"I have no choice but to leave that place."
Ito kaagad ang sinabi ni Jether sa kaniya nang makarating sa isang liblib na lugar na hindi pamilyar. Kakahinto pa lang ng makina ng sasakyan at dali-daling binuksan ni Jether ang pinto ng kotse at pati siya ay nagbukas na rin sa may passenger seat. "Hindi na safe ang bahay ko. Natunton na ni Wreith. Baka sa mga susunod na araw, pati ang lugar na 'to ay malalaman na rin ng mga ito. Malawak ang koneksiyon ng kanilang angkan."
Tahimik lang na nakabuntot si Cythe sa kaniyang kasama. Nagpatuloy pa rin ito sa pagdaldal na para bang wala lang ang nangyaring eksensa sa kanilang dalawa sa may Laguna. She fell asleep habang nasa biyahe so hindi niya talaga alam ang eksaktong lugar kung nasaan man siya ngayon.
At ayaw niya naman itong tanungin.
Sa isip-isip ni Cythe, baka supalpalin lang siya nito sa pangungulit. Kibit-balikat niyang isinara ang pinto ng kotse at pinagmasdan ang lawak ng lugar. Sariwa ang hangin. Malamig. Nanunuot ito sa kaniyang balat habang padilim na rin ang langit. Parang katatapos lang ang pag-ulan. Tumila na hindi man niya namalayan na umuulan pala habang nasa biyahe. Taliwas sa nakasanayan niyang nakikita sa siyudad, naninibago si Cythe sa kabuuan ng lugar. Purong kahoy ang kaniyang nakikita. Lubak-lubak ang kalsada.
Sa dami ng kaniyang iniisip, mas magandang manahimik na lang muna.
At idagdag pa ang katotohanan na nawawalan na siya ng mood sa lahat-lahat. She is literally stressed out from everything – sa sumpa, sa kalagayan niya, at sa mismong lalaking ito.
Ito ang may sumpa pero pakiramdam ni Cythe ay siya itong nasa bitag ng kani-kinilang mga tadhana. She is trapped and she doesn't know what to do next.
Napabuntong-hininga siya nang wala sa oras. Kinuha lang ni Jether ang iilang mga bagay na nilagay sa may compartment ng kotse. Ang ilan sa mga iyon ay dalawang supot ng tubig at pagkain na kakabili lang sa isang fast food chain. Wala talaga siyang maalala. Gano'n na ba siya kahimbing kung matulog?
Humihilik ba siya?
Malakas ba ang paghilik niya?
Her cheeks turn red while thinking on that embarrassing thought. Napalingon siya sa kabilang direskiyon, shrugging her thoughts away.
They start to walk slowly. Nobody dares to utter a single word. Siguro naubos na ang lahat ng ito kanina sa may simbahan, o 'di kaya'y may mga salita naman talaga na nasis bigkasin sa umpisa pa lang ngunit nawawalan lamang ng pagkakataon at lakas ng loob.
"Iiwanan mo lang ang kotse mo r'yan?" Hindi na siya nakatiis. Ang rupok niya talaga sa mga bagay-bagay. Inilagay na rin sa mga balikat nito ang itim na back pack na hindi niya alam kung anu-ano ang mga laman. At isa pa, hindi rin napansin ni Cythe na nag-pack out ito ng mga personal nagamit. Is he usually this ready to everything?
Napapaisip na naman siya.
Napagitla si Cythe nang mapansin na nakaharap na pala ito sa kaniya. "Hindi na kaya dalhin ang kotse. Masyadong patirik na ang dadaanan natin. Sanay ka bang maglakad sa ganito?"
Napailing-iling siya. Sa tagal na niyang isang bilanggo, paano siya masasanay? "Hindi masyado, pero kakayanin. Are we into hiking? Pagabi na."
"Takot ka sa dilim?"
"You have no idea," turan niya. Sapagkat nagiging tahanan din niya ang kadiliman ng ilang taon, abot pa nga hanggang sa hangganan ng Underworld.
Inabutan siya nito ng isang flashlight. "Here. Use this. Isa o dalawang oras pa tayong maglalakad."
Tinaasan niya ito ng kilay.
Nagtama ang kanilang mga mata.
"Saang probinsya na 'to?" She can't stand it anymore. She needs to ask. "Sigurado kang dalawang oras tayong maglalakad? Hindi ka ba natatakot na baka may kung ano'ng wild animal sa paligid?"
"Nasa Luzon pa rin naman," sarcastiko nitong sagot. "Malayo sa technologies, mas maganda. Mas malayo sa siyudad, mas maganda. Kung may wild animal, mas lalong maganda."
"Bakit naman?"
"Para mahirapan tayong i-track down nila Wreith habang iniisip ko pa kung paano tayo ngayon pagkatapos maging negative ang first option. At pagkain na rin iyon, wild animal. Aayaw pa?"
"We are their prey!" nakapameywang niyang singhal. "Tayo ang pagkain at hindi sila."
"Whatever . . . just keep walking."
"At isa pa --" Gusto niyang sabihin na okay lang ang lahat. He's talking about his soulmate who just got married. Alam niya 'yon. "Ah . . . nevermind."
"Ang g**o mo kausap, babae."
"Mukha namang okay si Wreith," sabi niya. "He's kind and quite supportive. Are you sure we're talking at the same man?"
"Don't give your trust easily," tugon ni Jether na hindi na siya nilingon pa. They keep on walking, paakyat sa maliit na burol. Pagkatapos nito ay makikita niya ang dalawang bundok sa likuran nito. "May mga demonyo na pilit maging anghel para mas madami pa ang kanilang mabibiktima. At may ibang anghel na nagiging demonyo sa mata ng iba ayon sa kung anuman ang pinaniniwalaan ng mga tao. People judge other people so easily. That's human nature, I guess. Kaya kung ako sa 'yo, payong tayo lang na magiging halimaw na rin, huwag kang magbibigay ng tiwala sa iba kung sa huli ay hindi mo alam kung karapat-dapat bang bigyan ng iyong tiwala. Kung sa huli, ito rin ang magiging ahas na tutuklaw sa 'yo."
Astounded by his words, Cythe looked at his broad shoulders. Gusto niyang itong lumingon at makita ang mga nito. Is he giving her a warning about Wreith o sinisiraan lang ni Jether ang taong 'yon?
"Ang sabi ni Wreith, biktima lang din sila at kailangan nating makipagtulungan para sa ikabubuti ng lahat." She is just only teasing him, then.
Hanggang saan nga ba ang pasensiya ng isang ito?
"At naniwala ka naman?"
Nasa bandang itaas na silang dalawa ng burol. Natataw na ni Cythe ang ganda ng ilog na mahinang rumaragasa sa paanan ng bundok.
"Bakit? Ayaw mo bang maniwala kay Wreith?"
"Ang naive mo, Cythe. Sigurado ka bang isa kang diyosa?"
Napahalumikipkip bigla si Cythe. Nakatingala siya kay Jether. Nasa pinakatuktok na kasi ito ng burol, a few feet away from him. "Hindi ako naive. Magkaiba ang naive sa gustong lawakan ang mga bagay-bagay."
"E, 'di lawakan mo pa." Ayon lang ang sinabi nito pero bakit daig pa niya ang makaramdam na masyado itong dismayado sa kaniya. "I don't care who's side you're on. Just end this f*****g curse, and we're good."
Do'n na sumayad si Cythe.
Dali-dali siyang naglakad paakyat sa burol upang mas makalapit kay Jether. Sa sobrang pokus niya at sama ng loob, hindi niya namalayan na mawalan ang kanang paa niya ng balanse. At bago pa man siya makagalaw, huli na ang lahat. Napansin na niya ang kaniyang sarili na unti-unting bumabagsak sa lupa, pababa sa burol.