Kabanata 16

1961 Words
Kabanata 16 Luna POV Hindi ko namalayan na habang magkausap pala kami ni Mia ay nakatulog pala ako ng saglit, nagising na lang ako sa tapik n’ya sa braso ko. “Luna kumain ka muna,” sabi sa akin ni Mia. Umayos ako ng upo at tumango sa kan’ya. Tumingin ako sa orasan sa gilid at isang oras pala akong nakatulog, dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko kaya hindi na kinaya ng katawan ko at nakatulog ako ng isang oras. “Mia kumain ka na ba?” tanong ko sa kan’ya. “Noong natutulog ka kumain na ako, hinayaan muna kitang matulog sagilt dahil ramdam kong pagod ka. Kaya lang naman kita gisinig dahil ayokong matulog ka ng walang laman ang tyan mo,” sabi n’ya sa akin. Kanina nga hindi na sumagi sa isip ko na kumain man lang at hindi rin ako nakaramdam ng gutom dahil na rin siguro sa dami ng trabaho kong ginawa at sa mga iniisip ko. Inabot sa akin ni Mia at pagkain na nakalagay sa isang plato na may lamang isang klaseng ulam at kanin. “Saan galing ‘to?” tanong ko sa kan’ya. Wala naman kasi akong dalang pagkain kanina at hindi ko na rin naisip na bumili. “Binili ko ‘yan kanina bago ako pumunta dito dahil alam kong mawawalan ka na ng oras para bumili ng pagkain mo,” sabi n’ya sa akin. “Salamat Mia,” sabi ko sa kan’ya at ngumiti. “Wala ‘yon, kumain ka na para makapagpahinga ka na” sabi n’ya sa akin. Nagsimula na akong kumain at habang kumakain ako hindi ko maiwasan na umiyak dahil ung pagkain na kinakain ko ngayon ay paborito ng kapatid ko. Napaka-emosyonal ko bigla ngayon sa hindi ko malaman na dahilan. Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim saka ako uminom ng tubig. “Luna bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni Mia. “Naalala ko lang si Lance kasi diba paborito n’ya ‘to at kahit gustong gusto n’yang kumain nito hindi s’ya makahingi ng pera sa akin para mabili ‘to dahil alam n’yang kailangan namin ng pera para sa baon n’ya at bayarin n’ya sa school,” sabi ko kay Mia. Para siguro sa ibang tao ang babaw ko dahil hindi naman ganun kamahal ang pagkain na kinakain ko ngayon pero sa isang katulad kasi namin na isang kahig isang tuka ay mahalaga ang pera na pinakawalan namin kaya kahit gusto kong bilan si Lance ng mga paborito n’yang pagkain kay hindi ko magawa dahil wala naman kaming sapat na pera pa ‘don. Nakukuntento na kaming magkapatid sa sardinas, saging na saba, kamote, kape na isasabaw sa kanin, talbos ng kamote at minsan pa nga ay chichirya ang ulam namin. Minsan lang kami nakakapag-ulam ng mga karne kapag may extra akong pera. Mahirap talaga ang buhay namin pero kinakaya ko para sa kapatid ko, para makaahon kami sa buhay. “Wag ka ng umiyak Luna, gigising din si Lance” sabi n’ya sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko saka tumango sa kan’ya. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at ng makatapos akong kumain ay niligpit ko na rin iyon. “Luna umuwi ka kaya muna sa inyo para mas makapagpahinga ka ‘don,” sabi sa akin ni Mia. “Hindi na Mia, ikaw nga ang dapat umuwi dahil may trabaho ka pa bukas at mahihirapan ka lang dito na magbantay,” sabi ko sa kan’ya. “Okay lang ako dito Luna kasi malapit lang naman ang pinagtatrabahuhan ko dito eh ikaw ang layo pa at nakakailang sakay ka pa bago makarating ‘don samantalang kapag sa atin ka nang galing nababawasan ng isang sakay ang byahe mo kasi medyo malapit,” sabi sa akin ni Mia. Tama naman s’ya ‘don, mas malapit nga ng kaunti kapag sa bahay ako namin magmumula papunta sa trabaho ko kasi hindi ako magdodoble ng sakay pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kapatid ko. “Okay lang ako Mia saka hindi ko na nga masyadong mabantayan si Lance dahil sa trabaho kaya kahit sa ganitong oras man lang ay mabantayan ko s’ya” sabi ko kay Mia. “Okay hindi na kita pipilitin na umuwi,” sabi n’ya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at nilapitan ko si Lance, inayos ko ang kumot n’ya at hinaplos ko ang buhok n’ya. “Bunso gumising ka na please,” sabi ko sa kan’ya. “Gigising din si Lance, Luna. Wag kang mag alala dahil hindi tayo iiwan ni Lance,” sabi n’ya sa akin. Sana nga talaga hindi bumitaw si Lance, ilang araw na rin ang nakalipas simula noong naoperahan s’ya at sa bawat araw rin na lumipas ay nag-iimprove ang kalagyan n’ya kaya umaasa talaga ako na magigising na rin s’ya. “Mia matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas,” sabi ko kay Mia at nilikon ko s’ya. “Ikaw rin Luna, maaga ka pang aalis bukas” sabi n’ya sa akin. Tumango ako sa kan’ya, “Ikaw na d’yan sa sofa dito na lang ako sa upuan sa tabi ni Lance saka naka tulog naman ako kanina,” sabi ko sa kaniya. “Luna dito ka na, d’yan na lang ako kasi alam kong pagod ka” sabi n’ya sa akin. “Hindi na Mia dahil okay lang naman ako dito sa pwesto na ‘to,” sabi ko sa kan’ya. Napabuntong hininga na lang s’ya sa sinabi ko at tumango sa akin, inayos na n’ya ang hihigaan n’ya at ako naman ay inayos ko ang upuan sa tabi ni Lance. Hinawakan ko ang kamay niya at dumukdok ako sa may gilid niya at nakatulog ako ng asa ganong posisyon. Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko at ng magmulat ako ng mata ay nakita ko si Mia kaya naman umayos ako ng upo at nag-inat ng katawan. “Luna gumayak ka na para hindi ka mahuli sa trabaho mo,” sabi n’ya sa akin. “Anong oras na ba?” tanong ko sa kan’ya. “Alas singko na ng madaling araw,” sagot n’ya sa tanong ko kaya naman napatayo ako sa pagkakaupo ko. “Buti na lang ginising mo ako,” sabi ko sa kan’ya at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo para maligo. Kung hindi ako ginising ni Mia ngayon ay paniguradong mahuhuli ako sa trabaho ko dahil maabutan ako ng rush hour sa byahe at kakapusin ako sa oras. Mabilisan lang akong naligo at nagbihis saka ako lumabs ng banyo. “Kumain ka muna bago ka umalis,” sabi sa akin ni Mia at inabutan ako ng tinapay. “Sa daan na lang ako kakain, Mia kapag umalis ka pwede bang pakibilin na lang sa mga nurse si Lance dahil kailangan ko ng umalis,” sabi ko sa kan’ya. “Ako na bahala dito, maaga pa naman at mamaya pa ang pasok ko” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako. Inayos ko ang gamit ko at ng masiguro kong wala na akong nakalimutan ay lumapit na ako sa kapatid ko para magpaalam sa kan’ya. “Bunso papasok na sa trabaho si ate, babalik ako mamaya” sabi ko sa kan’ya at ngumiti. Bumaling naman ako ng tingin kay Mia, “Aalis na ako Mia, ingat ka sa pagpasok ko” sabi ko sa kan’ya. “Mag iingat ka rin,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako sa kan’ya at lumabas na ng kwarto ni Lance. Nagmamadaling umalis ako sa ospital at sumakay ng jeep papunta sa terminal. Aabutin pala ako ng madaling araw sa byahe mamaya dahil closing ang duty ko sa café mamaya at paniguradong hindi ko makakasama sina Liz dahil morning ang shift nila. Inabot ako ng isang oras at kalahati sa byahe ko hanggang sa makarating ako sa mall kung saan lagi akong bumaba. Naglakad na ako papunta sa trabaho ko at ‘don ako pupuntahan ni Fhey ngayon para ibigay sa akin ng bayad ng nagasto ko sa kahapon pati na rin ata ang pera para sa grocery shopping na gagawin ko para sa amo ko. Sa totoo lang hindi ko pa rin alam kung sino ba talaga ang amo ko kung babae ba s’ya o lalaki pero base kasi ‘don sa mga beer at alak na meron s’ya sa unit niya ay sa palagay ko ay lalaki ang amo ko. Nang makarating ako sa building ay isinuot ko ulit ang ID na ibinigay sa akin ng guard kahapon at dumiretso na ako papasok sa loob, hindi naman na ako hinarang ng guard kasi nakita nila ang ID ko. Hindi muna agad ako pumasok sa elevator at inintay ko si Fhey na dumating. Habang iniintay ko si Fhey ay tinitingnan ako ng ilang babae na nandito sa lobby kaya napayuko na lang ako. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Fhey na mukang nagmamadali. “Luna!” tawag n’ya sa akin ng makita n’ya ako kaya lumapit ako sa kan’ya. “Pasensya na at nauna ka pa sa akin, dumaan kasi ako sa opisina bago dumiretso dito dahil iniwan ko ‘don ang gamit ko” sabi n’ya sa akin at inaya akong umupo sa may visitor chair. “Okay lang ‘yon,” sabi ko sa kan’ya. “Eto nga pala ung debit card mo para sa sweldo mo tapos etong isang card naman ay para sa grocery shopping for every week or every month,” sabi n’ya sa akin. “Eto pala Fhey ung resibo nung binili ko kahapon,” sabi ko at inabot sa kan’ya ang resibo. Kinuha naman n’ya ‘yon sa akin at tiningnan saka kumuha ng pera sa bag na dala n’ya. “Eto Luna ang bayad tapos may grocery ka na rin mamaya,” sabi n’ya sa akin. “Sige, ako na ang bahala” sabi ko sa kan’ya. “Okay. Mauuna na ako sa’yo Luna dahil may trabaho pa kasi ako at may pinapaayos sa akin ang amo ko,” sabi n’ya sa akin. “Sige Fhey mag iingat ka,” sabi ko sa kan’ya. “Bye Luna,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako. Nang makaalis si Fhey ay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at dumiretso na agad ako sa elevator at pumasok sa loob ‘non. Wala ulit akong naging kasabay at hanggang sa nakarating ako sa floor kung asaan ang unit ng amo ko. Lumabas na ako ng elevator at dumiretso sa unit ng boss ko, hindi naman kasi mahirap hanapin ‘yon dahil konti lang ang mga unit dito. Habang naglalakad ako ay may biglang nakabangga sa akin kaya nahulog ang bag ko at lumabas ang ibang gamit ko kaya naman yumuko ako para pulutin ko ‘yon. “Sorry,” sabi n’ya sa akin at tinulungan ako sa pagpulot ng gamit ko. Nag angat ako ng tingin sa kan’ya at natigilan ako ng makita ko siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD