Alex POV* Nakatingin lamang ako sa dingding habang nakahiga sa malambot na higaan. Wala akong maalala kahit isa sa mga nakaraan ko maliban nalang sa isang lalaki. "Gising ka na pala, Mahal." napatingin ako sa lalaking nagsalita. Siya ang lalaking naaalala ko pero di ko alam ang pangalan niya. Umupo ako sa higaan. At tumingin sa kanya umupo naman siya sa higaan ko at lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. "Bakit wala akong maalala... Bakit ikaw lang ang naaalala ko?" tanong ko sa kanya at niyakap naman niya ako pabalik. "Dahil ako lang ang beloved mo. Akin ka lang wala nang kahit sino ang aagaw sayo." sabi niya. "Bakit di ko maalala ang pangalan mo?" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at hinaplos ang pisnge ko. "Nagka aksid