Alex POV* Napamulat ako at nasa bisig ako ni Lhord magkayakap kaming natutulog sa higaan. At nakatingin siya saakin ngumiti ito at hinalikan ako sa noo. "Magandang Umaga, Wife." bati niya. Pilit akong ngumiti at bumati din. "Magandang umaga din, Hubby." malambing na sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit ayoko siyang mawala sa buhay ko. "Pwede bang wag ka munang magtrabaho ngayon, Hubby?" sabi ko sa kanya gusto ko saakin muna ang oras niya ngayon. "Bakit naman?" "Miss na kita eh." paglalambing ko sa kanya. Napangiti siya at niyakap din ako. "Sige." sabi niya. Bumaba kami habang magkahawak kamay. "Anong gusto mong gawin ngayon?" sabi niya. "Pasyal mo ko dito sa mundo mo." sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko. Teka may mali ba akong sinabi?