NAPASOBRA BA SIYA ng salitaan?
Baka nga.
Nais niyang malaman kung saan ang hangganan ng kawalan nito ng puso pero hindi niya lubos-akalain na masyado lang pala itong malambot para sa isang imortal. Nakapagtataka. Taliwas ang kaniyang hinuha sa mismong kinikilos nito ngayon.
Kung ganito makapag-react si Cythe, ibig sabihin ay mabilis lang itong nasasaktan. Ibig sabihin, kahit kaunti ay mayro'n pa rin itong puso sa katawan. Subalit palaisipan pa rin kay Jether kung bakit isinumpa nito ang prinsipe. Napupuno na ang kaniyang utak ng kuryosidad at nawawalan na siya ng pasensiya para dito.
Mabuti na lang at hindi gano'n kabilis maglakad ang isang ito. Kaagad niyang naabutan at nahawakan sa kaliwang braso si Cythe.
"Tumigil ka nga sa paglalakad." Mabilis niyang hinablot ang braso nito. Awtomatikong napalingon si Cythe sa kaniyang gawi. "Tama na ang pagdadrama. Hindi 'yan nakakatulong."
Batid niyang hindi comforting words ang nasasabi ni Jether, pero ano'ng magagawa niya? Never in his life comforted him either. Ganito na talaga siya sa umpisa pa lang.
"Hindi ako nagdadrama," mabilis nitong turan.
"Hindi nagdadrama pero nag-walk-out."
"Hindi ba mas okay kung malayo ako sa 'yo?" Mugto at namumula ang malulungkot nitong mga mata na nakatingin sa kaniya. Halatang dinadamdam ng babaeng imortal ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa labas ng simbahan. "Hindi ka ba masaya kapag hindi mo ko makikita? Hindi ka ba nakakahinga? Hindi ba ako masakit sa mata?"
It was just a test, ngunit bakit parang bumigat ang puso niya nang masulyapan ang paghikbi ng kaniyang kaharap.
"Umuwi na nga tayo," halos pabulong niyang sambit. Napatigil si Cythe na para bang naguguluhan din. Kanina halos ay sinusuka na niya. Ngayon, pinapauwi. Napansin ni Jether na kumulimlim na ang kalangitan. Nagbabadya na ng pag-ulan. Hindi pa rin niya binibitiwan ang braso nito hanggang nauwi sa simpleng paghawak ng kamay. "Huwag kang basta-basta maglalakad sa ganitong lugar. At dito ka lang. Madami ka pang atraso sa 'kin. Huwag kang tatakas."
"Bitiwan mo nga ako! Hindi ka ba nakikinig?" Nagpupumiglas sa kaniya si Cythe.
Mas hinigpitan pa ni Jether ang paghawak niya sa palad nito. Nakakapaso ang init sa tulad niyang nanlalamig. Ayaw man niyang aminin pero masarap ang dulot no'n sa kaniyang pakiramdam. "Hindi, dito ka lang. Kapag bibitiwan kita, tatakas ka na naman. Bago ka lalayas, isipin mong mabuti ang mga atraso mo."
Nagtama ang kanilang mga mata. Naghahanap si Cythe ng iba pang sagot pero hindi niya ito pagbibigyan. Pinilit niyang maging blanko sa harapan ng imortal para maiwasan ang iba pang katanungan.
"Hindi ako lalayas. E, pakiramdam ko naman na ayaw mo sa 'kin. Dama ko naman. Hindi naman ako manhid. Kaya ayaw mo akong hayaan na lang? Tawagan mo na lang ako o i-text kung may kailangan ka. Hindi natin kailangang magsama."
Hell, no.
Wala pa rin pala itong kamalay-malay na minamatyagan ni Wreith ang bawat kilos nilang dalawa.
Hindi niya ito kinuha sa inuupahang apartment nang basta-basta lang. May sarili siyang mga dahilan.
At isa, kanina pa niya nahahagip sa kaniyang mga mata ang mga tambay na nakatingin kay Cythe. Tanaw-eksena talaga ang ganda ng isang 'to. Mas lalong nanindigan ang sarili niya na huwag itong bibitiwan. Gusto pa sana niyang mag-explain pero mas pinili ni Jether na manahimik na lang din. Idagdag pa ang katotohanan na nakukuha ni Wreith ang loob ng
Walang dudang kapahamakan ang dala ng kakaiba nitong ganda.
Nag-umpisa na silang maglakad pabalik. Naiwan kasi ang kotse niya na nakaparada sa labas ng simbahan. Sa kaniyang taranta, hindi niya naisip na sumakay ng kotse para habulin si Cythe.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Ang hopeless niyang tao, kagaya ng sumpang 'to.
"I'm sorry," umpisa ni Cythe na hindi niya inakalang ito pa talaga ang hihingi ng tawad pagkatapos niyang saktan. "Sorry kung hindi ako halos nakakatulong sa 'yo."
Ito ba talaga ang nagsumpa sa kanilang angkan?
Kapansin-pansin ang muling pamumuo ng mga luha sa mga mata nito. Lakas-loob niyang pinigilan ang kaniyang sarili na huwag itong pupunasan. Ayaw niyang magkaroon ng soft spot sa katulad nitong hindi niya halos kilala.
"Is your sorry enough to cure me? Walang magagawa ang sorry mo," aniya. Heck, para silang lovers na binabaybay ang highway ng San Pedro, Laguna dahil naka-holding hands pa rin silang dalawa. Napangiwi si Jether habang iniisip ang takbo ng mga utak ng bawat pasahero ng mga pumapasadang dyip na dumadaan sa kanila. Lihim niyang pinagmasdan ang kamay nitong hawak-hawak pa rin niya. Malambot. Mainit. Kakaiba sa kaniyang pakiramdan. Napatingala siya bigla aa langit upang magpokus sa ibang bagay at muling nagsalita. "Ang sorry hindi dapat 'yan sinasabi. Walang saysay ang simpleng salitaan lang. Dapat ginagawa. Dapat isinasakatuparan. Siguro naman ay may karapatan akong malaman ang lahat-lahat, di ba? Pagdating natin sa bahay, gusto kong magkuwento ka, Cythe. Gusto kong malaman ang lahat-lahat ng nangyari, apat na libong taon na ang nakakalipas. Gusto kong malaman ang puno't dulo ng lahat ng 'to."
At gusto kong maintindihan ka...
Pero umurong ang kaniyang dila upang sambitin iyon.
"Kung iyan ang 'yong kagustuhan."
"Mahirap mapunta sa ganitong sitwasyon kung ako mismo, walang alam sa sumpang 'to. You know very well and I don't need to explain further."
"Naiintindihan ko naman. Pero sana maintindihan mo rin na nagbabago ang isang nilalang. Sana masagi sa isipan mo na hindi lahat ng nagsumpa ay nagbubunyi."
Malalim 'yon, subalit gusto niya ang ganitong usapan. Mas madami siyang natututunan sa nakaraan. "You cursed someone, tapos sasabihin mo ngayon na 'di mo ginusto? How bullshit is that?"
Nagtama ang kanilang mga mata bago pa sila lumiko sa daan pa-Landayan, habang nakatayo at naghintay na makatawid sa may Pedestrian Lane. "Sa tingin mo ba, nandito ako ngayon para lang makita ko kayong nahihirapan dahil sa iisang sumpa. Hindi ako tumakas para lang magsaya sa pagdurusa ng iba."
"Tumakas?" kunot-noo niyang tanong. "At saan ka naman tumakas, Cythe?"
Imbes sagutin, mas pinili nitong tumawid na lang sa kalsada. Tina-try nitong hablutin ang kamay nito pero mas hinigpitan pa ni Jether ang pagkakahawak niya. "Umiiwas ka ba?"
Wala siyang nadinig na sagot.
Mamaya 'to sa kaniya sa oraa na makauwi silang dalawa ng bahay.
Ilang minuto ay nakarating na sila sa may bukana ng simbahan. Hindi katulad kanina, katahimikan ang namayani sa buong kapaligiran. Nagsipag-uwian na ang mga bisita sa simbahan. Wala na rin ang bride. Wala ng naiwan maliban sa petals mga ng bulaklak na nagkalat sa daan, mga isinaboy na bigas, at ilang dekorasyon sa simbahan.
Mabigat ang kaniyang saloobin ngunit wala namang siyang magagawa. Ikinasal na ang babaeng magiging bride-to-be niya sana. Siya dapat ang groom kanina. Subalit wala na siyang oras pa para maghimutok sa mga ganitong bagay. Mayroon na lang siyang isang linggo upang mabuhay. At 'yon ang mas una niyang pagtuunan ng pansin.