Kabanata 25 Luna POV Tiningnan ko si Lance na natutulog na ngayon at muli akong bumaling kay Mia. Hindi ko man s’ya gustong iwan pero wala naman akong magagawa dahil may trabaho ako. “Mia iiwan ko muna sa’yo si Lance kung okay lang,” sabi ko sa kan’ya. “Okay lang sa’kin Luna, ako na lang din ang bahalang magsabi kay Lance mamaya paghinanap ka n’ya na asa trabaho ka pa,” sabi n’ya sa akin. “Salamat Mia. Kailangan ko ng umalis para makaabot pa ako sa trabaho ko,” sabi ko sa kan’ya. “Sige na, umalis ka na” sabi n’ya sa akin. Lumabas na ako ng kwarto ng kapatid ko at mabilis na umalis ng ospital para bumalik sa trabaho ko. Hindi ko kasi pwedeng pabayaan ‘yon. Pangalawang araw ko pa lang sa trabaho tapos magkakaroon na agad ako ng absent. Sa panahon ngayon ay mahirap makahanap ng p