3rd Person's POV* Kanina pa kinakabahan si Lhord di niya alam pero pakiramdam niya parang may hindi tama sa mga nangyayari. Nakarating sila sa lugar kung saan sakop padin ng kanyang kaharian nakahanda sila hanggang sa may mga kalaban nga na sumugod at nilabanan nila ang mga iyon. "Ubusin lahat!" sigaw ni Lhord at sumunod naman ang mga kawal niya. Makalipas ang limang oras sa pakikipaglaban hanggang sa isang masamang bampira nalang ang naiwan. "Natalo niyo nga kami dito pero alam namin na mananalo padin kami. Hahaha!" napakunot ang noo ni Lhord sa sinabi ng isang bampira. Di niya maiwasan na baka iyon ang nararamdaman niya kanina pa parang may panganib. "Tumahimik ka! Hindi kailanman mananalo ang kasamaan alam mo yan." sabi ni Lhord sa bampira. "Nakakasiguro ka ba? Alam mo ba na