Kabanata 60 Luna POV Hindi na namin pinag-usapan ni Axel ang nangyari kanina wala rin naman akong dapat itanong pa sa kanya tungkol ‘don saka hindi ko naman dapat panghimasukan ang buhay n’ya. Nagtataka man ako kung bakit ayaw n’yang makausap ko pa ang kaibigan n’ya ay nanatili na lang akong tahimik dahil kung may hindi man sila okay na dalawa ay labas na akong dalawa ‘don. “Axel ung kontrata,” sabi ko sa kanya at tumingin s’ya sa akin. Malayo kasi ang tingin n’ya at mukang may iniisip s’ya kaya kailangan kong ipaalala sa kanya ang kontrata namin na kailangan kong pirmahan ngayon para malinaw na sa akin kung ano man ang trabaho ko sa kanya. “Wait here,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako at tumayo s’ya saka umalis. Pumasok s’ya sa isang kwarto at sa tingin ko ay opisina n’ya ‘yo