Kabanata 78 Luna POV Iniwan ko muna si Axel sa sala at pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nang matapos akong magbihis ay naabutan ko si Lance at Mia na kausap na nila si Axel. Kakauwi lang ni Mia galing sa lakad n’ya at hindi siya umuwi kagabi dahil sa trabaho. “Nandyan na pala si Luna maiwan ko na kayo,” sabi ni Mia at ngumiti sa akin saka pumasok sa kwarto n’ya. “Aalis na kami,” sabi ko kay Lance. “Ingat kayo,” sabi ni Lance sa akin kaya tumango ako at lumabas na kami ng bahay ni Axel. Simula noong nalaman n’ya kung saan ako nakatira ay dito na lang din n’ya ipinaparada sa labas ng bahay namin ang kotse n’ya para na rin kasi ligtas dahil sa tuwing pumupunta kasi s’ya dito ang dala n’ya laging sasakyan ay takaw mata, bukod kasi sa maganda ay mahal ang sasakyan ni