Kabanata 9

1582 Words
Kabanata 9 Luna POV Naalala ko noong mga bata pa lang kami ni Lance, tuwing may nagkakasakit sa aming dalawa laging hindi mapakali si mama dahil natatakot siya na lumala ang sakit namin dalawa kaya agad niya kaming dinadala sa center noon para patingnan at paghindi pa rin nawala ang sakit namin kahit wala kaming pera dadalin niya kami sa ospital dahil ang sabi nila sa amin noon ay hindi naman mahalaga ang pera kasi ang pera kaya naman hanapin o kitain pero ang buhay hindi dahil isa lang ‘yan kaya ginagawa nila ang lahat para masiguradong maayos ang kalagayan namin. Kaya noong nagkasakit si papa ginawa ko rin ang makakaya ko para mabuhay siya at gumaling dahil hindi namin kaya na wala siya sa amin. Hindi ako nagdalawang isip noon na tumigil sa pag-aaral kahit malapit na akong makagraduate dahil kailangan namin noon ng pera at kailangan kong magtrabaho para matulungan si Mama. Hindi naman kasi kaya ni mama na siya lang mag-isa noon dahil inaalagaan na niya si papa tapos nagtatrabaho pa s’ya kaya kahit ayaw nila akong patigilin sa pag-aaral noon ako na mismo ang nagkusa na huminto at hinayaan ko na lang na si Lance ang magpatuloy sa pag-aaral kesa s’ya ang huminto, alam ko kasing madaming pangarap ang kapatid ko. Kahit ako naman madami rin pangarap pero kailangan kong itigil ‘yon para sa pamilya ko. Sa kabila ng mga ginawa namin para mabuhay si papa wala rin nangyari dahil kinuha na siya sa amin at bigla naman sumunod si mama kaya kami na lang ni Lance ang naiwan at lahat ng responsibilidad at obligasyon ay napunta na sa akin. Kailangan kong buhayin ang kapatid ko at kailangan ko rin tustusan ang pag-aaral n’ya kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko hanggang sa nangyari na nga ‘to sa kaniya. “Luna okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Mia kaya napatingin ako sa kaniya. “Okay lang ako, Mia ako na muna ang bahala dito. Magpahinga ka na at alam ko naman na may pasok ka na bukas,” sabi ko sa kan’ya. “May pasok ka rin bukas Luna,” sabi niya sa akin. May pasok na nga ako bukas at kailangan maaga ako dahil kailangan ko pang ipagluto ng almusal ang amo ko pero hindi naman ako pwedeng umuwi sa bahay dahil mawawalan ng bantay si Lance, hindi naman pwedeng puro na lang si Mia ang magbantay sa kapatid ko dahil may trabaho rin s’ya. “Ako na ang bahala ‘don Mia, may mga nurse naman at saglit ko lang naman iiwan si Lance,” sabi ko sa kan’ya. “Pagkatapos ng duty ko bukas babalik agad ako dito para naman magawa mo ang gagawin mo,” sabi niya sa akin. “Mia wag mo kaming masyadong intindihin na magkapatid dahil alam ko naman na may trabaho ka at kailangan mo na rin na mag ayos ng gamit mo,” sabi ko sa kaniya. “Konti lang naman ang mga gamit ko dahil ung iba inuwi ni lola sa probinsya,” sabi n’ya sa akin. Tumango ako sa kan’ya, “Sige na Mia ako na ang bahala dito at umuwi ka na para makapagpahinga ka,” sabi ko sa kan’ya. “Sige, basta tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong dahil pupuntahan kita agad,” sabi n’ya sa’kin kaya tumango ako at ngumiti. Tuluyan ng umalis si Mia kaya ako na lang mag-isa ang naiwan dito para bantayan ang kapatid ko. Lumapit ako kay Lance at umupo ako sa tabi n’ya saka ko hinawakan ang kamay n’ya. “Bunso, gumising ka please! Kailangan ka ni ate, hindi ko kayang mawala ka at wag ka naman sumunod kina mama at papa kasi kung ganun lang din ang mangyayari isama n’yo na rin ako,” sabi ko sa kan’ya kahit hindi naman n’ya ako naririnig. Pinunasan ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko, ang hirap ng ganito. Pilit kong ipinapakita na kaya ko at malakas ako pero sa totoo lang hirap na hirap na talaga ako. Simula pa lang noong namatay ang mga magulang namin sobrang hirap na ang dinanas ko para mabuhay kami ni Lance pero wala sa’kin lahat ng ‘yon basta makita kong masaya ang kapatid ko kaya kahit pagod na ako sa trabaho at may mga pagkakataon na may mga nangyayaring hindi maganda sa akin hindi ko ‘yon ipinapakita o sinasabi man lang sa kapatid ko dahil alam kong pipiliin n’yang huminto sa pag-aaral para tulungan ako pero hindi pwede. Pinangako ko sa mga magulang namin na pagtatapusin ko si Lance at ako ang bahala sa kapatid ko kaya kahit gaano pa kahirap ang danasin ko titiisin ko ‘yon para sa aming dalawa. Bigla akong natigilan at nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang pag galaw ng mga daliri ni Lance kaya naman napatayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa nursing station. “Nurse ung kapatid ko, ginalaw na n’ya ang mga daliri n’ya!” sabi ko sa nurse na nandon. Agad naman silang sumunod sa akin at ng makarating kami sa kwarto ng kapatid ko tiningnan nila si Lance at pumasok na rin ang doktor n’ya. Tumayo ako sa isang gilid at pinanood sila sa mga ginagawa nila sa kapatid ko hanggang sa natapos ‘yon kaya lumapit na ako. “Ano po ang lagay ng kapatid ko?” tanong ko sa doktor ni Lance. “What your brother did is a good sign that he is recovering and responding, he is out of danger now and he will wake up,” sabi n’ya sa akin kaya napangiti ako. “Thank you po!” sabi ko sa kan’ya. “Kung ano man ang ginawa mo sa kapatid mo, that work at ipagpatuloy mo lang ‘yon. Wala man s’yang malay pero naririnig ka n’ya kaya talk to him more,” sabi n’ya sa akin. “Gagawin ko po ‘yon para magising na s’ya,” sabi ko sa kan’ya. Tumango s’ya sa akin at lumabas na sila ng kwarto ni Lance, tiningnan ko ang kapatid ko at hindi ko na napigilan na hindi umiyak. Masaya ko kasi may progress na sa kapatid ko at malapit na s’yang magising. Akala ko iiwan na n’ya ‘ko pero lumalaban s’ya para sa’kin. “Lance nandito lang si ate sa tabi mo at hindi kita papabayaan kaya please gumising ka na!” sabi ko sa kan’ya. Naniniwala ako na magigising ang kapatid ko at hindi n’ya ako iiwan. Axel POV Nang makuha ko na ang susi ng condo ni Caius nagpaalam na rin ako sa kanila at umalis, alam kong pina-cancel ko ang appointment ko ngayong hapon sa secretary ko at wala akong ibang importanteng gagawin pero kailangan ko pang kausapin ang ama ko para sabihin na pumapayag na ako sa gusto niyang mangyari. Kung gusto kong maging makapangyarihan at mabawi ang babaeng mahal ko kailangan ko ng sapat na lakas at koneksyon. Sa mundo natin hindi pwedeng mahina ka at wala kang pera dahil mawawala sa’yo ang mga bagay na meron ka dahil maagaw ‘yon ang iba at hindi mo rin makukuha ang mga bagay na gusto mo kung wala kang pera. Pangit man pakinggan pero pera ang nagpapatakbo sa mundo natin at kung wala ka ‘non, mahihirapan kang mabuhay. That is how cruel our world is, pangit man pero ‘yon ang totoo. Dumiretso agada ko sa kompanya ni Dad at ngayon lang ulit ako pupunta ‘don. Simula kasi noong nag away kaming dalawa hindi na ako tumuntong sa kompanya n’ya pero ngayon nandito ako para gawin ang dapat kong gawin. Dirediretso akong pumasok sa loob at wala naman pumigil sa akin dahil kilala nila akong lahat, I am the son and the only heir of my father kaya walang hindi nakakakilala sa akin dito sa kompanya n’ya. Sumakay ako sa exclusive elevator ni dad at nagtungo sa pinakataas na floor ng building na ‘to kung asaan ang opisina n’ya. Nang huminto ang elevator sa top floor lumabas ako at ang bumungad sa akin ay ang secretary ng ama ko. “Nandyan ba si Dad?” tanong ko sa kan’ya. “Yes, Sir Axel,” sagot n’ya sa akin. Tumango ako at dirediretsong pumasok sa loob ng opisina ng ama ko. Naabutan ko s’yang nakaupo sa swivel chair n’ya habang may binabasang mga dokumento. “Anong ginagawa ng suwail kong anak dito sa kompanya ko?” tanong n’ya sa’kin at binitawan ang mga papeles na hawak n’ya saka nag angat ng tingin sa’kin. “I came here to accept your offer, I will manage your corporation,” sabi ko sa kan’ya. Napatayo siya sa upuan niya dahil sa sinabi ko at tiningnan ako ng seryoso. I also look at him with my serious face, I’m not playing around when I said that I want to manage his company. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD