MAY MGA ARAW na itatanong na lang sa sarili kung saan nagkamali, kung bakit may bagay na inakalang perpekto na ay mas may ikakaperpekto pa pala o kabaliktaran sa inaasahan.
Tama, maraming tanong si Williard habang nilalakasan ang kaniyang loob na lapitan si Marianne. Lakas talaga ng loob? Napatawa siya nang bahagya. She was his to begin with. Kaya bakit kailangan pa niyang magkaroon ng lakas ng loob upang lapitan lang ang babaeng naging mundo na niya?
This is just too ridiculous.
Wala pa ring kamalay-malay ang kaniyang nobya na susunduin na niya ito. Nitong mga nakaraang araw, ang inakala ni Williard ay simpleng selos lang ang kaniyang nararamdaman. He never feels this kind of emotion before. Kung sabagay, wala ni isa sa kaniyang teritoryo ang nangahas na gaguhin siya -- maliban sa isang nilalang na halos ay hindi niya kilala, si Elliott.
"Marianne!" Matigas ang boses ni Williard habang tinatawag sa babae na buong araw na niyang hinahanap. "Let's go home," dagdag pa niya.
Sa dami-dami na kailangan niyang sambitin at itanong, ni isa sa mga iyon ay hindi niya nabigkas. He is still astounded by the fact that his woman is with another man. Sa loob ng ilang taon nilang pagiging magnobyo, first time niyang nakita si Marianne na may kasama na ibang lalaki.
Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawa.
Salubong pa rin ang kaniyang mga kilay habang kitang-kita niya sa mga mata nito ang labis na pagkagulat sa kaniyang presensiya. Sino ba ang hindi? Even he is shocked from everything.
Una, naglayas ito. Umalis sa bahay nang walang paalam. Pangalawa, she used her car kahit alam nitong wala pang lisensiya dahil minor pa lang. At pangatlo, maabutan niya itong may kasamang iba.
Pareho sila ni Marianne na nagulantang maliban kay Elliott na sa pangalan lang niya nakikilala. Kakaiba ito kung makatingin. Wala sa mga titig nito ang takot o panibugho kung 'di mas higit pa. Sa kalmadong sulyap sa kaniya ni Elliott, bakit pakiramdam ni Williard ay siya ang mang-aagaw, ito ang inagawan?
"Will, paano mo nalaman na nandito ako?" tarantang tanong sa kaniya ni Marianne.
Palagi naman itong natataranta, but this one really sucks out. Iba ang dating na natataranta ang girlfriend kapag may kasamang iba. "Paano mo ako nahanap?"
Nanginginig ang mga tuhod nito na palagi niyang tinatanong kung bakit. He has this cold façade but it doesn't mean that his heart has no warmth for her. Kasi mayro'n 'yon palagi. Kasi, hindi iyon nawawala. She's the very reason why he exists for love, at hindi tumulad sa mga pinsan niyang walang pakialam sa feelings ng mga babae.
"Umuwi na tayo." He says it again. Pinilit niyang walang magbago sana sa composure niya. Pinilit din niya na kahit ang tono ng kaniyang boses ay kalmado pa rin. Pagod na siya sa kaka-rant sa kaniya ni Wreith. At mas lalong pagod na siya na mag-explain ng napaka-basic na sagot na dapat. Sa sobrang basic, hindi na niya ma-gets kung bakit kailangan pa 'tong itanong sa kaniya ni Marianne.
He is her boyfriend.
At hindi lang basta-basta boyfriend.
They're engaged.
Napabuntong-hinga si Williard.
"I said--" Napalingon siya sa lalaking kasa-kasama ngayon ng kaniyang nobya. Binuhos niya ro'n ang pagtingin ng matatalas, bago siya muling napalingon kay Marianne. "Let's go home."
Sa bahay na lang niya ito kakausapin nang masinsinan. At baka pagkatapos ng eksenang 'to, hindi na uuwi pa si Marianne sa tinutuluyan nitong bahay. Nakapagdesisyon na si Will na isama na 'to sa kaniyang mansiyon at do'n na manatili at hintayin ang kanilang napipintong kasalan, lalo na ngayon na nakakaramdam siya ng karibal.
He looks at Elliott again. Malalim. Nais niyang malaman kung ano ang takbo ng utak nito -- kung natatakot ba 'to sa kaniyang reputasyon, kung may pagtingin ba 'to kay Marianne, o manggulo ba 'to sa buhay nila.
He wants to know everything.
At bago pa man siya makahuma, bumalik siya sa kaniyang wisyo nang makitang pinipigilan nito si Marianne na makalapit sa kaniya. Nagkasalubong kaagad ang dalawa niyang kilay. He narrows his eyes towards him, pero hindi man lang ito natinag.
Talagang inuubos nito ang pasensiya niya.
"Elliott, ano'ng ginagawa mo?" dinig niyang tanong ni Marianne.
Hindi ito nakinig. Tiim-bagang, nahihirapan na siyang kontrolin ang sarili niyang emosyon lalo na't kitang-kita niya ang sinadyang pagkabig nito kay Marianne.
He wants to lose control.
Nakapanglalaki.
Muli na namang nagtama ang kanilang mga mata. "Let go of my woman," he demanded.
Tinalikuran siya nito, hawak-hawak pa si Marianne. Pakiwari niya'y nandidilim ang kaniyang paningin sa mga nangyayari. Kumukulo ang dugo. Naninikip ang kaniyang dibdib.
Mabilis na lumapit si Williard sa kanilang gawi. Hindi niya kayang tingnan na may ibang yumayakap kay Marianne bukod sa kaniya. Dapat siya lang at siya lang dapat.
Hahablutin na sana niya si Marianne papalayo sa lalaking ito ngunit mas naging mahigpit pa ang pagkakahawak ni Elliott sa babaeng mahal niya. Laking gulat ni Williard nang lumundag si Elliott palayo, limang metro ang distansiya mula sa lupa, na siyang ikinabigla niya ng husto.
Masyado itong hindi makatotohanan.
Paano nito nagagawa ang isang imposible?
"Hinding-hindi mo na siya makukuha sa akin," sambit ni Elliott.
At ano naman ang sinasabi nito ngayon?
Kaniya?
Si Marianne ay hindi nito may-aari. She is his. At sa kaniya lang.
"Elliott, right?" nanlilisik na ang mga mata ni Williard na nakatingin kay Elliott. "Huwag kang papasok sa buhay nang may buhay. 'Di mo ba alam kung ano 'yang babae na 'yan sa 'kin? She is already taken."
"Mas lalong hindi mo siya kilala at huwag mong gawing bagay ang pusong hindi mo pagmamay-ari."
At bumanat pa talaga.
Sino ba 'to sa inakala niya? Napatanong niya bigla sa kaniyang sarili.
"Marianne!" sigaw ni Williard. "Umuwi na tayo! What on earth are you doing? Sumasama ka nang basta-basta sa hindi mo kakilala! Tara na!"
Nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Kanina pa siya paulit-ulit.
"Kailangan ko nang umuwi Elliott," ani Marianne sa kasama na nadinig pa niya.
"Shhhh . . . Maging kalmado ka lamang," wika ni Elliott, na halos pabulong na lang. "Kung gusto mong lumaya, lumipad, at maging ikaw sa sarili mong pagkatao, sa akin ka sasama. Sa akin ka magtiwala."
Doon na nagpintig ang tainga ni Williard. Muli siyang nagbalak na makalapit sa gawi ni Elliott.
Nais niya itong sapakin, tadyakan, saktan, at labanan ng one on one. Who does he think he is?
Ang kapal naman ng mukha ng isang ito at sa kaniyang harapan pa talaga nagsasalita ng ganito? Hindi ba siya nito kilala? Hindi ba nito alam kung ano'ng makakaya niyang gawin dahil sa katampalasan niya na 'to?
Susugod na sana si Williard nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Palakas ito nang palakas. Palamig nang palamig. Lumiliwanag ang buong kapaligiran. Maya-maya pa'y may kung ano'ng butas ang namumuo sa kaniyang harapan -- sa pagitan niya at sa kay Elliott.
Lumiwanag ang buong paligid nang pansamantala. Kasabay ang paglaho ng liwanag ay bumungad sa kanila ang tatlong anino na mala-usok pa ang anyo. Mula sa pagiging hangin ay paunti-unti itong nagkatawang tao. Tumambad sa kanilang tatlo ang mga kawal na nakasuot pa ng mga kalasag na wari'y nanggaling sa kabilang mundo.
"Kahamahalan," sambit ng isang kawal kay Elliott. "Amin na ang prinsesa. At Isasama ka na rin namin sa Yuteria."