CHAPTER 3

2025 Words
NAKASILIP ako sa harap ng gate namin, waiting sa car ni kuya Kaiju. Isang linggo na pero hindi pa rin bumabalik muli si kuya Kaiju para bisitahin ako. Talaga bang busy siya ngayon? Hindi ba niya ako namiss? Ang nag—iisang pinsan niyang pretty? “Hay.” I blow my breathe out of nowhere. “Miss Kesha, nababagot po ba kayo? Heto na po ang snacks niyo. Favorite niyong crinkles and apple juice.” I saw my nanny na nilapag ang snacks ko. “Yeah, nanny. Sobrang bored po ako. I donʼt know what to do po.” saad ko sa kanya. “I miss kuya Kaiju and kuya Rainer. Gusto ko ulit siyang inisin po.” “Gusto niyo po bang ihatid namin kayo kay Miss Tiffany? Para may makalaro kayo, Miss Kesha?” I shake my head. “Nanny, hindi ko siya friends po. I mean, sheʼs the daughter of my momʼs friends but kinakaibigan lang niya ako dahil they need us, especially our name po... Minsan I saw her na sinisiraan niya ako sa ibang classmate namin kaya I donʼt like her na po.” sabi ko sa kanya. Totoo iyong sinabi ko. Tsini—tsismis niya ako sa ibang classmate namin kahit hindi naman totoo. Sabi niya sa ibang classmate namin na dead hungry daw ako? Like hindi totoo iyon. Marami kaming food kaya ako panay kain. “Ganoʼn po ba, Miss Kesha?” Tumango ako sa kanya. “Malay niyo naman po, Miss Kesha na baka dumating sila this week para kumustahin ka. Kumain na po kayo baka nagugutom na ang mga alaga niyo!” Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. “Oh my gosh, nanny! Baka hungry na rin sila. I need to eat this po!” mabilis kong sabi at kinain na itong dala niyang snacks niya for me. Another weeks has passed, wala pa ring kuya Kaiju na dumating. Hindi ba niya akong namiss? Ang pretty cousin niya? “Hindi sila dumating ulit, Nanny.” Nalungkot ako dahil ilang linggo ng hindi bumabalik si kuya Kaiju, kasama si kuya Rainer. Akala ko ba wants niya akong maging friends. Dapat ang friends ay closed and always nakikita. Iyon ang nawa—watch and nare—read ko sa fairy tale. “Baka busy sila, Miss Kesha. Adults na sila.” Napatingin ako kay Nanny, isang buwan na ang nakakalipas simula nang maging friends kami ni kuya Rainer. “Busy pa rin po ba sila, nanny? Bakit si ate Dakota hindi naman po?” Napabuga ako habang nakatingin sa way ng gate namin. “Iba—iba ang pagiging busy ng isang taon, Miss Kesha. Huwag po kayong mag—alala, always naman po kayong kina—kumusta ni Mr. Vasquez, ʼdi ba po? “But, weʼre friends. Dapat kapag friends ay always in touch, nanny? Ayon ang napapanood ko and nakikita ko kay ate Dakota if kasama niya friends niya. I want to have a friends po... Sa school ayaw nila sa akin because of my surname po.” “Hayaan niyo, Miss Kesha. Kapag lumaki na rin kayo ay may makikilala rin kayong true friends po. Kaya tiwala lang po, ha? Sobrang bait, malambing at sweet kayong bata kaya mahal na mahal ko kayo.” “Sana nga po, nanny. Gusto ko rin nang maraming friends like ate Dakota! I wish na I have more friends than her po!” malakas kong sabi. “Magkakatotoo ang sinabi niyo, Miss Kesha.” Hinawakan ni nanny ang pisngi ko. “Pero, lumipat po tayo ng pʼwesto niyo at mainit dito sa patio baka pawisan kayo.” “Okay po, nanny. Gusto kong manood but before that ay tatawag po ako sa house nila kuya Kaiju para sabihing bukas ay pupunta ako sa house nila!” Mabilis akong tumakbo papunta sa living room para makuha ang telephone. “Miss Kesha, sandali lang po. Hindi niyo kabisado ang telephone number sa mga Zenger.” Napahinto rin ako nang marinig ang sinabi ni nanny. “Nanny, hurry up! Need nating tumawag saan house nila kuya Kaiju po.” Gusto ko talagang pumunta sa bahay nila Kaiju. May sarili na siyang house sa edad niyang thirteen years old kasi nga sobrang talino at magaling si kuya Kaiju, the best nga siya. Tinignan ko si nanny na nagda—dial na sa telephone. Excited na akong makausap siya. “Hello, good afternoon po. This is Helen, ang nanny ni Miss Kesha Dainna Zenger Taguibe. Nandʼyan po ba si Young Master Kaiju?” Ayan na. May nakausap na si nanny. “Hello, Mr. Caddel. Yes. Tomorrow morning? Free po ba siya? Oh, thanks.” Nakatingin si nanny sa akin. “Thank you so much... Paniguradong matutuwa siya sa ibabalita ko.” Binaba na niya ang telephone. “Nanny, ano pong sabi ng nakausap niyo po?” Hindi na ako makapaghintay sa kanyang sasabihin. “Pʼwede po kayong pumunta sa bahay nila Young Master Kaiju, Miss Kesha, iyon po ang sinabi ni Mr. Caddel, ang magiging right hand ng pinsan niyo.” “Right hand? What is right hand, nanny? ʼDi ba po, heto iyong right hand? Mawawala po ba ang right hand ni kuya Kaiju?” Hala, baka may sakit si kuya Kaiju kaya hindi siya makapunta sa house namin? Oh, no! “Hindi po ganoʼn, Miss Kesha. Ang ibig kong sabihin ay si Mr. Caddel ang mag—aasikaso sa kanya once na i—handle niya ang Zenger family.” Namilog ang aking labi. “Oh, parang secretary po?” Tinanguan niya ako. “Pero, pupunta po tayo bukas sa houser nila, nanny? Kailangan maging maganda ako tomorrow. Need natin maghanap ng dress for me.” Hinawakan ko ang kamay ni Nanny at umakyat na kami sa room ko. Gusto kong maging maganda sa pag—visit ko bukas. Para may makitang maganda si kuya Rainer bukas. ~~°°°~~ “Kuya Harold, come on! Letʼs go to kuya Kaijuʼs house!” malakas kong sabi nang matapos na aking kumain, may bitbit kaming cookies na binake namin ni Nanny. “Wait lang po, Miss Kesha.” Hindi ko na hinintay pa si kuya Harold at inopen ko na ang door sa backseat. “Nanny, see you later po, ha?” Kinawayan ko siya nang makapasok na ʼko sa car namin. Sayang at hindi na siya pʼwedeng sumama, need niya raw linisin ang room ko, pʼwede naman mamaya. “Kuya Harold, ilang oras po ang byahe papunta sa house nila kuya Kaiju?” Excited na talaga ako. “Almost one hour din po, Miss Kesha.” “Ay, matagal din pala, pero ayos lang at least makikita na nila ang magandang katulad ko po!” Nakarating na rin kami sa bahay nila kuya Kaiju. Na—amaze ako nang makita ang paligid, ang daming puno at ang haba ng entrada papunta sa main house nila. “Bahay ni kuya Kaiju ito, kuya Harold?” takang tanong ko sa kanya. “Yes po, Miss Kesha. Bagong gawa itong bahay niya at dito na siya maninirahan, iyon po ang narinig ko.” “Wow! May house na si kuya Kaiju!” Lumakad na ako papasok sa main house at may nagbukas sa main door, nakita ko ang isang lalaki. Yumuko ito sa akin. “Kinagagalak kitang makilala, Miss Kesha. Iʼm Kenta Caddel, right hand ni Young Master Kaiju. Nice to meet you.” “Oh, ikaw, iyong kausap ni Nanny ko kahapon po, ʼdi ba?” “Yes, I am, Miss Kesha. Pumasok po kayo.” Tumango ako sa kanya at sinundan siya. Lalo akong namangha nang makita ang loob, kumikinang—kinang. “Miss Kesha, ako na po bahala sa dala niyo.” “Oh, thanks! Cookies po niyan, binake ko and ni nanny. Sana magustuhan niyo po.” sabi ko sa kanya. “Nasaan po sina kuya Kaiju and kuya Rainer? Nandito na ang new pretty friend niya po.” “Kayo po pala ang tinutukoy niyang matabil ang dila, Miss Kesha.” “Aba, tsinismis na niya ako? Iʼm telling the truth lang naman.” “Ano po ba ang sinabi niyo sa kanya, Miss Kesha?” Naupo ako rito sa kitchen counter. “Hmm... Sinabi ko sa kanya na adik ba siya?” Nakita ko ang pagkangiwi niya sa sinabi ko. “Tanong niyo po sa akin kung bakit adik ang sinabi ko sa kanya.” “Um, bakit po?” Nakita kong nilagay niya ang cookies sa plate. “Adik siya kasi... Nababaliw ako sa kanya po. Ganoʼn po, kuya Kenta. Friend na rin kita, ha? Nasaan po ba sila?” “Sure po, Miss Kesha. Pababa na po sila.” Nakarinig ako nang yapak na palapit sa kitchen, napalingon ako at nakita ko si kuya Kaiju at kuya Rainer. “Kuya Kaiju! Binibisita ka ng magandang pinsan mo po. Ikaw rin po, kuya Rainer, nandito na ang pretty friend mo!” nakangiting sabi ko at niyakap ko siya nang mahigpit. “Pretty? Nasaan ang pretty, Kenta? Nakikita mo ba?” I raised my right eyebrow to him. “Ayan ka na naman po, kuya Rainer? Hindi mo pa rin ba tanggap na pretty ako? Itʼs okay, kuya Rainer, alam ko namang galit ka sa pretty na katulad ko po. Magiging handsome ka rin katulad ni kuya Kaiju. Sshh... Donʼt cry po.” nakangising sabi ko at tinapik—tapik ang kanyang braso. I hear a loud laugh and I saw kuya Kenta na tumatawa ngayon. “Ay, tinatawanan ka niya, kuya Rainer. Alam niya kasing hindi ka gwapo. Tsk!” Naiiling na sabi ko sa kanya. “May nakatapat ka rin sa wakas, Rainer!” “Kenta!” Tinitignan ko silang dalawa na nag—aasaran ngayon. “Kuya Kaiju, para silang bata, ano?” Tinuro ko silang dalawa at naupo kami sa dining table niya. “Donʼt mind them, Kesha. By the way, bakit pala gusto mong pumunta rito?” “Ah! Namiss po kita, kuya Kaiju. Wala rin akong kausap sa house dahil lahat sila ay busy, tuwing dinner ko lang nakikita sina mom, dad and ate Dakota. Sad ako kasi si nanny lang kasama ko always.” Naging sad ako nang sabihin ko iyon sa kanya. “Wala kang friends, Miss Kesha?” Umiling ako sa kanya. “Alam ko kung bakit, Miss Kesha? Matabil kasi ang dila mo.” “Hey, Iʼm not matabil, ha? Iʼm telling the truth kaya, kuya Rainer. Then, kaya wala akong friends kasi they take advantage from para makilala ang family nila. You know Taguibe and Zenger are one of the famous surname here in PH. Hindi mo alam iyon, right? Kaya hindi ako nakikipag—friends talaga sa kanila, kasi lahat sila tupperware. I donʼt like them!” Inis na sabi ko sa kanya. “Tupperware?” sabay na tanong nina kuya Kaiju and kuya Rainer. “Yes, tupperware. Saan po ba gawa ang bagay na iyon? Eh ʼdi sa plastic. Ganoʼn po sila. Kaya ayoko po.” “Kesha, ang mga Zenger ay hindi nagpapa—apekto sa ibang tao. Hindi rin natin sila kailangan, sila ang may kailangan sa atin, iyan ang lagi mong tatandaan.” Napatitig ako kay kuya Kaiju dahil sa sinabi niyang iyon. “Wow, kuya Kaiju! I will remember what you said today. We donʼt need them, they need us.” Tumango—tango sa akin si kuya Kaiju. Tinignan ko si kuya Rainer. “Kuya Rainer, kaya dapat maging masaya ka dahil friend mo ko. Kahit hindi kilala surname mo po, ipe—friend pa rin kita.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Bossing, anong masama sa surname kong Vasquez? Kilala rin ng surname namin.” Naririnig ko ang hinaing niya kay kuya Kaiju pero deadma ako sa basher na katulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD