~ CHAPTER 5 ~
SOBRANG lamig sa buong paligid habang nandito kami sa dining table, kasama ko sina mom and dad, but never tumingin si mom sa akin.
“Kesha, we need to go. Stay here, okay? Narinig kong wala ang pinsan mong si Kaiju sa house nila. Kaya donʼt go out.”
Tinignan ko si dad kay tumango ako sa kanya. “O—okay po.” Yumuko ako sa kanya.
“Daniel, come on! May meeting pa tayong aasikasuhin.”
I flinched when I heard momʼs voice. “Hayaan mo ang mom mo, huhupa rin ang galit niya sa iyo, Kesha. Stay here, ha?” Tumango muli ako at lumakad na rin siya para habulin si mommy.
Nakahinga na rin ako nang makitang wala na sila sa dining table kaya makakain na rin ako nang maayos. “Miss Kesha, ayos lang po ba kayo?” pagtatanong ni Nanny sa akin.
Pinilit kong ngumiti nang malaki sa kanyang harapan, pero hindi ko kaya. “H—hindi po, Nanny. . .” Nag—uumpisa ng uminit ang mga mata ko dahil sa aking sinabi. “B—bakit po palagi akong mali? Sinabi ko lang naman po kay kuya Kaiju ang tungkol sa narinig ko noon. N—na sana naging boy na lang ako imbis na girl na katulad ko ngayon, Nanny. S—sobrang sakit po itong nararamdaman ko ngayon. G—gusto ko lang din naman pong makita nila ako katulad ni ate Dakota. Mali po bang hilingin iyon?” pagtatanong ko sa kanya.
Kung alam ko lang na mali, hindi ko na sana sinabi.
Niyakap niya ako nang mahigpit, iyong tipong ayaw niya akong bitawan. “Wala kang ginawang mali, Miss Kesha. Nasabi mo lang iyon dahil gusto mong ilabas niyang nararamdaman mo, Miss Kesha. Kaya walang mali sa ginawa mo.”
Napasinghot ako sa kanyang sinabi at tumango sa kanya. “O—okay po, Nanny. But, s—sana maging okay kami ni mom. Ayokong nagagalit siya sa akin.” Nanginginig na sagot ko sa kanya.
Ang hiling kong iyon ay hindi nagkatotoo dahil sa ilang taon ang lumipas ang relasyon namin ni mommy ay hindi na naging okay. Parang may wall siyang nilagay sa pagitan naming dalawa, minsan pinapansin naman niya ako, especially kapag nasa labas kami, nasa harap ng friends nila or sa reunion ng family namin, but after that, kapag nasa bahay na kami, back to square one. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Ibang—iba ang trato niya sa akin at kay ate Dakota.
“Miss Kesha, nandito na naman kayo, ha? Kumusta ang school niyo?”
Nakita ko si kuya Renzo, ang kakambal ni kuya Kenzo. Sila iyong tinulungan sa isang mission nila kuya Kaiju tapos na recruit na rin sila bilang tauhan ni kuya Kaiju, mababait sila lalo na si kuya Kenzo, madaldal nga lang siya.
“Good day po, kuya Renzo! Maaga po kaming pinauwi galing sa school kaya dumiretso na po ako rito. Wala naman po akong gagawin sa bahay namin,” sabi ko sa kanya. “Kayo po? Kumusta school niyo rin?” Ginaya ko ang tanong niya sa akin.
“All good naman, Miss Kesha.”
Naghihintay ako sa sasabihin niya muli, pero wala na. Nakatitig na siya sa kotseng kuya black, pero nang tumagos ang tingin ko roon ay nasilaw ako nang makita ang isang neon orange na sasakyan. Sobrang kintab na siyang pagsakit ng aking mga mata.
“Kanino pong kotse iyan, kuya Renzo? Ang sakit sa mata at ang baduy po! Neon orange po talaga? Para siyang crayon!” Nakangiwing sabi ko at tinuro pa iyon.
“Kay Raine—”
Hindi na naituloy ni kuya Renzo ang sasabihin niya nang may marinig kaming malakas na pagtawa. Napalingon kaming sabay at nakita ang kakambal niya. “Crayon talaga, Miss Kesha?” Hindi pa rin nawawala ang patawa niya.
Tumango ako sa kanya. “Yes po! Masakit sa eyes lalo na kapag tinatamaan ng sunlight po! Eww, baduy ng car na iyan.” Nagulat pa ako lalo nang lumakas pa ang tawa niya. May ilalakas pa pala ang tawa niya. “Kuya Renzo, nababaliw na ang kakambal niyo. Dalhin niyo na kaya sa mental hospital niyan. Tulungan ko kayo,” bulong ko sa kanya.
“Kenzo, stop laughing. Nakakarindi ang tawa mo.” Sinaway na rin siya, kaya nanahimik na rin. “Miss Kesha, kay Rainer ang kotseng iyan. Hindi naman na sa bago sa inyo na nangongolekta si Rainer ng mga kotse at may business din siya about sa car,” sagot ni kuya Renzo sa akin.
“Oh, really? But, his taste sa color ng car niya ay bad, ha? Gusto niya maging bida—bida sa kalye?”
“Totoo iyon, Miss Kesha! Ang baduy ng color ng car niya.” Sumang—ayon ako sa sinabi ni kuya Kenzo.
“Kaya pala sumasakit ang tenga ko, pinag—uusapan niyo kong tatlo!” Nanigas ako nang marinig ko ang boses ni kuya Rainer. Napalingon kami sa main door and we saw him standing there na galit sa amin ngayon.
“Rainer, nagsasabi lang kami ng totoo ni Miss Kesha. Ang baduy at ang sakit sa mata ng neon orange car mo!” bulyaw ni kuya Kenzo.
“Anong baduy? Fashion niyan, fashion! Ako lang may ganyang kotse na neon. Ipapakita ko pa sa inyo ang ibang color ng car ko, at ang pinaka—bet ko ay ang neon green pick—up car ko!” malakas niyang sabi at tumawa rin nang malakas.
Aba, proud talaga siya sa color ng car niya, ha?
“Oo nga pala, Miss Dainna, bakit napadalaw ulit kayo? Aba, namimiss mo ko, ano?”
Nag—isang linya ang aking kilay nang marinig ko ang sinabi. “Ha? Namiss kita, kuya Rainer? Nope of course! Hindi mo nga ako matalo—talo sa pick—up lines po, eh. Kaya po ako nandito dahil kay kuya Kaiju, namiss ko ang the best cousin ko—”
“Wala rito si Bossing, Miss Dainna.”
Napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat agad siya. “Eh? Wala pa si kuya Kaiju? Nasaan siya ngayon? Nasa campus pa ba siya? Hindi ba niya ako namimiss, na kanyang nag—iisang pretty and smart na cousin?” sunod—sunod kong tanong sa kanya.
“Miss Dainna, gutom ka na. Kung ano—ano ang pinagsasabi mo.”
“Hindi pa po ako gutom.”
“Miss Kesha, nasa ibang bahay ngayon si Young Master Kaiju.”
“Ibang bahay? May ibang bahay pa ba siya? Bukod dito!” tanong ko at tinuro ang nasa harapan kong mansion.
“Ah—eh, wala po. Heto lang ang bahay ni Young Master Kaiju. . . Ang gusto ko pong sabihin ay—”
“Nanliligaw si Young Master Kaiju ngayon sa bahay ng mga Krick!” Si kuya Kenzo na ang nagtuloy sa sasabihin ni kuya Kenzo.
“Kenzo!”
“What? Malalaman din naman ni Miss Kesha ang tungkol doon.”
Napatingin ako sa kanilang tatlo. “Ligaw? Courting? May girlfriend na si kuya Kaiju? But, bakit hindi ko alam? Anong name niya? Maganda ba siya? Mabait? Galing sa mayaman na angkan?” sunod—sunod kong tanong muli sa kanila.
“Ah—eh, balak na nilang ikasal this year, Miss Kesha. Kaya nagmamahikan na sila. Nagmamahikan ba ang tawag doon para hingin ang kamay?”
“Aba, malay ko, Kenzo!”
“I—ikakasal na siya this year? K—kanino?” Para akong nahulog sa mataas na building dahil sa narinig ko ngayon.
“Rica Krick ang girlfriend ni bossing, Miss Dainna. Huwag kang mag—alala, mabait, maganda at matalino siya. Lahat ng gusto ni bossing na katangian ng isang babae ay na kay Miss Rica.” Napatango na lamang ako sa sinabi ni kuya Rainer.
Bakit hindi niya sinabi sa akin? Kung ʼdi pa sinabi ni kuya Renzo ay hindi ko malalaman.
“Um, I—I need to go na po. Wala po pala si kuya Kaiju rito. Uuwi na lang po ako.” Biglang bumaba ang energy na mayroʼn ako.
“Miss Kesha, sure po ba kayo?”
Tinignan ko si kuya Renzo and I nodded to him. “Um, yes po. See you po tomorrow.” Ngumiti ako sa kanya at lumakad na rin paalis, mabuti na lamang ay hindi umaalis ang driver ko.
Umalis ako sa bahay ni kuya Kaiju na mabigat ang loob ko. Mukhang ako lang ang walang alam about sa relasyon niya, may girlfriend na pala siya.
I feel restless nang magising ako, sa totoo lang ay simula pa kahapon ay napapagod na ako, simula nang malaman kong malapit na pala ikasal si kuya Kaiju. Ginawa ko na ang aking daily routine at bumaba na rin nang matapos ko iyon gawin.
Heto na naman ang katahimikan dito sa bahay, kaya ayokong naglalagi rito kapag weekends.
Pero, nawala ang iniisip ko nang makita si ate Dakota na nakaupo sa sofa namin. “Ate Dakota, you are here po! Kumusta po ang pagiging adult niyo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
Minsan na lamang siyang pumunta rito sa bahay dahil may sarili na siyang condominium at doon na siya natutulog para tumulong sa business naming Furniture, isa ang company namin sa mga distributor lalo na sa mga series, movies and mga nagpapagawa ng bahay or buildings, sa amin sila kumukuha ng mga iyon.
“Yes, I am okay, Kesha.” Binaba niya ang binabasa niyang folder. “How are you?”
“Ayos lang din po— ano po niyang envelope?” tanong ko nang makita ang isang envelope, mukha itong invitation card.
Tinignan niya ako and I heard her sighed. “Invitation card para sa engagement ni Kaiju with the Krick, Kesha.” Binigay ni ate Dakota sa akin ang invitation.
“I—ikakasal na siya?”
“Hindi pa naman, pero malapit na siyang ikasal. Kailangan niyang ikasal dahil siya ang mamumuno sa mga Zenger, Kesha. Alam mo naman ang family sa side ni mom, right?”
Tumango ako sa kanya. “Alam ko po.” Alam kong Yakuza ang family namin, ang mga Zenger. Hindi na bago ito dahil simula nang magka—isip kami ay sinabi na sa amin ni Grandpa Kazu, pinaliwanag niya ang tungkol sa family namin.
Iyon pala ang ibig sabihin ni Nanny dati na siya ang mamumuno. Akala ko kung ano na.
“Kaya kailangan niya agad ikasal pagkatuntong niya ng eighteen upang lumaganap muli ang surname nating Zenger. Siya lamang ang nag—iisang lalaki sa family natin, kaya nga sa kanya binigay ang title ng family natin.”
I feel bad for kuya Kaiju, sobrang bigat ng dinadala niya ngayon.
“Oh, Dakota, you are here, sweetheart!”
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni mom, hindi ako lumingon sa aking likod. Binaba ko na lamang ang invitation card sa table.
“Good day, mom. How are you?”
Hindi pa rin ako kumikilos ngayon.
“Iʼm good, Dakota. Medyo busy dahil alam mo naman ang business natin ay lumalago. Oh, by the way, ano niyang invitation?”
I gulped nang mapunta na roon ang atensyon niya. “Um, invitation card for engagement ni Kaiju. Kabibigay lamang kanina.”
Napaharap na ako kay mom at nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. “I—e—engage na talaga siya sa mga Krick. What a nice move for Kaiju. Krick is one of the powerful families here in Philippines.” Nakita ko ang pagsulyap ni mom sa akin. “Mukhang wala ng magtatanggol sa iyo—”
“Mom!”
“What, Dakota? Nagsasabi lang ako ng totoo—”
“Kim, we should go. Kailangan na nating umalis, may meeting pa tayong pupuntahan.”
“Okay, fine! Kaya hindi titino niyang si Kesha dahil sa inyo!”
Napapikit ako nang marinig ang malakas niyang sabi. “Walang ginagawa si Kesha sa iyo, Kim. Hayaan mo ang bata.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung naging lalaki lang sana siya—”
“Sana nga po naging lalaki na lang din talaga ako. . . Para kahit papaano ay nagawa niyo kong mahalin. Pero, hindi po. Heto talaga ako. At, kahit maging lalaki ako, hindi ko rin aagawin kay kuya Kaiju ang title niya dahil sa gusto niyong makuha iyon at maging pabor sa inyo si grandpa Kazu and grandma Kaiyo, mom.”
“How there you—”
“Enough, Kim! Sumusobra ka na.” Gumitna si dad sa pagitan naming dalawa.
“Whatever!” Nakita ko na lamang ang pag—alis ni mom.
“Kesha, pagpasensyahan mo na ang mom mo, ha? Mahal ka rin niya, okay? We need to go,” nakangiting sabi ni dad at hinalikan ako sa aking noo.
Nagulat ako nang yakapin ako ni ate Dakota. “Everything is fine, Kesha. Nandito ako for you.”
“T—thanks, ate Dakota.”
Gusto ko lang talagang mahalin niya ako.