Kabanata 24 Luna POV Nagmamadali akong umalis ng restaurant pagkatapos kong marecieve ang tawag. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan na natutuwa ako kasi gising na ang kapatid ko pero natatakot ako nab aka hindi maganda ang kalagayan n’ya kaya kailangan kong bumulik sa ospital. Habang asa byahe ako ay ramdam ko ang takot sa kung anong aabutan ko sa ospital pagdating ko. Hindi ko alam kung okay lang ba ang kapatid ko o hindi kaya nang makarating ako sa ospital ay mabilis akong nagbayad kay manong at bumaba ng taxi. Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng ospital at sumakay ng elevator. Habang nasa loob ako ng elevator ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko at mas lalo pa nga akong kinakabahan habang papalapit na ako sa floor kung asaan ang kwarto