Chapter 6

577 Words
Pagkaupo ko nga sa tabi ni asungot, bigla namang ngumisi si Alex saka tumingin kay Nathan. "Pare, walang food si Josette oh" Napatingin sa akin si Nathan, tapos kay Alex. "Bat ko naman lilibre tong babae na to? Sino ba sya?" Anak ng-- ang kapal! "Alam mo, di ko kailangan ng libre mo. May pera ako noh." nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Tinaasan nya ko ng kilay. "Tinatanong ko ba?" Aba!! "Pake ko kung hindi mo tinatanong. Alis nga!" tulak ko sa kanya para mahulog sya sa upuan. Pero di man lang natinag ang hinayupak. "Edi ikaw umalis. Ako nauna dito e." Sabi nya pausog sa gawi ko, e natural mas malakas sya sakin kaya napausog ako sa edge ng upuan at muntik pa kong mahulog. "Ayy.. ano ba?!" galit kong sigaw sa kanya. Buti na lang konti na lang estudyante dito sa canteen dahil matatapos na rin yung recess. "Oy oy oy, mahiya nga kayong dalawa. Para kayong aso't pusa." awat ni bhez. "Eh sya kasi e!" sisi ko sa katabi ko. "Tss. Whatever." bored nyang sabi. "Hmp! Bastos! Walang modo! Wala man lang karespe-respeto sa babae!" Tumaas kilay ni gago saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ha? Babae ka ba? Mukha ka kasing lalaki e." insulto nya sakin. Nanlaki ang mga mata ko. "Anong sinabi mo?!!" bulyaw ko sa kanya habang nakatayo na. "Ang sabi ko... mukha-kang-lalaki." parang bale-wala nyang ulit na binagalan pa yung pagkakabigkas nung huling part. Lalong nag-init ng dugo ko. Dumagdag pa tong dalawang magagaling naming kasama na tinatawanan pa kame, or more like ako. "Talo pikon bhez. Hahaha." tawa ng tawa na sabi ni bhez. Hay nako! Ia-unfriend ko to e. "Tumigil ka nga sa pagtawa bhez! Saka di ako napipikon dyan noh! Ako? Mapipikon? No way!" "Halatang halata ngang HINDI ka napipikon." sabat naman ni asungot. Biglang napunta sa kanya atensyon ko. "Kinakausap ba kita ha? Wag ka ngang epal!" Tumingin naman sya kay bhez. "Ha Alice? Bat ka ba kasi napipikon?" nakangisi nyang sabi na sinasadyang asarin ako. Tumayo si bhez saka itinaas na yung dalawang kamay nya, yung tipong inaawat kami. "Oh tama na kasi yan. Baka bigla kayong mag-alta presyon, di namin kayo kayang buhatin papuntang ospital." Natawa si Alex saka hinatak ulit paupo yung girlfriend nya. "Hayaan mo na sila babe, baka sakaling magka-develop-an sila pag laging nag-aaway." Umarte naman ako na parang nasusuka. "Yuck Alex ha? Sobrang nakakadiri yung joke mo." Sumingit na naman si asungot, "bakit feeling mo maganda ka? Asa kang papatulan kita. Panget mo." Aba-- sira-ulo talaga to ah! "Bat ba kasi nakikisabat ka ha?!" nagngingitngit kong sita sa kanya. Buti na lang talaga konti na lang tao dito aa canteen. "Pake mo?" sagot nya na parang wala lang. Napagkuyom ko yung dalawang kamay ko at alam ko namumula na ako sa inis. God! He really is the death of me! I inhaled and exhaled. I need air. Pakiramdam ko sasabog na talaga ako sa sobrang stress. Madaling puputi ang buhok ko pag mas matagal ko pa syang nakasama. Ugh! Kinuha ko na yung bag ko sa upuan saka nagpaalam kay bhez. "O san ka pupunta, di ka pa kumakain ah." sabi ni bhez na nag-worry na. Tiningnan ko naman ng masama yung hinayupak na Nathan na to. "Bukas na lang ako sabay mag-recess bhez. Nakakawalang gana e." sabi ko saka agad na umalis na ng canteen. You see, mabait naman talaga ako e. Sobrang hinahon ko pang tao. Pero pagdating sa lalaking yon, nagiging tigre ako. As in. Pumunta na lang ako sa room at hinintay yung susunod na klase. Sana matapos na tong araw na to. Dahil mamaya, pag oras na ng uwian, aalis naman ako para makita si Dylan. ...to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD