Kabanata 14
Luna POV
Hanggang sa makalabas ako ng elevator at ng building ay iniisip ko kung saan ko nakita ang kulay abong mata na ‘yon. Napabuntong hininga na lang ako at umiling, wala naman mangyayari sa akin kung pati ang mata ng antipatikong lalaki na ‘yon ay iisipin ko pa. Gwapo sana siya pero hindi ko gusto ang ugali n’ya dahil sobrang antipatiko at halata naman na masungit.
Dahil sa malalim kong pag-iisip hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng mall kung saan ako namili ng ginamit ko sa pagluluto kanina, nag abang na ako ng masasakyang taxi para makaalis na ako at buti naman ay may nagdaan agad kaya nakasakay ako at nagpahatid sa terminal ng jeep. Habang asa byahe ako ay kinuha ko ang wallet ko at tiningnan ang laman ‘non, napabuntong hininga ako ng makita ko kung magkano na lang ang pera ko. Kulang ‘to para sa bibilin kong gamot ni Lance dahil ang laman na lang ng wallet ko ngayon ay apat na libo. Iyon na lang ang natira sa perang hawak ko dahil ginamit ko sa down payment sa apartment namin na tutuluyan sa isang linggo tapos bumili rin ako ng ilang gamot ni Lance saka ng pagkain namin at ung ginamit ko pa na pambayad kanina sa binili kong mga sangkap sa niluto ko para sa ulam ng amo ko, pambili na sana ulit ‘yon ng gamot ni Lance pero wala naman akong magagawa dahil kailangan kong bilin ‘yon para sa trabaho at mapapalitan naman bukas. Sana lang ay umabot pa ang gamot ni Lance bukas.
Nang makarating ako sa terminal ng jeep ay nagbayad agad ako kay manong at bumaba na ng taxi, pumila naman agad ako sa nakaparadang jeep at medyo mahaba ang pila ngayon dahil rush hour kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na umusap ang pila hanggang sa makasakay ako. Inabot ako ng kulang kalahating minutong nakatayo sa pila bago ako makasakay. Habang asa byahe papunta sa susunod na terminal ng jeep para naman makarating ako sa ospital ni Lance ay napahilot ako ng ulo ko dahil sumasakit ‘yon. Sobrang pagod na pagod kasi ako ngayong araw at hindi ko na talaga nakuhang magpahinga. Dalawa pa lang ang trabaho ko pero sobrang nakakapagod naman kasi ng naging maghapon ko ngayon. Sanay naman ako sa maraming trabahong pinapasukan pero iba lang ung nangyari ngayon saka malayo kasi ang byahe ko tapos iniintindi ko pa si Lance na asa ospital ngayon. Paniguradong hindi ko na maabutan ang doktor ng kapatid ko na titingnan s’ya ngayon dahil asa byahe pa ako at paniguradong matatraffic pa ako kaya hindi na ako aasa. Itatanong ko na lang mamaya sa nurse kung ano ang improvement ni Lance at kung ano ang sinabi ng doktor n’ya.
Tumagal ng halos kalahating oras ang byahe ko bago kami makarating sa terminal ng jeep, pagbaba ko ay dumiretso ako sa pila ng jeep papunta sa ospital ni Lance buti na lang ay nakasakay agad ako kaya hindi na ako nag-intay pa. Sandali na lang naman na ang byahe mula dito papunta sa ospital kung saan naka-admit si Lance. Ipinakiabot ko na ang bayad ko sa katabi ko at sinabing sa ospital ang destinasyon ko. Nang huminto na jeep sa tapat ng ospital ay bumaba na ako at naglakad papasok sa loob ng ospital. Dumiretso ako sa elevator at pagpasok ko sa loob pindot ko ang floor kung asaan ang kwarto ng kapatid ko at napasandal na lang ako sa pader.
Ang sakit ng mga katawan ko pero kakayanin ko ‘to, unang araw pa lang naman paano pa kaya bukas na maglilinis pa ako ng unit ng amo ko at night shift pa ang duty ko sa café bukas. Magdamag akong mawawala bukas at kailangan kong maagawang magising para naman ipagluto sa susunod na araw ang amo ko. Halos hindi ko na pala maasikaso ang kapatid ko pero wala naman akong magawang paraan dahil kailangan ko ang mga trabaho na ‘to. Napabuntong hininga na lang ako at umayos na ako ng tayo ng bumukas na ang elevator sa floor kung saan ako baba kaya naman lumabas na ako at dumiretso ako sa nursing station para magtanong sa nurse na naka-duty ngayon.
“Good evening po,” bati ko sa mga nurse na nandon.
“Good evening din po, ano pong kailangan niyo?” tanong sa akin ng isang nurse.
“Itatanong ko lang sana kung nagrounds ba ang doktor ni Lance Zamonte?” tanong ko sa kaniya.
“Yes po, kaninang four o’clock po ng hapon naground si doc. pero wala pong bantay ‘non ang pasyente kaya ibinilin na lang po sa amin,” sabi n’ya sa akin.
“Ako ung kapatid ni Lance Zamonte, ano ba ang lagay ng kapatid ko?” tanong ko sa kan’ya.
“Maayos naman na po ang kapatid n’yo at patuloy rin po ang improvement n’ya, may posibilidad din daw po na magising n’ya ang kapatid n’yo,” sabi n’ya sa akin na ikinasigla ko.
“Salamat,” sabi ko sa kan’ya.
“Walang anuman po,” sabi n’ya sa akin.
Naglakad na ako palayo sa kanila at tinungo ko na ang kwarto ng kapatid ko, kahit pagod na pagod ako ay masaya ako sa nalaman kong balita. Malapit ng magising ang kapatid ko at malalagpasan na namin itong pagsubok na ito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ni Lance wala pa rin nagbago simula noong umalis ako kaninang maga. Bago lapitan ang kapatid ko ay naglinis muna ako ng sarili ko dahil ang tagal ng naging byahe ko at kung sino-sino na ang nakakasalamuha ko, ayoko naman na magkaroon ng ibang sakit pa ang kapatid ko. Pagkatapos kong maglinis ay nilapitan ko na si Lance, umupo ako sa tabi n’ya at hinawakan ko ang kamay n’ya.
“Bunso, nandito na si ate. Pasensya na at matagal akong wala ngayon kaya wala kang naging kasama, kailangan kasing magtrabaho ni ate at baka sa mga susunod pa na araw ay lagi akong wala pero wag kang mag-aalala sa akin dahil hindi ko naman pinabayaan ang sarili basta magpapagaling ka at gumising ka na,” sabi ko sa kaniya at ngumiti.
Ayokong umiyak kahit na gusto kong umiyak kasi ayokong ipakita kay Lance na nahihirapan ako, ayokong iparamdam sa kaniya na marami akong problema. Inayos ko ang sarili ko at muling tiningnan ang kapatid kong walang malay habang may mga nakasabit sa aparato sa kan’ya.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ‘yon at pumasok sa loob ng kwarto si Mia na mukang kakagaling lang din n’ya sa trabaho.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kan’ya.
“Sasamahan ko kayo ni Lance,” sabi n’ya sa akin at nilapitan ako.
Tumayo naman ako at umupo kaming dalawa sa may sofa kung saan natutulog ang bantay ni Lance.
“Mia hindi ka na sana nagpunta, kakagaling mo lang sa trabaho at wala ka pang pahinga tapos mag aayos ka pa ng gamit sa inyo,” sabi ko sa kan’ya.
Malapit na kasi ang demolition kaya kailangan na namin maglipat ng gamit pero hindi ko naman maasikaso ngayon ‘yon dahil wala akong oras. Baka sa rest day ko ay tuluyan na kaming maglipat ng mga gamit namin sa apartment at ng maayos na rin ‘yon.
“Kaya ko naman ang sarili ko Luna saka ikaw nga ang inaalala ko dahil paniguradong pagod ka sa paghahanap mo ng trabaho,” sabi n’ya sa akin.
“May nahanap na akong trabaho doon din sa lugar na ‘yon, sa isang café sa mall pero part timer lang ako at nagsimula na ako kanina,” sabi ko sa kan’ya.
“Mabuti naman kung ganon Luna, hindi ka na mahihirapan maghanap ng trabaho pero paano ang oras mo?” tanong n’ya sa akin.
“Nagtugma naman ang oras ng pasok ko sa café at sa oras ng pagtatrabaho ko sa amo ni Fhey, mabait ang boss ko sa café na pinasukan ko kaya wala akong problema,” sabi ko sa kan’ya.
“Masaya ako para sa’yo pero wag mong sagarin ang sarili mo sa pagtatrabaho Luna, magpahinga ka rin” sabi n’ya sa akin.
“Alam ko naman pero kailangan ko pang maghanap ng isa pang sideline pasa restday ko,” sabi ko sa kan’ya at tiningnan n’ya ako ng masama.
“Luna sinabihan kita na magpahinga, wag naman na puro trabaho ang gawin mo dahil baka ikaw naman ang pumalit kay Lance sa gusto mong gawin sa sarili mo!” sermon na sabi n’ya sa akin.
“Alam mo naman na kailangan kong magtrabo para may pambayad ako sa ospital tapos ung gamot pa ni Lance, ayoko naman na magsayang ng araw o ng oras saka kaya ko naman ang sarili ko.” Sabi ko sa kan’ya.
Umiling s’ya sa akin, “Luna hindi talaga matutuwa sa’yo si Lance pagnalaman n’ya ang ginagawa mo sa sarili mo,” sabi n’ya pa sa akin.
“Wag kang mag-alala sa akin Mia dahil alam ko naman ang limitasyon ko,” sabi ko sa kan’ya at ngumuti.
Napabuntong hininga na lang s’ya sa sinabi ko at umiling. Alam kong hindi ko s’ya nakumbinsi sa sinabi ko at kahit naman ang sarili ko ay pilit ko rin na kinukimbinsi na kaya ko lahat ng trabaho at hirap para lang magkapera ako.
Ayokong pabayaan ang kapatid ko at gusto ko na mabuhay s’ya, ngayon pa na bumubuti na ang kalagayan niya ay hindi dapat ako sumuko.
Itataguyod ko ang kapatid ko mabuhay lang s’ya at maging maayos kaming dalawa. Kung hindi siya naaksidente ay sana nag aaral s’ya ngayon at malapit na sanang makapagtapos pero hindi ko naman na kayang ibalik ang oras para pigilan ang nangyari. Ipinapanalangin ko na sana ay maging maayos na ang lahat at matapos na ang mga pagsubok namin.
“Luna anong oras nga pala ang trabaho mo sa café na sinasabi mo?” tanong sa akin ni Mia.
“Tuwing Monday, Wednesday and Friday at eight o’clock ng maga hanggang four o’clock ng hapon at kapag Tuesday and Thursday naman ay sa gabi ako, simula ng trabaho ko ‘non ay seven ng gabi hanggang eleven ng gabi,” sabi ko sa kaniya.
“Kung ganon halos wala pa lang magiging bantay si Lance,” sabi n’ya sa akin.
Tumango ako sa kaniya, “Iyan nga ang isa pang iniintindi ko dahil hindi ko naman pwedeng ibilin na lang parati sa nurse si Lance dahil may iba rin silang pasyenteng tinitingnan,” sabi ko sa kan’ya.
“Maaga na lang akong mag-oout sa trabaho para may kasama si Lance,” sabi ni Mia sa akin.
Agad akong umiling sa sinabi n’ya, “Mia wag, ayokong madamay ang trabaho mo at baka magkaproblema ka pa. Gagawan ko ng paraan si Lance saka hindi naman siguro tayo magtatagal pa dito sa ospital kasi sabi ng doktor n’ya ay mabuti naman na ang kalagayan ni Lance at malapit na s’yang magising,” sabi ko kay Mia.
Ayokong pati s’ya ay madamay sa paghihirap ko, kaibigan ko si Mia at sobra-sobra na ang naitulong niya sa amin ng kapatid ko. Ayoko na magkaroon pa s’ya ng problema sa trabaho saka may sarili s’yang pamilya, okay na ung nandyan s’ya para sa amin.
“Basta Luna nandito lang ako para sa inyo,” sabi n’ya sa akin.
“Alam ko naman ‘yon,” sabi ko sa kan’ya at ngumiti.
Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi kahit na ganito ang buhay ko ay meron akong kaibigan na katulad ni Mia, hindi n’ya talaga kami pinabayaan ni Lance sa simula pa lang.
Kung ano man ang mangyari, lalaban ako para sa kapatid ko. Hindi ako susuko sa pagsubok na ‘to kahit pa mapagod at maghirap ako ng husto.