Kabanata 77 Luna POV Limang araw na ang nakalipas simula noong sinabi sa akin ni Axel na liligawan n’ya ako at hindi naman n’ya ako binigo sa sinabi n’ya dahil totoong ginawa n’ya nga ‘yon. Araw-araw n’ya akong sinusundo dito sa bahay at kulang na lang ay maging flower shop na ang bahay namin sa tuwing nandito s’ya dahil sa mga dala n’yang bulaklak kaya hindi ako naligtas sa kapatid ko pati na rin kay Mia. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Axel sa kapatid ko at kay Mia dahil naging maganda ang pakikitungo nila kay Axel, sa mga naging manliligaw ko kasi dati ay hindi sila ganon. “Ate sino iniisip mo si kuya Axel ba?” tanong sa akin ni Lance kaya binigyan ko s’ya ng masamang tingin. “Tumigil ka nga Lance,” sabi ko sa kanya. “Wala naman akong ginagawa sa’yo ate, nagtatanong lang nam