Kabanata 18
Luna POV
Ibinalik ko sa bag ko ang mga gamit ko na lumabas sa bag ko ng mahulog ‘yon at natapon din ang kapeng hawak ng nakabangga ko sa may braso ko kaya masakit ‘yon pero hindi ko na lang masyadong ininda ang sakit dahil nagkalat ngayon dito sa hallway ang gamit ko at nakakahiya kung may dadaan at asa lapag lahat ‘yon.
“I’m sorry,” sabi n’ya sa akin at tinulungan ako.
That voice is so familiar to me kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang taong nakabangga ko. He is the guy last night. Umayos agad ako ng tayo ng makilala ko s’ya.
“Sorry po,” sabi ko sa kan’ya saka yumuko.
“It’s my fault,” sabi n’ya sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya kaya nagkasalubong ang tingin namin, agad naman ako nag-iwas ng tingin.
“Pasensya na po sir,” sabi ko pa rin sa kan’ya at umayos ng tayo. Itinago ko sa likod ko ang braso kong natapunan ng kape n’ya at bahagyang ngumiwi dahil sa sakit na naramdaman ko.
“Let me see your arm,” sabi n’ya sa akin.
“Ha?” turan ko sa kan’ya.
“Let me check your arm, I think my coffee spill on your arm” sabi n’ya sa akin.
“Okay lang po,” sabi ko sa kan’ya at iniwas ang braso ko ng akmang hahawakan n’ya ako.
I’m scared at him actually because of what happened last night, I can feel that he is not a good person.
“I need to check your arm so I could send you to the clinic,” sabi n’ya sa akin.
“Hindi na po kailangan,” sabi ko sa kan’ya at akmang lalapit ulit s’ya sa akin ng mag ring ang cellphone n’ya kaya napaatras siya.
“I need to answer this but wait for me so I can send you to the clinic and pay for what I did because I don’t want to own anything to anyone I don’t know,” sabi niya sa akin at tumalikod na siya.
Napabuntong hininga na ang ako, okay na sana pero hindi ko na gustuhan ang huli n’yang sinabi na para bang maghahabol ako dahil sa nangyari. Kesa intayin ko siya ay naglakad na lang ako palayo at pumasok na sa unit ng amo ko para gawin ang trabaho ko.
Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso ako sa kusina para magluto na ng umagahan pero natigilan ako dahil sa note na nakadikit sa ref na maagang umalis ang amo ko at ayaw n’yang kumain ng breakfast kaya ginamot ko na lang muna nag napaso sa akin. Itinapat ko sa gripo ang braso kong napaso ng kape kanina at ramdam ko ang sakit ‘non habang nababasa ng tubig. Sana lang hindi magpeklat ‘to dahil ang init talaga nung kapeng natapon sa akin. Nang mabasa ko ang napaso sa akin ay dahan-dahan ko ‘yon pinunasan at itinuyo. Kailangan ko ng magsimula sa trabaho ng maaga akong matapos kasi pupunta pa ako sa grocery para mamili ng pagkain ng amo ko.
Binuksan ko ang ref at tulad ng una kong pagbuklat dito noon ay ganun pa rin ang laman, wala naman nabago. Buti na lang kinain ng amo ko ang pagkain na niluto ko kagabi at hindi ‘yon na sayang. Ang mahal kaya ‘non tapos masasayang ‘yan.
Kinuha ko sa ang listahan na inabot sa akin ni Fhey kanina at tiningnan ang mga nakalagay ko ‘don na kailangan kong bilin para mamaya. Medyo marami ang nakalista kaya sa tingin ko ay kailangan kong umalis ngayon para bilin agad ‘yon para hindi ko na intindihin pa mamaya. Bago ako umalis ay nagpalit ako ng dami ko dahil nga natapunan ako ng kape kanina ay nagkaroon ng bakas ng pagkakatapon ng kape sa damit ko kaya kailangan kong magpalit. Pumasok ako sa common bathroom dito at kinuha sa bag ko ang damit ko pero natigilan ako ng makita kung anong damit ang meron ako.
“s**t!” sabi ko sa sarili ko.
Hindi ko kasi damit ang laman ng asa bag ko pero inayos ko naman lahat ‘to kagabi at sinugurado ko na may extra shirt ako pero bakit dress ang laman ng bag ko saka wala naman akong ganitong dress. Pumasok sa isip ko si Mia dahil sa palagay ko ay sa kaniya ito at magkamuka nga pala kami ng bag kaya sa palagay ko ay nagkamali ako ng pinaglagyan at ganun din s’ya. Napabuntong hininga na lang ako, okay lang sana na ganito lang ang damit ko na may tapon ng kape kung maglilinis lang naman ako at hindi lalabs ng unit kasi sa café naman mamaya ay may uniform kami ‘don pero kasi pupunta ako sa grocery para mamili ng pagkain. Baka hindi ako papasukin sa loob ng mall kapag ganito ang itsura ko. Labag man sa kalooban ko dahil hindi naman ako nagsusuot ng ganitong damit ay isinuot ko na rin.
Nang makapagpalit ako ng damit ay lumabas na ako ng banyo para umalis na, sinugurado ko muna na wala akong ibang naiwan na nakasaksak bago ako umalis. Paglabas ko ng unit ng amo ko ay malinis na ang hallway at wala na ang natapon na kape ‘don. Dumiretso na ako sa may elevator at sumakay ‘don ng may makasabay akong isang babae, sa pagkakatanda ko ay siya ang babae na nakasabay ko noon at kasama niya ang asawa n’ya. Pinindot ko ang G button saka ako umusog sa bandang likod. Nakaka-intimidate na kasama siya dahil ang ganda niya at ang sophisticated n’ya talaga. Yumuko na lang ako habang iniintay ko na bumukas ang elevator.
“Hey, are you afraid of me?” tanong n’ya kaya nag-angat ako ng tingin.
Wala naman ibang tao dito sa loob ng elevator bukod sa aming dalawa kaya tumingin ako sa kaniya at umiling.
“I think your scared, don’t worry I won’t do anything to you” sabi niya sa akin.
“Hindi naman po sa ganon, nahihiya lang po ako sa inyo” sabi ko sa kan’ya.
Alam ko naman kasi kung saan ako lulugar eh.
“You don’t need to be shy, and I don’t think your kind is a shy type, sorry if I offend you but my according to my husband is you just work here so I guess your poor and you should know your limitation,” sabi n’ya sa akin at bahagya akong natigilan.
Akala ko mabait siya pero mali pala ako ng akala dahil mataray siya.
“Alam ko naman po ang limitasyon ko. Pasensya na po kung hindi po kayo komportable sa presensya ko,” sabi ko sa kaniya.
“Wala akong sinabi na hindi ako komportable sa presensya mo. Just don’t get scared towards me because I’m a nice person” sabi n’ya sa akin at ngumiti.
Alangan na ngumiti rin ako sa kaniya at napatingin sa pinto ng elevator ng bumukas ‘yon. Akmang lalabas na s’ya pero natigilan siya kaya ako na dapat ang lalabas pero natigilan din ako sa taong nakatayo sa harap ko ngayon. Akala ko ay umalis na siya pagkatapos niyang magkausapin sa telepono kanina.
“I’ve been looking for you,” sabi nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Bakit naman niya ako hahanapin? Dahil ba doon sa nangyari kanina? Sinabi ko naman sa kaniya na okay lang ako saka hindi naman na niya ako kailangan dalin sa clinic. Ayokong ako pa ang magkaroon ng utang na loob sa kaniya.
Nagulat ako at nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niya akong hilahin palabas ng elevator at dinala kung saan.