Kabanata 62 Luna POV Sa totoo lang ay gusto ko rin naman makilala si Axel pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong wala naman patutunguhan ang lahat kung sakali man na mas makilala ko pa s’ya. Nang dumating ang pagkain namin ay nagsimula na kaming kumain na dalawa. “You know what I like,” sabi n’ya sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. “Napansin ko lang kasi na ‘yan ang gusto mo,” sabi ko sa kanya. “So napapansin mo pala ako?” tanong n’ya sa akin. “Nagpapapansin ka kasi,” sagot ko naman sa kanya. Ngumiti s’ya sa sinabi ko, “Wala naman masama saka wala naman magagalit kung magpapapansin ako sa’yo Luna,” sabi n’ya sa akin. Pinagtaasan ko s’ya ng kilay dahil sa sinabi n’ya. Paano naman n’ya nasabi ‘yon? “Paano mo naman nasabing walang magagalit?” tanong ko sa