CHAPTER 2
KUMAKAIN na kami rito at kasalo namin si kuya Rainer. Tinititigan ko siya kasi nasa harap ko siya ngayon.
Why his face so thick? Dapat hindi na siya naki—eat sa amin.
Dead hungry ba siya?
“Kesha, donʼt stare at Rainer. Hindi maganda iyan.”
Napaiwas ako nang tingin kay kuya Rainer nang marinig ang saway ni kuya Kaiju. “Hindi ko po siya tinitignan, kuya Kaiju. Nakita ko kasing singkit ang mga mata niya. . . May lahi ka po ba?” tanong ko sa kanya.
Napahinto siya sa pagkàin at binaba ang hawak niyang kubyertos. “Bakit gusto mong malaman, ha? Gwapo ako, ʼdi ba?” nakangising tugon niya sa akin.
“Kuya Kaiju, his face is also thick, ano po? He said he was handsome? Ay, wow!” bulalas kong sabi habang nandīdīring tinignan siya.
“Young Master Kaiju, nakakasàkīt na itong pinsan mo.”
“Aha! Pumapàtøl ka sa kid like me, huh? Bàd ka, kuya Rainer. Iʼm still seven years old and youʼre going to hīt me, lalaki ka pa niyan ha. Donʼt you have a sister?” I raised my eyebrows at him.
But, I feel sad when I sàw his face become sad. May nasabi ba akong masàkīt?
“Kuya Kaiju, bakit siya sad? Has my tøūnge become matabil po?” I asked him in questionable.
“Yes, Kesha. Say sorry to him.”
Napalūnøk ako at tinignan muli si kuya Rainer. “Iʼm sorry po, kuya Rainer. Donʼt be sad na po. Hereʼs my cookies, sa inyo na po iyan. Busog naman na po ako.” Binigay ko sa kanya ang chocolate cookies ko. “Para hindi ka na po sad. Sorry din if I said bad to you po.” sabi ko sa kanya at tinikom ang aking bībīg.
Hindi na ako magsasalita.
Nagūlàt ako nang makarinig ako nang malakas na pagtawa. “Bigla kang bumait, ha? Dapat pa talaga akong maging malungkot para bumait ka sa akin?”
Nabigla ako sa kanya. “Hala! Binibiro mo lang pala po ako! Grabe ka po sa akin! Akin na niyang cookies ko—”
Hindi ko nahawakan ang plate kung nasaan ang cookies ko, nakuha niya agad iyon. “Oopps, binigay mo na ito. Wala ng bawian,” nakangising sabi niya at kinagatan ang aking cookies.
Napaawang ang aking làbī habang nakatingin sa kanya kung paano niya nguyain iyon. “Nice! Masàrãp. Sino ang nagbake nito? Medyo kaunti lamang ang chocolate chips.”
Nagcomment pa talaga siya.
“Si Nanny ko ang nagbake niyan and I help her! Kaya masarap talaga niyan!”
“I know. I know. Thanks sa cookies!”
“Kuya Kaiju, hindi naman pala siya naiyak. Naibigay ko pa cookies ko po sa kanya.”
Ngumiti siya sa akin. “Hereʼs my cookies na lang. And, may problem talaga siya about her sister. Namàtáy iyon noong baby pa.”
“Aw. Sorry po. Sa inyo na iyan talaga.”
Kawawa naman pala siya.
“Donʼt be sorry, mataray na Kesha. Matagal na iyon and weʼre okay na. May younger brother pa man din ako.”
“Dalawa na lang pala kayo? Si kuya Kaiju kasi ay only child, tapos ako I have sister—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may magsalita.
”Oh, nandito pala kayo, Kaiju and. . . Rainer. Hindi ko alam na pupunta pala kayo,” gulat na sabi ni ate Dakota sa kanila.
“Ate Dakota!” malakas kong tawag sa kanya. “Siya ang ate ko, kuya Rainer! Ang ganda niya like me!” nakangiting sabi ko at pinakita ang aking face.
“Yes, but mas mabait ang ate Dakota mo.”
“Aba! Hinihingi ko po ba ang opinion niyo po?” Tinarayan ko siya, but I donʼt know kung tumàás ba ang right eyebrow ko.
“Kesha, your tone. Mas matanda siya sa iyo.”
“Iʼm sorry, ate Dakota. Nauna po siya. By the way, bakit maaga po kayong umuwi? Tapos na po ang class niyo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Yes, maaga kaming pinauwi ng Professor namin. Bakit pala nandito kayo, Kaiju?”
Magkasing—edad lamang sila ni ate Dakota.
“May pinakuha lang si mom sa office room nila uncle Daniel. Nakuha ko naman na.” Pinakita niya sa amin ang isang folder.
“Whatʼs that, kuya Kaiju?” tanong ko sa kanya.
“Another business na bubuin ng family natin, Kesha. Masyado ka pang bata para rito kaya huwag mo muna intindihin, okay?” Tumango na lamang ako sa kanya at hindi na muli nagtanong pa.
Nang matapos kaming kumain ay gumawi kami sa living room, hindi pa rin ako umaalis sa tabi ni kuya Kaiju, minsan lamang siya pumunta rito dahil sobrang busy niya. Sabi ni ate Dakota ay siya raw ang papalit kay uncle Keiji, hindi ko alam kung ano ang papalitan niya.
“Kuya Kaiju, are you okay? Iyong eyes niyo po ganito, oh.” Pinakita ko ang dalīrī kong nakabilog at tinapat sa eyes ko. “You look like tarsier and panda because your eyes has black.” Nakangiwing sabi ko while looking at his face. “But, handsome ka pa rin po and you are the best cousin, kuya Kaiju.”
"Eh? Sīpsip.”
Nagsalubong ang aking kilay at masama tinignan ang nagkomentong iyon. “Ay, wow, talaga ba? Ikaw, kasi ay hindi gwapo po. Ang tanda—tanda mo na, pumapatol ka pa sa bata po. Grabe talaga!” Naiiling na sabi ko sa kanya.
“Ah!” I was shocked nang hawakan niya ako. “Dirty na ako.”
“Uy, grabe ka! Naghugas ako ng kàmáy, ha?” Napanguso ako sa kanyang sinabi. “Anyway, letʼs be friends, Kesha. Magpapakilala muli ako sa iyo para maging friends tayong dalawa, ha?”
Anong pinahihiwatig niya? Gusto niya akong maging friends dahil Iʼm pretty?
“Sure, If you really want to be friends with me because Iʼm pretty and you want to have pretty friends like me. So, whatʼs your name?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Bossing, matabil talaga ang dīlà ng pinsan niyo.”
“Hey, naririnig po kita!” Pinalakihan ko siya ng mga màtá ko.
“Matabil naman talaga ang dīlà mo!”
“Pretty naman po ako. Wait, akala ko ba you want me to be your friends po? Tapos aawayin mo ulit ako? No! No!”
“Sorry, Kesha—”
“Miss Kesha, kuya Rainer, okay?”
“Sure, Miss Kesha. Gusto kitang maging friends. . . Iʼm Rainer Vasquez, 17 years old and Chef to be ng Zenger family. How about you, Miss Kesha?”
Malawak akong ngumiti sa kanya. “My name is Kesha Dainna Taguibe. Iʼm pretty, cute, smart and kind daughter of my family. Nice to meet you, kuya Rainer.” Kinuha ko ang kamay niya at shinake iyon. “May friends ka ng maganda, ha? Kaya dapat maging happy ka, okay?” I wink my right eyes to him.
Nakita ko ang pagkangiwi niya sa akin at muling tinignan si kuya Kaiju. “Bossing, malala na talaga itong pinsan mo.”
Malala? What is malala?
“Rainer!”
“Sorry naman, bossing.”
“Dakota, Kesha, aalis na kami. We need to go, may kailangan pa kaming puntahan ni Rainer. Magkita na lang ulit tayo sa campus.”
“Ha? Uuwi na kayo, kuya Kaiju?” bulalas kong tanong nang marinig ang sinabi niya.
“Yes, Kesha, may class pa kami tomorrow.” Ningitian niya ako at ginulo ang aking buhok.
Nalungkot ako sa kanyang sinabi. “Kailan ka ulit pupunta, kuya Kaiju? Alam mo namang wala akong friends. . . Lahat sila ay fake friends. They want me because para mapalapit kina dad and mom, to our family.”
Nagsasabi ako ng totoo. I donʼt have a true friends in my school even outside. Lahat sila ay may lihim na intesyon sa akin.
“Huwag mo ng sabihin iyon, Kesha. Next time ay pupunta muli kami with Rainer, ha? May gagawin lang talaga kami and kailangan ko lang dalhin kay mom itong pinapakuha niya sa akin.”
“Kesha, huwag mong istorbohin si Kaiju busy sila.”
“I know naman po, ate Dakota.” Tinignan ko si kuya Kaiju. “Bye po, kuya Kaiju! Ingat po kayo ni kuya Rainer. . . And, kuya Rainer, ingatan mo po ang best cousin ko, ha?”
Ningisihan niya ako. “Of course, bossing ko ʼto! See you soon, pandak na Dainna!”
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “Anong pandak ang sinasabi mo—Argh!” Nainis ako nang hindi ko natapos ang aking sasabihin nang makaalis na sila, tumakbo siya palabas ng bahay namin.
“Kesha, hindi maganda ang ugali na binigay mo kay Rainer, ha? Mas matanda sa iyo ang isang iyon.”
Napalūnøk ako sa sinabi ni ate Dakota, first time niya akong pinagalitan. “Sorry po, ate Dakota. Nauna siyang asarin po ako, eh. But, galing din po ba siya sa mayaman na pamilya?” tanong ko sa kanya.
“Yes, he is, Kesha. Kaya sa susunod ay mag—sorry sa kanya. Oh, siya, aakyat na ako da room ko. Marami rin akong gagawin today.”
Napabuga ako ng hangin nang makitang umalis na rin si ate Dakota.
“Nanny, did I doing wrong po talaga kanina? Kay kuya Rainer?” tanong ko sa kanya.
“Yes po, Miss Kesha.”
“Ganoʼn po ba? Sorry po, nanny. Gusto ko lang naman siya asarin, eh. Cute po si kuya Rainer. May crush ako sa kanya, nanny,” bulong ko sa kanya.
“Haruy, jusko kang bata ka! Miss Kesha, bata ka pa para sa crush—crush na iyan!” suway niya sa akin.
Napamewang ako sa harap ni nanny. “Why po, Nanny? Crush ko lang naman po si kuya Rainer. Huwag niyo pong i—tell sa kanya, ha? Baka bumig ang head niya because I have a crush sa kanya po.” Napahagikhik ako sa kanyang sinabi and mabilis na tumakbo papunta sa room ko.
Crush ko si kuya Rainer.