Kabanata 61 Luna POV Hindi natuloy ang lakad sana namin ni Axel kahapon dahil na rin sa hindi pa okay ang paa ko at saka may kinailangan s’yang asikasuhin na trabaho, hindi rin n’ya ako pinapasok kahapon dahil hindi pa nga raw ako okay pero ngayon ay papasok na ako. Hindi na naman na namin pinag-usapan ang ginawa n’yang paghalik sa akin noong isang araw. Umalis din agad ako ng araw na ‘yon pagkatapos n’ya akong halikan, nagmamadaling lumabas ako ng unit n’ya at ikinapapasalamat ko na lang ay hindi na n’ya ako sinundan dahil kung sakali man na sundan n’ya ako ay mahahabol niya ako dahil nga injured ang paa ko. Hindi ko rin kasi alam kung anong ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng naging halik na ‘yon dahil tumugon ako sa mga halik n’ya kahit na alam ko na hindi dapat. Nagtataka nga sa ak