Luna POV
Ilang oras na kaming nag-iintay ni Mia sa labas ng operating room at hindi pa rin lumalabas ang doktor ng kapatid ko kaya kinakabahan na ako dahil baka may masamang nangyari na sa kaniya, paulit-ulit akong nagdarasal na sana maging maayos lang siya at walang masamang mangyari sa operasyon niya. Nag-iisang pamilya ko na lang siya at hindi ko kakayanin kung pati s’ya ay mawawala sa akin.
“Luna wag kang masyadong kabahan magiging okay lang ang kapatid mo,” sabi ni Mia sa akin pero hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko para sa kapaitd ko.
Napatingin kami parehas ni Mia sa pinto ng operating room ng biglang bumukas iyon at lumabas ang doktor ng kapatid ko kaya naman napatayo kami parehas at lumapit kami sa doktor ni Lance.
“Kamusta po ang operasyon ng kapatid ko?” kinakabahang tanong ko sa doktor ni Lance.
“The operation went well and he is out of danger but we still need to monitor the condition of the patient. Even the operation is successful we still need to see his improvement, they will transfer him to his room later. I will leave him for a while to attend my other patients, excuse me,” sabi niya sa amin ni Mia at umalis na.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil maaayos na raw kalagayan ng kapatid ko at nawala na siya sa panganib. Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kung may mangyayaring hindi maganda sa kan’ya, kaya nga ginagawa ko ang lahat para mailigtas lang s’ya kahit pa ibenta ko ang sarili ko basta mabuhay lang s’ya gagawin ko.
“Sabi ko naman sa’yo magiging ayos siya,” sabi sa akin ni Mia.
Kaya tumango ako sa kaniya, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala sa akin ang kapatid ko. Baka mabaliw ako ng tuluyan kung sakali dahil noong nalaman ko sa barangay tanod na nagpunta sa bahay namin na naaksidente raw si Lance muntik na akong masiraan ng bait noong mga oras na iyon buti na lang kasama ko si Mia at tinulungan n’ya ako.
“Mia umuwi ka muna at ako na ang bahala pansamantala dito, alam ko naman na may mga kailangan ka pang gawin,” sabi ko sa kaniya dahil simula noong naospital ang kapatid ko palitan kami sa pagbabantan at kahapon nga ay siya ang nagbantay dito para makahanap ako ng pera sa operasyon ni Lance at ang problema ko na lang ngayon ay ang mga gamot na kakailanganin namin para sa kaniya at ang pambayad dito sa ospital pag lumabas kami.
“Sige pero babalik din ako mamaya para naman may kasama kang magbabantay kay Lance,” sabi niya sa akin kaya tumango ako at hinayaan na sya’ng umalis.
Pinuntahan ko sa kwarto niya ang kapatid ko at nilapitan siya, “Kailangan mong magpalakas para gumaling ka agad” sabi ko sa kaniya at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.
Sobrang dami kong problema at napapagod na ‘ko pero hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan ko pang maghanap ng trabaho para sa aming magkapatid. Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho dahil hindi naman ako college graduate at sa hirap ng buhay ngayon hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng kapatid ko. Ang isang tulad ko na wala namang pinagtapusan ay sobrang hirap makahanap ng trabaho sa panahon ngayon dahil ang importante sa mga kompanya o kahit anong pwedeng pasukang trabaho ngayon ay ang may pinagtapusan kaya hindi ko alam kung anong trabaho ang maari kong makuha. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata ko saka nag-isip ng pwedeng gawin para makahanap pa ng pera, oo ibinenta ko na nga ang katawan ko pero hindi ko na uulitin pa iyon. Hindi ko na ulit papasukin pa ang trabahong iyon, tama na ang isang beses na ginamit ko ang katawan ko para kumita ng pera. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera para sa operasyon ni Lance hindi ko naman gagawin iyon dahil kaya kong magtrabaho kahit pa makuba ako pero biglaan kasi ang nangyari at kailangan agad s’yang maoperahan kaya wala akong ibang pagpipilian kung hindi gawin ‘yon.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa upuan at nagising lang ako sa tawag sa akin ni Mia, “Luna umuwi ka muna mukhang pagod na pagod ka” sabi niya sa akin pero umiling ako.
“Hindi ako pwedeng magpahinga at umuwi Mia, dito muna ako hanggang hindi pa nagigising ang kapatid ko” sabi ko sa kan’ya.
Umupo s’ya sa tabi ko, “Wala naman kaso ‘yon Luna pero wag mo naman sagarin ang sarili mo dahil pag nagising ang kapatid mo paniguradong mag aalala rin s’ya sa iyo at baka sisihin pa n’ya ang sarili n’ya dahil sa nangyari sa’yo” sabi n’ya sa akin.
“Mia hindi kasalanan ni Lance ang nangyayari ngayon, kung ano man ang ginawa ko para mabuhay s’ya hindi ko pinagsisihan ‘yon at nakikiusap ako sa’yo Mia na wag mong sasabihin kay Lance ang ginawa ko para lang maoperahan s’ya!” sabi ko sa kan’ya.
“Alam ko naman ‘yon Luna saka paniguradong hindi matutuwa si Lance pagnalaman n’yang lumapit ka kay mamang para maoperahan s’ya,” sabi n’ya sa akin.
Tama si Mia sa sinabi n’ya, kahit naman ako ang matanda asa aming magkapatid sobra akong pinoprotektahan ni Lance at hindi n’ya ako pinapabayaan, noong nalaman n’ya na inaalok ako ng mamang ng trabaho sa club nito agad na umapila si Lance at mas gugustuhin pa niyang tumigil sa pag-aaral kesa magtrabaho ako sa club para makapag-aral lang s’ya dahil hindi n’ya kayang may mangyaring masama sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng kapatid na katulad ni Lance, sana talaga ay gumaling na s’ya.
“May balita na ba sa nakabangga kay Lance?” tanong sa akin ni Mia.
Umiling ako sa kan’ya, “wala pa rin balita hanggang ngayon, hindi ko nga alam kung ano ang nangyari dahil wala naman daw CCTV sa lugar kung saan naaksidente si Lance at wala rin daw nakakita kung sino ang bumangga sa kapatid ko buti na nga lang may rumondang tanod noong mga oras na ‘yon at nakita s’ya” sabi ko kay Mia, kung wala kasing nakakita sa kapatid ko baka wala s’ya ngayon dito sa mundo.
“Mahahanap din natin kung sino man ang nakabangga kay Lance ang unahin mo muna ngayon ay ang magpahinga dahil kailangan mo ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
“Hindi pwede Mia marami pa akong dapat intindihin tulad na lang ng paghahanap ng trabaho para sa ikakabuhay namin ng kapatid ko saka may babayaran pa rin ako dito sa ospital at ang mga gamut na kailangan n’ya, hindi ako pwedeng magpahinga sa mga oras na ‘to!” sabi ko sa kaniya.
“Wag mong sabihin na babalik ka kay Mamang?” turan n’ya kaya umiling ako.
“Hindi ko na gagawin ‘yon, Mia” sabi ko sa kaniya kaya nakahinga s’ya ng maluwag.
“Mabuti naman kung ganon dahil hindi rin kita hahayaan na bumalik kay mamang.” Sabi n’ya sa akin.
“Tama na ang isang beses Mia na ibenta ko ang sarili ko para sa kapatid ko” sabi ko sa kan’ya.
“Anong balak mo ngayon Luna?” tanong n’ya sa akin.
“Kailangan kong makapaghanap ng trabaho para sa mga gatos namin ni Lance pero hindi ko alam kung anong trabaho ang pwede kong pasukan ngayon dahil kung hindi walang bakante puro college graduate naman ang hinahanap nila,” problemadong sabi ko kay Mia.
“May isang raket ako pero ibibigay ko na sa’yo ‘yon dahil alam ko naman na kailangan mo, buti na lang pala tumawag sa akin ang isang kasamahan ko dati sa trabaho at naghahanap kasi ang agency nila ng isang part-time worker dahil kulang sila sa tao ngayon,” sabi n’ya sa akin.
Nabuhay naman ako ng loob kahit paano sa sinabi ni Mia, makakatulong na rin kasi ‘yon sa akin. “Talaga? Hindi ko tatanggihan ‘yan Mia!” sabi ko sa kan’ya.
“Tatawagan ko na lang s’ya at sasabihin ko na ikaw na lang ang papalit sa akin, kilala mo naman na s’ya saka madali lang naman daw ang gagawin na trabaho dahil maglilinis lang daw ng condo, maglalaba at magluluto na alam ko naman na kayang kaya mong gawin,” sabi n’ya sa akin.
“Walang problema sa akin ‘yon Mia ang importante meron na akong isang trabaho sa ngayon,” sabi ko sa kan’ya.
“Ilang trabaho ba ang kailangan mo Luna?” tanong n’ya sa akin.
“Hindi ko masabi dahil hanggang nandito pa sa ospital si Lance kailangan kong maghanap ng maraming trabaho na pwede kong pasukan para sa pangangailangan n’ya,” sabi ko sa kan’ya.
Napabuntong hininga s’ya sa sinabi ko, “Luna maawa ka naman sa katawan mo, alam kong kaya mong gawin ang lahat para kay Lance pero ung katawan mo kasi alam ko rin na pasuko na sa dami mong gustong gawin. Noong hindi na naoospital si Lance halos lahat gawin mo na rin para lang sa kan’ya at wala naman akong tutol don pero isipin mo rin ang sarili mo ngayon kasi kung ikaw naman ang magkakasakit paano na kayo ni Lance? Kaya Luna wag mong biglain ang katawan mo kasi kung porket kaya ng isip mo ay kaya na rin ng katawan mo” sermon n’ya sa akin.
Naiitindihan ko naman ang ibig n’yang sabihin pero kailangan ko lang talagang kumayod ng doble pa o triple pa sa ginagawa kong pagtatrabaho dati para sa kapatid ko ngayon dahil iba na ang sitwasyon namin ngayon dahil sa nangyari kay Lance.
“Wag mo na akong intindihin Mia dahil kaya ko naman ang sarili ko saka gagawin ko ang lahat para mabuhay ang kapatid ko,” sabi ko sa kan’ya at ngumiti kaya napailing na lang s’ya.
“Ewan ko sa’yo Luna. Bago ko makalimutan na sabihin sa’yo, kailangan mo palang puntahan bukas ang lugar kung saan ka magtatarabaho at doon kayo magkikita ng kasamahan ko dati sa trabaho para maituro n’ya sa iyo ang gagawin mo,” sabi n’ya sa’kin at inabot ang isang papel kung saan nakasulat don ang address ng pupuntahan ko bukas.
“Sige pupunta ako bukas. Salamat talaga Mia sobrang laking tulong nito para sa amin” sabi ko sa kaniya.
“Wala ‘yon, ang importante makahanap ka ng trabaho para sa inyo ng kapatid mo,” sabi n’ya sa’kin.
Kailangan kong maghanda bukas para mapuntahan ang lugar na sinabi sa akin ni Mia para makapagtrabaho agad ako dahil kailangan ko na talaga ng pera hanggang hindi pa kami nakakaalis dito sa ospital lalong lumalaki ang bill namin at hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pera para sa pambayad namin ng bill sa totoo lang.
“Salamat talaga Mia sa pagtulong mo sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka” sabi ko sa kan’ya at ngumiti s’ya sa akin.
“Wala ‘yon Luna saka sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayong dalawa lang saka ikaw ang bestfriend ko at hindi kita papabayaan,” sabi n’ya sa’kin.
“Salamat talaga Mia sa tulong mo sa akin ng kapatid ko,” sabi ko sa kan’ya.
“Basta nandito lang ako para sa inyo ni Lance at may ibabalita pala ako sa’yo,” sabi n’ya sa akin kaya kumunot ang noo ko.
“Ano ‘yon?” tanong ko sa kan’ya.
Huminga s’ya ng malalim saka tumingin sa’kin, “Ayoko sanang sabihin sa’yo ‘to ngayon dahil ang damo mo ng problema pero hindi ko naman pwedeng ilihim na lang ‘to sa’yo dahil malalaman mo rin naman pag-uwi ka sa atin,” sabi n’ya sa akin.
Mas kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mia, “Ano ba kasi ‘yon Mia?” tanong ko sa kan’ya.
“Ayokong bigyan ka ng problema pero kailangan mo ‘tong malaman,” sabi nya kaya kinabahan na ako.
“Ano ‘yon Mia?” tanong ko sa kan’ya kasi sa totoo lang kinakabahan na talaga ako.
“Nag announce kasi si Kapitan na kailangan na daw nating umalis sa tinitirahan natin dahil ide-demolish na tayo,” sabi niya sa akin na lalo kong ikinalumo.
Panibagong problema na naman, mukang gising na gising ako noong nagpaulan ng problema at kamalasan dahil halos nakuha ko na ata lahat. Saan kami pupulutin ng kapatid ko kung nagkataon, may trabaho nga ako pero paniguradong hindi kakasya ang magiging sweldo ko don sa pambayad pa lang namin sa ospital tapos mapapaalis pa kami sa bahay na tinitirahan namin ngayon. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil ang sakit na ng ulo sa dami ng problema ko ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko pero hindi ako pwedeng sumuko.
“Ano pa bang problema ang dadating sa akin? Bakit hindi pa pagsabay sabayin na lang ng matapos na ang lahat? Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang, pagod na ko pero hindi ako pwedeng sumuko kasi kailangan ako ni Lance,” sabi ko na lang at napasandal sa upuan na inuupuan ko.
“Luna wag kang mag alala dahil nandito ako at tutulungan kita,” sabi sa akin ni Mia.
“Mia sobrang dami mo ng naitulong sa akin at nagiging pabigat na kami sa’yo ni Lance,” sabi ko sa kan’ya dahil totoo naman.
Sobrang dami ng nagawa ni Mia para sa amin ng kapatid ko at alam ko naman na may pamilya rin s’ya na dapat suportahan pero eto s’ya samin ngayon ni Lance kami ang tinulungan na magkapatid.
“Magkaibigan tayo Luna at halos sabay na tayong lumaki saka ang laki rin naman ng naitulong n’yo sa amin ni lola noong buhay pa ang mga magulang n’yo ni Lance kaya wag mo akong itindihin,” sabi n’ya sa akin.
“Kelan daw ba ang demolition?” tanong ko sa kaniya para naman makapaghanda ako.
“Next week pa naman daw para daw makapaghanap tayo ng malilipatan” sabi niya sa akin.
Kahit na sa isang linggo pa ang demolisyon mabilis pa rin ang isang linggo bilang palugit dahil hindi naman ganon kabilis maghanap ng bahay na malilipatan lalo na sa panahon ngayon, trabaho nga mahirap hanapin tapos bahay pa kaya ng ganon kabilis. Napaka-imposible ng gusto nilang mangyari na gawin namin sa loob ng isang linggo na palugit nila.
“Bakit ang bilis naman?” tanong ko sa kaniya.
“Kailangan na raw ng bagong may ari ang lupa na ‘yon dahil pagtatayuan ng bagong building at nagmamadali ang may ari kaya wala na rin nagawa sila kapitan pero may ibibigay naman daw na tulong pinasyan ang may ari ng lupa para makapagsimula tayo pero hindi ganon kalaki pero pwede na rin,” sabi ni Mia sa akin.
Wala naman kaming magagawa sa gustong gawin ng may ari ng lupa dahil nakikigamit lang naman kami ng lupa sa kanila, pasalamat na nga lang kami dahil sa loob ng ilang taon ay nagamit namin ang lupa na ‘yon para doon kami manirahan pero ngayong kailangan na ng may ari ang lupa wala na kaming magagawa kung hindi ang umalis at lisanin ang lugar na ‘yon.
Sana lang talaga wala ng problema ang dumating pa sa mga oras na ‘to dahil hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko, para kasing sinalo ko na lahat ng problema sa mga oras na ‘to dahil sa nangyayari sa buhay ko. Hindi ako pwedeng sumuko dahil kailangan ako ng kapatid ko at pagsumuko ako sa kangkukan kami pupulutin na dalawa kaya hanggang may magagawa ko, gagawin ko para sa aming dalawa para mabuhay s’ya at para malagpasan ko ang mga pagsubok sa buhay namin na ‘to.