil si Cythe sa kaniyang gagawin at itinago na lang ang kaniyang kamay sa kaniyang tagiliran. Hindi siya karapat-dapat sa inaasam-asam niyang tiwala. "I can still take you to Yuteria," muli na naman niyang suhestiyon. Wala na rin naman silang magagawa. Nag-asawa na ang babaeng inakala nitong tutulong sa pag-alis ng sumpa. "Maghahanap tayo ro'n ng solusyon. Baka ro'n tayo makahanap ng lunas." "Enough bullshits for today, Cythe! Huwag kang paulit-ulit! Ayokong pumunta sa mundo niyo!" Medyo mataas ang timbre ng boses ni Jether, ngunit walang pakialam si Cythe roon. Kung sana, natagpuan niya si Jether noong bata pa lang. Kung sana nasabi kaagad ng kaniyang ama na muling pagkabuhay ng prinsipe, sana hinanap niya ito kaagad. At sana, hindi ganito kahirap ang lahat. "Halika ka na. Isasama na kita sa Yuteria," pagpupumilit niya. Nakasulyap pa rin si Jether sa babaeng bagong kasal. "Will you stop telling me what to do?" Puno ng pagmamatigas ang boses ni Jether, habang mas lalong kumikinang sa liwanag ng araw ang mga mata nito. "Dapat nga, ikaw ang may kakayanang tanggalin 'to, 'di ba? You have your powers. Imortal ka rin. Pero hindi ko pa rin maintindahan, kung bakit nagmumukha kang walang silbi sa harapan ko. O baka wala ka talagang silbi, simula pa man." Pakiramdam ni Cythe ay parang nadudurog ang puso niya sa mga matutulis nitong mga salita. Hinihiwa ang natitira niyang katinuan. Sinasariwa ang sakit ng kahapon. Ngunit, nanatiling blanko ang naging ekspresiyon ng kaniyang mukha. Kaya niya itong indahin. Kaya pa niya. "Wala rito ang gamot," aniya. Pinapakalma niya ang kaniyang sarili. Ayaw niyang malaman ni Jether ang kaniyang nararamdaman. Sana'y hindi siya pagtaksilan ng kaniyang mga mata. "Nasa Yuteria nga ang solusyon. Pumunta na tayo sa Yuteria." "Forget it! Paano ko pagkakatiwalaan ang nilalang na naging dahilan nang lahat na 'to? Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Nagsimula nang tumalikod si Jether at naglakad papalayo ng simbahan. Sinundan niya ito. "Jether!" sigaw niya habang nakabuntot sa malapad nitong likuran. "Hintay!" "You are worthless. Isang pabigat. Isa kang malaking problema sa buhay ko," patutsada pa nito nang hindi lumilingon. "Go, fck yourself!" Natigilan si Cythe sa mga narinig. Kakayanin pa kaya niya ang bawat salitaan nito kung paunti-unti na siyang nahihirapang huminga? Kusang bumabaon ang mga masasakit na salita na 'yon. Matagal na siyang tinanggalan ng kapangyarihan, batid niya rin ito. At kahit sasabihin pa niya kay Jether, na siya mismo ay nagdurusa sa kaniyang kamalian, alam niyang wala namang magbabago. Hindi magbabago ang kawalan nito ng tiwala sa isang katulad niyang minsan nang nagkasala. Napatigil si Cythe sa paglalakad. Kung magpapatuloy siyang sundan si Jether, madudurog siya nang tuluyan. Tumingala siya sa langit. Napaatras siya sa sobrang bigat ng kaniyang puso. Nais niyang huminga. Ayaw man niyang umiyak at magmumukhang kawawa, ngunit kusa nang tumulo ang mainit na likido sa kaniyang mga mata. Tumalikod siya at nagsimulang hinahakbang ang kaniyang paa papalayo kay Jether habang hindi pa nito nito napapansin ang kaniyang paghikbi. Makailang hakbang pa ay naging sunod-sunod na, hanggang sa namalayan niyang tumatakbo na pala siya na taliwas sa tinatahak ni Jether. Minsan, may bagay na gugustuhin na lang na takbuhan kaysa sa harapin, kung paulit-ulit lang din namang ipapaalala na isa siyang malaking kabiguan. "Cythe! Saan ka pupunta?" Napagitla siya nang madinig ang pangalan niyang sinisigaw ni Jether. Nagpatuloy siya sa paglayo. Walang lingunang nagbingi-bingihan si Cythe. "Come back here, Cythe!" Ano ba? Hindi na niya ito maintindihan! How could he say such things? "Anak ng! Sabi nang bumalik ka rito!" Tapos habul-habulin siya ngayon? Mas lalo siyang nagmamatigas. Hindi niya ininda ang sakit ng sinag ng araw na nanunoot sa kaniyang balat. Binaybay niya ang daan hanggang sa makaabot sa main road ng San Pedro, Laguna. Tanaw niya ang eskuwelhan ng San Pedro College of Business Administration sa hindi kalayuan. Gusto niyang magpakalayu-layo pero ayaw naman niyang sumakay ng jeep. Gusto lang niyang makapag-isip at iiyak na lang muna ang lahat. Baka makatulong ang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Go fck himself, too!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD