Alex POV* "Oh my gosh! Nandito ka na! Bakit di mo ko tinawagan. Ate Alex!" niyakap ako ng isang babae. Sino siya? "Kilala mo ko?" wala sa sariling sabi ko. Bigla nalang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Wag ka ngang magbiro, Ate Alex. Ako ito si Xyza." pakilala niya. "Wala akong maalala." niyakap niya ako at bigla siyang umiyak. "Ate naman... Wag kang magbiro ng ganyan. Ate ano bang nangyari sayo? Nabagok ba ulo mo kaya mo ko nakalimutan at paano ka napunta dito?" "Dahil... May naalala akong kasama ko sila." sabi ko sabay turo sa picture frame sa gilid ng kama. "Mama at Papa mo sila.... Ate Alex." "Nasaan sila?" sabi ko. Nalungkot naman siya. "Patay na sila." natahimik naman ako. Patay na ang mga itinuring ko na magulang. "G-ganun ba." "Ate Alex, kailangan nating pum