Kabanata 13

2350 Words
Kabanata 13 Luna POV Nang magbukas na ang café sunod-sunod na ang mga naging customer namin kahit maaga pa lang. Normal na rin naman kasi ang uminom ng kape sa umaga at hindi na maiaalis ‘yon sa halos lahat ng tao sa kahit anong panahon. Kapag nga wala akong makain ang ginagawa kong ulam ay kape pag wala na talaga kaming pera, naawa ako sa kapatid ko kapag ganon ang nagiging pagkain namin pero wala naman akong magawa dahil ang dami namin bayarin kaya nagtitiis na lang kaming dalawa sa kung ano ang meron. Ganun naman talaga kapag mahirap, kailangan magtiis para mabuhay at maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan. “I’ll have the Classic Espresso for take out,” sabi sa akin ng isang customer. Agad kong inasikaso ang order n’ya at pinindot ‘yon sa screen. “One-hundred fifty pesos po,” sabi ko sa kan’ya at inabot naman n’ya sa akin ang bayad kaya naman inilagay ko ‘yon sa cashier at inabot sa kan’ya ang resibo. “Please wait sa waiting area na lang po, thank you and have a great day!” masiglang sabi ko sa kan’ya. Sila Hunt at Zand ang bahala sa mga order at sila na rin ang nagbibigay ‘non kapag take out dahil sa counter lang naman, they will just input the number on the screen para kuhanin ng customer ung order sa kanila. Pagkatapos ng isang order na ‘yon marami pang sumunod na mga customer kaya naman naging sobrang busy na kaming lahat at kahit nga si Ma’am Eireen ay tumulong na rin sa amin para mas mapabilis ang trabaho. Naiitindihan ko na kung bakit naghahanap sila ng tao dahil ang dami pala nila talagang customer kahit na ang init ng panahon ngayon. I’m so tired because of the non-stop order that we receive today, hindi ko naman sukat akalain na ganyon pala karami ang magiging customer namin ngayon at kahit na ang mag kasamahan ko ay hindi rin nila sukat akalain na sobrang dami namin magiging order sa araw na’to. “Luna ang swerte mo,” sabi sa’kin ni Ma’am Lia. “Bakit po?” tanong ko sa kan’ya. “Ang dami natin order ngayon at customer, you are a lucky charm!” masiglang sabi n’ya sa’kin. Hindi kaya s’ya napagod sa maghapon namin na pagtatrabaho sa lakas ng energy niya ngayon? Halos hindi na nga ako nakaalis sa pwesto ko bilang cashier sa dami ng order na tinaggap ko. “Nakakapagod pero worth it ang araw na ‘to!” sabi naman ni Liz. “Job well done guys! We surpass our quota today and for that maaga ang closing natin ngayon,” masiglang sabi rin ni Ma’am Eireen. Ang closing time kasi ng café ay eleven ng gabi pero dahil nga halos maubos ang stock namin ngayong araw ay magsasara na kami ngayong four o’clock pa lang ng hapon pero off duty ko na ngayon. “Linis na guys pwera kay Luna na tapos na ang duty n’ya ngayon!” sabi naman ni Ma’am Lia sa amin. “You can go na Luna,” sabi naman sa akin ni Ma’am Eireen. “Sige po,” sabi ko sa kanila at pumasok na ako sa locker room para magpalit ng damit ko. Paglabas ko naabutan kong naglilipit na sila ‘don at gusto ko pa sanang tumulong pero baka kasi gahulin naman ako sa oras para sa isa ko pang trabaho, mahirap naman ‘yon. “See you tomorrow Luna!” paalam nila sa akin. “Ingat kayo sa pag-uwi n’yo,” sabi ko naman sa kanila at lumabas na ako ng café. Bago ko pala mawala sa isip ko ay kailangan ko palang tawagan si Fhey para itanong sa kan’ya ung tungkol ‘don sa grocery ng amo namin dahil wala naman laman pagkain na pwedeng lutuin sa unit na ‘yon. Puro beer kasi ang laman ng ref tapos iba’t ibang alak naman ang nakalagay sa cabinet, masyadong mahilig sa alak ang amo ko, hindi ko alam kung hindi s’ya magkasakit sa bato sa kapag naubos n’ya lahat ng alak sa unit n’ya na ‘yon ng s’ya lang mag-isa at alam ko rin na hindi biro ang mga presyo ng mga alak na ‘yon dahil dati akong nagtrabaho sa bar pero ung disenteng bar naman, hindi katulad ng bar/club ni mamang. Sa isang bote ng alak na meron sa unit ng boss ko pwede na akong makabili ng pangkain namin ni Lance ng isang linggo at pwede ko na rin mabili ang ilang gamot n’ya. Iba talaga ang mga mayayaman. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan ko na si Fhey bago ako bumalik ng unit ng amo namin. “Luna buti naman tumawag ka sa akin, tatawagan na sana kita kanina pa pero tambak ang trabaho ko kaya hindi ko nagawa,” sabi n’ya agad sa akin ng sagutin n’ya ang tawag ko. “Fhey may problema kasi, wala naman akong mailulutong pagkain sa unit ng boss mo dahil puro alak ang laman ‘non,” sabi ko sa kan’ya. “Iyan nga ang sasabihin ko sa’yo, pwede bang ikaw na muna ang mag grocery para sa magiging pagkain n’ya ‘don. Ibibigay ko sa’yo ang pera bukas bago ka pumasok sa trabaho, hindi kasi ako makaalis ngayon dahil marami akong ginagawa,” pakiusap na sabi n’ya sa akin. Wala naman akong ibang choice kung hindi gawin ‘yon dahil wala akong lulutuin ngayon kung hindi muna ako bibili ng mga sangkap para sa ulam na lulutuin ko ngayong gabi. “Sige ako na muna ang bahala,” sabi ko sa kan’ya. “Okay, d’yan ka nalang bumili sa mall tapos itabi mo na lang ung resibo para alam ko kung magkano ang babayaran ko sa’yo bukas. Kahit ung pang ngayong gabi na lang muna na gamit ang bilin mo saka ung pang bukas ng umaga tapos pagnaibigay ko na sa’yo ang budget para sa grocery saka mo na lang bilin bukas ung iba at may mga nabago rin kasi sa binigay ko sa’yong listahan” sabi n’ya sa akin. “Sige ako na ang bahala, salamat Fhey” sabi ko sa kan’ya. “Ako dapat ang magpasalamat sa’yo, basta bukas na lang Luna. Mag iingat ka at salamat,” sabi n’ya sa akin at ibinaba na ang tawag. Napabuntong hininga ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni Fhey, paniguradong ginto ang presyo ng bilihin sa mall na ito pero wala naman na akong oras para humanap pa ng ibang mabibilan dahil wala naman palengke dito dahil puro sosyal ang nakatira sa lugar na ‘to. Pumasok na ako sa mall at alam ko na pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko dahil sa suot kong damit, maayos naman ang suot ko pero hindi kasing ayos at ganda ng mga damit na suot nila. Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang ako para hanapin ang grocery dito. Nakita ko naman agad ‘yon kaya pumasok ako sa loob at kumuha ng basket para lalagyan ng bibilin ko. Halos malula agad ako sa presyo ng mga gamit at pagkain dito sa loob ng market, halos doble ang itinaas nito kumpara sa nabibili sa ibang pamilihan. Muka naman walang reklamo ang mga bumibili dito, sabagay mga mayayaman lang naman kasi ang may kaya sa ganitong mall. Kung siguro na katulad kong mahirap ay mas pipiliin ko na lang na pumunta sa palengke para doon bumili, ‘don makakatawad pa ako sa presyo ng mga bibilhin ko at mas makakatipid ako. Wala naman na akong magagawa ngayon at mukang maselan pa ang amo ko kaya talagang no choice ako kung hindi dito bumili, pumili na lang ako ng mga dapat kong bilhin at pagkatapos ay dumiretso na ako sa cashier para magbayad ng mga pinamili ko. Halos malula ako sa naging presyo ng mga pinamili ko dahil ang mahal ng babayaran ko at allowance na namin ni Lance ‘yon ng isang linggo pero sa amo ko ay isang oras na pagkain niya lang. Pikit mata kong binayaran ang presyong nakalagay sa screen at pagkatapos ‘non ay inabot na sa akin ng cashier ang resibo kaya naman kinuha ko na ang mga pinamili ko at mabilis na umalis. Lumabas na ako ng mall at naglakad na lang ako papunta sa condo unit ng amo ko kahit na may mga dala ako, kaya ko naman kasi saka aksaya lang ng pera kapag sumakay ako ng taxi. Wala naman ibang public transportation dito bukod sa taxi saka malapit lang naman. Nang makarating ako ‘don pinapasok naman na ako ng guard dahil siya pa rin ung naka duty kanina noong maga. Pagkapasok ko sa loob dumiretso ako sa elevator at sumakay ‘don. Ibinaba ko muna sa lapag ang mga dala ko para pai-tap ang card key at pinindot ko na ang top floor kung asaan ang unit ng amo ko. Nag-intay lang ako ng ilang minuto sa loob ng elevator at bumukas na ‘yon sa tamang floor kaya lumabas na ako dala lahat ng pinamili ko. Dumiretso ako papunta sa unit ng amo ko at binuksan ko na ‘yon, pagpasok ko sa loob wala naman tao. Dinala ko lahat ng pinamili ko sa kusina at inayos lahat ‘yon, inuna ko ulit na gawin ay ang magsaing ng kanin pagkatapos ‘non ay inilagay ko na sa ref ang iba kong pinamili para bukas ng umaaga ng makita ko na may nakapakat sa pinto ng ref kaya kumunot ang noo ko at kinuha ‘yon. Galing ‘to sa amo ko at napairap ako sa nabasa ko, may mga reklamo s’ya sa luto ko at napabuntong hininga na lang ako. Marami rin s’yang demand na isinulat na gusto n’ya pero wala naman akong magagawa kung hindi sundin lahat ‘to, kung hindi ko lang alam na lalaki ang amo ko ay iisipin ko talaga na babae siya dahil mukang mas maarte pa s’ya sa akin. Sinunod ko na lang ang sinabi n’ya at inihanda ko na ang kaniyang hapunan dahil ayokong mag abot kaming dalawa. Hinugasan ko ang baboy na binili ko sa mall at ang mga gulay na rin na ilalagay ko sa sinigang na lulutuin ko. Pagkatapos ‘non ay pinakuluan ko na ang baboy at hiniwa ko naman ang sibuyas, kamatis at ang iba pang sangkap habang pinapakuluuan ko ang baboy. Nang lumambot na ang kaunti ang baboy ay inilagay ko na ang sibuyas at kamatis saka ko dinagdagan ng asin ang niluluto ko at ng kumulo iyon ay sinunod ko naman na ang gabi. Habnag iniintay ko na lumambot ang gabi ay nagligpit na ako sa kusina dahil naiwan pa sa lababo ang pinagkainan ng boss ko kaninang umaga kaya naman hinugasan ko na ‘yon at inayos ang mga gamit dito sa kusina. Maaga akong papasok bukas para magluto ng umagahan at maglinis ng buong unit pero kailangan ko rin na asikasuhin si Lance dahil hindi ko naman pwedeng iasa kay Mia lahat, may trabaho rin naman ang kaibigan ko na ‘yon kahit pa nga siya na ang nagkukusang loob na bantayan ang kapatid alam ko rin na nahihirapan s’ya. Bumalik na ulit ako sa niluluto ko at tiningnan kung malambot na ang gabi pagkatapos ‘non ay isinunod ko na ang iba pang gulay na ilagay at pinakulo ‘yon saka ko na inilagay ang pang-asim at nagdagdag ulit ako ng alat saka ng anghang. Iniwan ko ulit ‘yon at inintay na kumulo habang nagpupunas ako ng lababo, nang makita kong kumukulo na ‘yon ay pinatay ko na ang kalan at inayos ang mga plato na pagkakainan ng amo ko sa dining table. Pagkatapos kong ayusin ‘yon ay hinugasan ko na lahat ng ginamit kong kasangkapan at itinapon sa basurahan ang mga naging kalat ko habang nagluluto ako kanina. Siniguro kong malinis na ang paligid at maayos ang lahat saka ako lumabas na ng unit ng boss ko. Tumingin ako sa orasan ko at ala sais na ng gabi kaya naman kailangan ko ng magmadali dahil baka wala na akong masakyan pauwi. Mabilis akong naglakad sa hallway hanggang sa marating ako sa tapat ng elevator, buti na lang bumukas ‘yon pero dahil sa sobrang pagmamadali ko ay may nabunggo akong tao. “Pasensya na po, hindi ko sinasadya” hingi ko ng paumanhin sa kaniya. Kinakabahan ako dahil ayokong makagawa ng gulo, natatakot ako dahil alam kong wala naman akong binatbat sa mga nakatira dito at baka mawalan pa ako ng trabaho sa isang pagkakamali ko lang. “Next time tingnan mo ang dinadaanan mo!” masungit na sabi n’ya sa akin. Nag angat ako ng tingin sa kaniya, “Pasenya na po talaga, nagmamadali po kasi ako” sabi ko sa kaniya pero umismid lang siya sa akin. “Tsk! Just move aside, you’re on my way,” sabi n’ya at tumaas ang balahibo ko sa lamig ng pananalita n’ya. Gumilid ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya, pagkaalis niya ay pumasok na ako sa loob ng elevator at pinindot ko na ang G button. Nakahinga na ako ng maluwag ng mawala siya pero pamilyar sa akin ang mata n’ya na para bang nakita ko na ‘yon kung saan. Sobrang pamilyar talaga ng mata n’ya at hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mga mata na ‘yon, kulay abong mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD