Kabanata 10

3136 Words
Kabanata 10 Luna POV Nakatulog ako sa upuan sa tabi ni Lance habang hawak ko ang mga kamay n’ya para kung sakali na igalaw niya ulit iyon o kung gumising man siya ay mararamdaman ko at maalerto agad ako sa mga mangyayari pero wala naman nangyari sa magdamag na pagbabantay ko sa kaniya. Umayos ako ng upo ko at tiningnan ko ang oras sa relo na nakasabit sa pader at maaga pa naman pero kailangan ko ng mag ayos ng sarili dahil may trabaho na ako ngayon at kailangan na maaga akong pumasok dahil ipagluluto ko pa ng umagahan ang amo ko. Tumayo ako at kumuha ng damit sa bag na dala ko kahapon saka ako pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Mabilis lang akong naligo at nag ayos ng sarili dahil baka mahuli ako sa trabaho ko, unang araw ko pa naman ngayon at baka mapagalitan ako. Lumabas na ako ng banyo at inayos ang mga gamit ko na dadalin ko. Pagkatapos kong magtrabaho mamaya kailangan ko pang maghanap ng trabaho na pwede kong pasuksan habang may libreng oras ako dahil hindi pwedeng wala akong gawin. Kulang pa ang sweldo ko para sa gamot pa lang ni Lance kaya kailangan ko pang mag apply ng trabaho at sana may makuha ako ngayon. Tiningnan ko si Lance at lumapit ako sa kaniya. Hinaplos ko ang buhok n’ya, “Bunso aalis muna si ate. Babalik na lang ako mamaya kasi may trabaho pa ako pero ibibilin kita sa mga nurse para may tumingin naman sa’yo, kailangan kasing magtrabo ni ate para may pambili tayo ng gamot mo at pambayad dito sa ospital kaya wag kang susuko bunso dahil babalik ako at magtatrabaho akong mabuti para sa’yo,” sabi ko sa kaniya at hinalikan s’ya sa noo n’ya. Siniguro kong maayos ang lahat bago ako lumabas ng kwarto n’ya at paglabas ko dumaan ako sa nursing station para ibilin si Lance sa mga nurse na naka-duty ngayon. “Good morning po,” bati ko sa kanila. “Good morning din po, may kailangan po kayo?” tanong sa akin ng isang nurse. “Ibibilin ko lang po sana sandali ang pasyente sa room 407,” sabi ko sa kanila. “Okay po kami na ang bahala sa kan’ya, mamaya po dadating ang doktor n’ya para tingnan nag pasyente. Mga around four o’clock in the afternoon po after ng clinic time ni Doc.” sabi niya sa akin. Napatango ako sa sinabi n’ya sa akin, “Sige salamat,” sabi ko sa kan’ya. Ngumiti lang siya sa akin at umalis na ako para pumasok sa trabaho ko. Mahaba pa ang byahe ko at ayokong abutan ng rush hour kahit alam kong maaga pa naman pero hindi ko naman kayang pigilan ang traffic dito sa Pilipinas kaya kailangan kong magmadali. Nang makalabas ako ng ospital naglakad na ako papunta sa pila ng jeep at dahil maaga pa nga ay konti lang ang nakapila kaya nakasakay agad ako at napuno din naman ang jeep kaya nakaalis kami agad. Habang asa byahe ako iniisip ko kung saan ako pwedeng mag apply ng trabaho dahil hindi ko alam kung saan may bakante ngayon. Sa hirap kasi ng buhay paniguradong madami rin naghahanap ng trabaho ngayon at hindi lang ako ang nangangailangan ng pera at trabaho. “Manong paabot ho ng bayad,” sabi ko sa katabi ko at inabot sa kan’ya ang bayad ko. “Bayad daw,” sabi naman n’ya sa katabi n’ya na inabot naman sa driver. “Saan ‘to?” tanong ni manong driver kaya sumagot ako. “Sa terminal ho,” sabi ko kay manong at umayos na ng upo. Tumagal ng kalahating oras ang byahe ko papunta sa terminal, mabilis na ‘yon dahil wala masyadong traffic pero kung maabutan siguro ako ng rush hour baka abutin ako ng isang oras sa byahe pa lang papunta sa terminal. Bumaba na ako ng jeep at lumipat naman ako sa ibang jeep papunta sa lugar nasaan ang trabaho ko. Tumagal ulit ang byahe ko ng kalahating oras papunta sa terminal sa Taguig ay sumakay ako ng taxi para makapunta sa condo building ng amo ko. Wala naman na kasi akong ibang sasakyan kung hindi taxi dahil eto lang pwede ‘don. Nang makarating ako sa destinasyon ko ay nagbayad agad ako kay manong at mabilis na lumabas ng sasakyan n’ya. Naglakad na ako papasok sa loob pero hinarang ako ng guard. “Ma’am hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob,” sabi n’ya sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Magtatrabaho po ako sa isang unit dito,” sabi ko kay manong guard. “Teka lang po ma’am, titingnan ko lang po sa logbook namin kung may ibinilin ang isang residence,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako. Gumilid ako at inintay lang sa isang tabi si manong guard para hindi ako nakakaabala sa mga tao na asa paligid. Hindi naman s’ya nagtagal at ng bumalik s’ya may dala s’yang ID. “May ID po ba kayong dala para mai-verify ko kayo?” tanong n’ya sa akin kaya naman kinuha ko sa bag ko ang ID ko at inabot sa kan’ya. Tiningnan n’ya ang ID ko at ang ID na hawak n’ya saka ‘yon ibinigay sa akin parehas. “Pwede na po kayong pumasok at lagi n’yo pong isuot ang ID na ‘yan para dirediretso na kayong makapasok sa loob,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako. Pumasok na ako sa loob at sumakay sa elevator, ginawa ko ang ginawa ni Fhey kahapon. I tap the card key sa may elevator and press the button of the floor where my boss unit is located. Nang sumara na ang pinto ng elevator napasandal na lang ako at huminga ng malalim. Ang layo ng naging byahe ko at nakakapagod pero hindi dapat ako mapagod agad dahil madami pa akong gagawin ngayong araw. Nang tumunog na ang elevator at bumukas ‘yon sa tamang floor, lumabas na ako at hinanap ko na ang unit ng amo ko. Hindi naman mahirap hanapin ‘yon dahil konti lang ang unit na meron sa floor na ‘to dahil exclusive floor ‘to at iilan lang ang mga unit na nandito. Nang makita ko na ang unit ng amo ko itinap ko na ang key card na hawak ko at dahan-dahan akong pumasok sa loob, hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay dahil ayokong magising ang amo ko. Sabi sa akin ni Fhey hindi naman kami magkikita dahil late raw iyon nagigising at hindi ko naman gusto rin na intayin pa ang amo ko para magising. Ang kailangan ko lang gawin ay ang ipagluto s’ya ngayon at bukas naman ako maglilinis pero sa nakikita ko ngayon wala naman akong madaming lilinisin dahil malinis pa ang buong paligid pero hindi ako nakakasiguro dahil maaga pa naman at unang araw ko pa lang naman. Nagpunta na ko sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin, binuksan ko ang refrigerator niya at bumungad sa akin ang puro beer kaya napabuntong hininga ako. Akala ko ba bagong grocery lang daw pero mukang beer ang alam na bilin ng amo ko. Tiningnan ko naman ang freezer at napabuntong hininga ako ng ice cream ang nakita ko ‘don. Nabuhayan lang ako ng loob ng may makita akong bacon at hotdog kaya naman kinuha ko ‘yon at kumuha rin ang ng itlog sa ref para lutuin. Naghanap din ako ng pwede kong gawin soup at buti na lang meron ingredients sa balak kong gawin na soup kahit na konti lang ‘yon ay pwede na ‘yon kesa naman wala at kesa rin naman sobrang dry ng pagkain ng amo ko. Nagsimula na akong magluto at naalala ko dun sa binasa ko na binigay sa akin ni Fhey na listahan, ang gusto ng boss ko ay scrambled egg and sunny side up kaya naman ang ginawa ko ay scrambled egg. Bago ko lutuin ang ulam nagsaing muna ko pero hinanap ko pa kung asaan ang lalagyanan ng bigas, buti na lang marami pa s’yang bigas kaya nagsaing ako ng sakto lang para sa kan’ya. Pagkatapos ‘non inuna ko munang iluto ung bacon para ung magiging mantika ng bacon ‘yon ung gagamitin ko sa scrambled egg. Nang maiprito ko na lahat ng dapat ‘kong iprito saka ko naman sinunod na gawin ang soup, madali lang naman ‘yon kaya inihuli ko na saka para rin mainit pa. Naghiwa ako ng carrots at mushroom para ilagay sa soup na gagawin ko, sinumulan ko na rin na magpakulo ng tubig sa isang kaserola. Nang maigayak ko na lahat ng ingredients ko para sa soup sinimulan ko na ‘yon na lutuin. Hindi naman matagal ‘yon at nakatapos din ako agad. Inayos ko na ang lamesa at inilgay ‘don ang mga pagkain na niluto ko, nag-iwan na lang ako ng note na ung soup ay asa may kalan pa kasi ayoko naman na lumamig ‘yon kaya iniwan ko ‘don at initin na lang n’ya pag nagising na siya. Hindi ko alam kung okay lang sa kan’ya ang heavy breakfast, wala naman kasi sa listahan na ibinigay sa akin ni Fhey kung heavy breakfast ba ang gusto ng amo namin pero hindi lang ‘yon ang problema ko sa ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang lulutuin ko sa mamaya para sa hapunan ng boss ko at wala rin akong idea sa mga susunod na araw dahil wala naman laman ang refrigerator n’ya kahit ang mga kitchen cabinet kung hindi puro beer at ibang klase naman ng alak. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ko sa unit ng boss ko. Naisip ko na dito na lang siguro sa lugar na ‘to maghanap ng trabaho para malapit lang at hindi ako mahirapan na bumalik para mamaya. Naglakad na ko sa hallway at wala naman tayo dahil maaga pa naman para siguro sa kanila pero para sa akin na nagtatrabaho ay late na ang ganitong oras. Pinindot ko na ang up button ng elevator at inintay ‘yon. “Hi, your new here?” tanong sa akin ng taong kakadating lang kaya napalingon ako sa kan’ya. Tumango naman ako bilang tugon sa kan’ya. “What is your unit number?” tanong n’ya sa akin. “Hindi po ako nakatira dito, housekeeper po ako” sabi ko sa kan’ya. “I though you’re a new residence here,” sabi n’ya sa akin at bahagyang tumawa. Umiling naman ako sa kan’ya. Bigla naman ng bumukas ang elevator kaya napatingin ako ‘don. “After you,” sabi n’ya sa akin kaya naman yumuko ako at nauna na akong pumasok sa loob. Sumunod naman s’ya sa akin at kaming dalawa lang ang sakay ‘non ng may pumasok pa na isang babae na mukang kilala n’ya dahil ngumiti s’ya dito. “You should wait for me in our room,” sabi nito sa babae. “I want to accompany my husband,” sabi naman ng babae. Mag asawa pala sila. Ipinilig ko na lang sa ibang direksyon ang ulo ko ng yakapin ng babae ang asawa n’ya. I press the G button at sa tingin ko naman ay baba rin sila sa lobby dahil hindi naman na sila pumindot ng ibang floor. Inintay ko na lang na makababa kami at ng makarating na kami sa lobby ay nauna na akong lumabas sa kanilang dalawa. Ngumiti sa akin si manong guard ng makita ako at ngumiti rin ako sa kan’ya. Hinubad ko na ang ID ko na suot at itinago ‘yon sa bag ko. Naglakad na ko papunta sa mall na pinuntahan ko noon dito dahil sa tingin ‘don lang siguro ako makakahanap ng pwedeng pag applyan na malapit dahil hindi naman ako tatanggapin sa ibang commercial building dito. Nang makarating ako sa mall hindi muna ako pumasok sa loob dahil sarado pa at maaga pa pero bukas naman na ang ibang shop sa labas ng mall kaya ‘don na lang ako naghanap. Hanggang sa napunta ako sa café na pinagsilungan ko noong umulan. Lumapit ako ‘don at nanlaki ang mata ko ng makita kong naghahanap sila ng helper kaya naman hindi na agad ako nag aksaya ng panahon at pumasok na ako sa loob. “Sarado pa kami!” sabi nito sa akin “Hindi po ako customer,” sabi ko sa kan’ya. “What do you need?” tanong nito sa akin. “Mag aapply po sana ako ng trabaho, nakita ko kasi na hiring kayo” sabi ko sa kan’ya. Napatango naman s’ya sa sinabi ko. “Where is your resume?” tanong n’ya sa akin kaya naman kinuha ko ‘yon sa bag ko at inabot sa kan’ya. “Sit down,” sabi n’ya sa akin kaya naman umupo ako sa bakanteng upuan sa tapat n’ya. Tiningnan n’ya ang resume ko at kinakabahan naman ako dahil baka hindi ako matanggap. “You’re hired,” sabi n’ya bigla sa’kin pagkatapos basahin ang resume ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi n’ya, ganun kabilis ‘yon? Hindi man lang n’ya ako tinanong. “Tanggap na po talaga ako?” tanong ko sa kan’ya. “Yes, I’m the owner of this café and I have the right to hire whoever,” sabi n’ya sa akin. “But if you insist then I will ask you one question and make sure that I will like your answer” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako. “Why should I hire you?“ tanong n’ya sa akin. Huminga ako ng malalim at pinag-isipan mabuti ang isasagot ko sa tanong n’ya, “I know that I’m not the person that you’re looking for, but I can show you that I am way better. Even though I don’t have college degree but I know I can perform my job well and I won’t disappoint you. It is about the skills and hard work of a person and I can prove you that! I can keep up with other who have a college degree and I know that I can.” Sagot ko sa kan’ya at ngumiti, “Tulad ng sabi ko kanina, you are hired!” sabi n’ya sa akin at bigla s’yang ngumiti na medyo nagpagulat sa akin. Napatango na lang ako sa sinabi n’ya, kanina kasi ang taray n’ya sa akin pero ngayon biglang nagbago ang ekpresyon ng muka n’ya. Ngumiti s’ya sa akin at inabot ang isang apron na tinanggap ko naman. “You will be working here as my server and cashier, part time job lang naman ang hanap mo sa tingin ko kaya ang schedule mo ay every eight o’clock to four o’clock in the afternoon for MWF and seven o’clock to eleven o’clock in the evening is your TTH. The salary will be twelve thousand a month and if you don’t want then leave,” sabi n’ya sa akin. “I’ll accept the job,” sabi ko sa kan’ya. Okay na rin kasi ‘yon para sa akin dahil may oras ako at sakto naman ‘yon para sa isa kong trabaho dahil every Tuesday and Thursday ako maglilinis sa unit ng boss ko. “You can start today, malapit ng mag open kaya magsimula ka ng magtrabaho!” sabi n’ya sa akin kaya naman tumango ako at sumunod sa kan’ya. “This will be your locker and that’s the kitchen,” sabi n’ya sa akin kaya inilagay ko ‘don ang gamit ko. “Change your clothes, ito ung uniform mo at magpalit ka na bago pa dumating ang ibang kasamahan mo!” utos n’ya sa akin kaya naman pumasok ako sa banyo at nagpalit na ng damit ko. Paglabas ko nakaabang s’ya sa akin at mukang may mga tao na rin sa labas. “Ipapakilala kita sa mga kasamahan mo,” sabi n’ya sa akin. Sumunod naman ako sa kan’ya at naabutan ko na nag aayos ang ilang mga empleyado n’ya sa loob ng café. “Guys may bago tayong additional sa crew and she is Luna so be good to her and help her with the chores plus remove the sign outside because we already have a new employee!” sabi n’ya kaya naman tumango sa kan’ya ang mga empleyado n’ya. “Hi I’m Liz,” bati sa akin ng isang babae na sa tantya ko ay magka-edad lang kami. “I’m Luna,” sabi ko sa kan’ya. “Zand here,” sabi naman nung isa. “I’m Lia,” sabi ng katabi ni Zand. “Hunt,” sabi naman ng katabi ni Lia at bumalik na sa trabaho n’ya. “Oh! Before I leave, I’m Eireen Isla Ramos but you can call me Eireen and please don’t call me by my second name because I don’t like it,” sabi nito sa akin kaya tumango ako. “Back to work guys!” bigla n’yang sigaw kaya nagulat ako at natawa silang lahat sa akin. Pumasok naman na sa loob ng opisina si Eireen kaya naiwan ako sa mga kasamahan ko. “Masanay ka na sa boss natin dahil ganun talaga s’ya, mabait naman ‘yon sadyang maingay at may pagka-weird minsan,” sabi sa akin ni Liz. “Close talaga kayong lahat sa kan’ya?” tanong ko sa kanila. “Oo, halos magkakaibigan na kami dito at para na kaming pamilya kaya masasanay ka rin wag kang mag alala,” sabi naman sa akin ni Zand. “Ituturo ko na sa’yo ang gagawin mo,” sabi naman ni Lia sa akin kaya tumango ako at sumunod sa kan’ya. Itinuro n’ya sa akin ang dapat kong gawin lalo na sa pagkakahera, alam ko naman na ‘yon pero iba kasi ‘to dahil ako rin ang tatanggap ng mga order ng customer kaya kailangan kong makabisado ‘yon, mabilis naman akong matutuo at talagang tinatandaan ko lahat ng sinasabi sa akin ni Lia. Siya pala ang manager nitong café at lagi s’yang nandito sa counter kaya wag daw akong mag alala dahil tutulungan n’ya ako habang sina Hunt at Zand naman ay ang barista tapos kami ni Liz ang mag se-serve ng mga order pero kung madami ‘yon si Zand ang tutulong sa amin. Bale lahat kami dito madaming task hindi isa lang. “Guys mag ready na kayo dahil opening na!” sabi ni Lia sa amin kaya naman inihanda ko na ang sarili ko sa mangyayari ngayong araw na ‘to sa trabaho ko. Kinakabahan ako pero hindi ako pwedeng pangunahan ng kaba ko dahil ayokong magkamali, gusto kong ipakita na kahit hindi ako nakatapos ng pag aaral ko ay kaya kong magtrabaho. Sa lahat ng trabaho na napag-applayan ko ito ung tinanggap agad ako kaya ayokong pakawalan ‘to at sayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD