Kabanata 5
Luna POV
Habang magkausap kami ni Mia biglang bumukas ang pinto ng kwarto ng kapatid ko kaya napatingin kami ‘don at pumasok sa loob ang doktor ni Lance kaya napatayo ako.
“Good afternoon, I’m here to check the patient” sabi n’ya sa amin ni Mia at lumapit kay Lance.
Pinanood namin siya ni Mia habang tinitingnan n’ya ang kapatid ko at base sa ekpresyon ng muka ng doktor ni Lance mukang may hindi magandang nangyayari sa kapatid ko ngayon kaya kinakabahan ako. Nang matapos n’yang tingnan si Lance lumapit ako sa kanila para malaman ang kalagayan ng kapatid ko.
“Ano po ba ang lagay ng kapatid ko?” tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin, “Hindi stable ang heartbeat ng pasyente kaya kailangan namin s’yang i-monitor lagi,” sabi n’ya sa akin.
“Akala ko po ba naging maayos naman ang operasyon n’ya? Bakit po hindi stable ang heartbeat ng kapatid ko at ano pa po ba ang problema?” sunod-sunod na tanong ko sa kan’ya.
“The operation was successful, walang naging problema ‘don at nabawasan natin ang risk ng problema ng pasyente at wag kayong mag alala dahil magiging maayos naman ang kapatid mo. Kailangan n’ya lang talaga na i-monitor dahil hindi stable ang heartbeat n’ya pero hindi naman malala ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil ‘don, “Kelan po ba magigising ang kapatid ko?” tanong ko pa sa kan’ya.
“Sa ngayon hayaan muna natin na magpahinga ang pasyente dahil bukod sa gamot na isinaksak namin sa kan’ya noong inoperahan namin s’ya saka masyado rin nanghina ang katawan n’ya dahil sa pagkakaaksidente n’ya,” paliwanag sa akin ng doktor ni Lance.
Napatango na lang ako at tumingin sa kapatid ko na hanggang ngayon ay wala pa rin malay kahit na ilang oras na ang nakalipas pagkatapos ng operasyon n’ya at wala naman akong ibang magawa kung hindi ang maghintay na magising s’ya at maging maayos siya.
“Kung wala na kayong itatanong aalis na ko at kung may kailangan kayo just ask me to the nurse station,” sabi n’ya sa amin ni Mia.
“Thank you po. Doc.” sabi ko sa kan’ya at hinayaan na s’yang umalis.
Umupo ako sa tabi ni Lance at hinakawan ko ang kamay n’ya, “Bunso magpagaling ka please at wag na wag mo akong iiwan, hindi ko kaya na pati ikaw mawawala sa akin kaya please lumaban ka!” sabi ko sa kan’ya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.
Nilapitan ako ni Mia at hinawakan ang balikat ko, “Magiging okay rin si Lance, Luna. Hindi n’ya tayo iiwan at saka lalaban s’ya para sa’yo” sabi n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim at tiningnan lang ang kapatid ko, hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang nakabangga sa kan’ya, hindi man lang naawa ang tao na ‘yon sa kapatid ko at iniwan na lang n’ya sa kalsada. Hindi man lang n’ya dinala sa ospital pagkatapos n’yang mabangga at basta na lang tumakbo pagkatapos n’yang sagasaan.
“Luna umuwi ka muna para makapagpahinga ka ng maayos ‘don at para makausap mo na rin si Kapitan dahil hinahanap ka n’ya kanina para sa magaganap na demolisyon” sabi n’ya sa’kin kaya napatingin ako sa kan’ya.
“Paano si Lance?” tanong ko sa kan’ya.
“Ako na lang muna ulit ang bahala sa kapatid mo,” sabi n’ya sa akin.
“Mia may trabaho ka pa,” sabi ko sa kan’ya.
“Luna wala akong pasok saka sinabi ko naman na sa’yo na wag kang mag alala para sa akin dahil kaya ko ang sarili ko saka ang dapat mong isipin ay ang mga dapat mong gawin ngayon,” sabi n’ya sa akin kaya napabuntong hininga ako.
Tiningnan ko si Lance na wala pa rin malay saka ako muling tumingin kay Mia at tumango, “Sige uuwi muna ko Mia para makapag-ayos na rin ng gamit namin. Tawagan mo agada ko kapag nagising si Lance,” sabi ko sa kan’ya.
Tumango s’ya sa akin, “Ako na ang bahala dito kay Lance hanggang sa magawa mo ang gagawin mo bukas kaya magpahinga ka na muna ngayon at wag mo ng intindihin ang kalagayan ni Lance dahil ako na muna ang bahala dito,” sabi n’ya sa akin.
Hinaplos ko ang kamay ni Lance at pilit na ngumiti, “Bunso babalik ako bukas, si ate Mia mo muna ang bahala sa’yo at aayusin ko lang ang mga dapat kong gawin tapos dito agada ko didiretso,” sabi ko sa kan’ya. “Mia aalis na ‘ko” sabi ko sa kan’ya at tumango s’ya sa akin.
Lumabas na ako ng kwarto ni Lance at naglakad palabas ng ospital, habang naglalakad ako sa hallway wala ako sa sarili ko dahil iniisip ko ang mga kailangan kong gawin pag-uwi ko sa bahay namin, ang dami kong gamit namin na dapat iligpit tapos kailangan ko rin na maghanap ng trabaho sa mga susunod na araw para makapag-ipon ako at makaharap na rin ng bahay na lilipatan namin ni Lance. Hindi ko pa nga alam kung saan kami mapapadpad na dalawa dahil sa mahal ng mga paupahan ngayon paniguradong kailangan kong magtrabaho ng higit pa sa ginagawa ko noon. Dahil nga wala ako sa sarili ko hindi ko namalayan na may kasalubong pala akong nurse at hindi agad ako nakaiwas pero may isang taong humila sa akin.
“Watch where you are going!” sabi n’ya sa akin.
“Sorry” sabi ko sa kan’ya at yumuko.
Umismid lang s’ya at umalis na, may istura sana s’ya pero antipatiko. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko hanggang sa makalabas ako ng ospital at nag lakad ako papunta sa sakayan ng jeep para doon mag abang ng jeep pauwi sa akin. Hindi naman nagtagal may dumaan na jeep kaya naman sumakay na ako at wala rin naman kasing ganong kadaming nakapila kaya mabilis akong nakasakay.
Nang makarating ako sa lugar namin halos lahat ng tao ay nagsisimula ng mag ayos ng mga gamit nila kaya napabuntong hininga na lang ako at naglakad papunta sa barangay para kausapin si Kapitan pero bago ako makarating sa barangay tinawag ako nila aling Minda at kasama n’ya ang ilang mga kapitbahay namin.
“Luna kamusta na si Lance?” tanong nila sa akin.
“Naoperahan na po pero hanggang ngayon wala pa rin malay,” sabi ko sa kanila.
“Sana naman ay magising na ang kapatid mo,” sabi nila sa akin kaya ngumiti na lang ako at tumango.
“Mauna na po ako sa inyo dahil kailangan ko pa pong kausapin si Kapitan,” sabi ko sa kanila at iniwan na sila ‘don pero hindi pa man ako nakakalayo hindi nakatakas sa pandinig ko ang usapan nila.
“Kawawa naman ang dalawang magkapatid na ‘yan, simula noong namatay ang mga magulang nila puro problema na ang dinanas nila lalo na ‘yang si Luna,” sabi ni Aling Minda.
“Kaya nga pero tapos mapapaalis pa tayo sa lugar na ‘to” sabi naman ni Aling Sely.
“Wag n’yo ngang intindihin ‘yang si Luna may pera ‘yan dahil pumasok na ‘yan kay Mamang kahapon,” sabi ni Brenda, kilala ko ang boses n’ya dahil s’ya lang naman ang may init ng dugo sa akin dito sa lugar namin.
Napabuntong hininga na lang ako at paniguradong madumi na ang tingin sa akin ng lahat ng tao dito, sa lakas ba naman ng boses ni Brenda kaya pinagtitinginan na ako ngayon.
“Asa loob ang kulo” sabi ng iba pa namin kapitbahay ng magdaan ako.
“Akala ko naman matino hindi rin pala,” sabi naman ng isa pa at akala nila hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila pero hindi ko na lang pinansin dahil ayoko ng gulo.
Pumasok na lang ako sa loob ng barangay hall at naabutan ko ‘don si Kapitan kasama ang mga kagawad, mukang kakatapos lang ng meeting nila.
“Good afternoon po,” bati ko sa kanilang lahat.
“Good afternoon din Luna, maupo ka at may sasabihin kami sa’yo,” sabi sa akin ni Kapitan.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa tapat nila, “Ano po ba ang dahilan at bakit n’yo po ako gustong makausap?” tanong ko sa kanila.
“Hindi lingid sa kaalaman namin ang nangyari sa kapatid mo at alam namin na kailangan n’yo ng tulong pinansyal ay inilapit namin kay Mayor ang sitwasyon n’yong magkapatid kaya naman nakakuha kami ng tulong para sa kapatid mo,” sabi sa akin ni Kapitan.
Nanlaki ang mata sa sinabi n’ya lalo na sa inabot n’ya sa aking isang sobre, “Salamat po sa inyo, maliking tulong po ito para sa aming magkapatid,” sabi ko sa kanila.
“Wala ‘yon Luna saka ang dami naitulong sa amin ng magulang n’yo noong nabubuhay pa sila,” sabi sa akin ng isang kagawad.
“Maraming salamat po talaga sa tulong n’yo,” sabi ko ulit.
“Nakausap namin kanina si Mia at sa palagay ko nasabi na rin niya sa’yo ang magaganap na demolition dito sa lugar natin, binigyan lamang nila tayo ng isang linggong palugit para makaglipat at makahanap ng bahay na matitirahan. Meron din silang ibibigay na pera para tulong sa ating lahat pero baka raw sa isang araw pa maibigay ‘yon,” sabi sa akin ni Kapitan.
“Nasabi na nga po sa akin ni Mia kanina ‘yan, wala na po bang dagdag ang palugit na ibinigay nila?” tanong ko sa kanila.
“Nakiusap na kami sa kanila pero matigas ang loob ng bagong may ari ng lupa dahil ayaw nilang pumayag at wala rin magawa ang mga tauhan nito dahil iyon daw ang utos ng amo nila kaya wala na rin kaming magawa kasi kailangan daw nila itong lupa sa lalong madaling panahon,” paliwanag na sagot sa akin ni Kapitan.
Napabuntong hininga na lang ako. Napakabilis kasi ng isang linggo at hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon na makapaghanap ng bahay bago nila kami pinaalis pero sabi ko nga kanina wala naman kaming magagawa kasi hindi naman kami ang may ari ng lupa na ito at hindi rin ito sa gobyerno.
“Kung ganon po wala na po pala talaga tayong magagawa kung hindi ang umalis, salamat po sa tulong n’yo sa amin ng kapatid ko,” sabi ko sa kanila.
“Ganon na nga Luna, sige mukang pauwi ka pa lang n’yan. Magpahinga ka na” sabi nila sa akin kaya tumango ako at lumabas na ako ng barangay hall.
Naglakad na ako pauwi sa amin at hindi nawawala ang tingin sa akin ng mga kapitbahay namin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanila, ang bilis talaga kumalat ng chismis dito sa lugar namin. Paniguradong tuwang tuwa si Brenda dahil nasira na naman n’ya ako sa mata ng mga tao dito sa amin. Wala naman bago sa ugali ni Brenda, gustong gusto n’ya na lagi siya ang bida at sikat. Hindi ko na lang siya pinapansin. Papasok na sana ko sa bahay namin ng may biglang humarang sa dadaanan ko at si Brenda ‘yon kasama ang mga kaibigan n’ya kaya napabuntong hininga na lang ako.
“Anong kailangan mo sa’kin?” tanong ko sa kan’ya.
“Nagmamayabang ka na?” tanong n’ya sa’kin.
Umiling ako sa kan’ya, “Ayoko ng gulo Brenda” sabi ko sa kan’ya.
“Hindi naman kita ginugulo, gusto ko lang ipamuka sa’yo na isa kang mababang uri ng babae ngayon at ‘yan ang tandaan mo kaya wag na wag kong makikita na lalapit ka sa boyfriend ko!” sabi n’ya sa’kin.
“Hindi ako mababang uri ng babae at hindi ako lumalapit sa boyfriend mo,” sabi ko sa kaniya.
Nagtawanan naman sila ng mga kasama n’ya at iniwasan ko na sila pero hinarang ulit nila ako kaya nag angat ako ng tingin sa kanila, “Kailangan ko ng umuwi” sabi ko sa kanila.
“Luna mababang uri ka na ng babae, pumasok ka na kay mamang at paniguradong madami na ang nakatikim sa’yo. Wag kang magmalinis dahil tulad ng pagkakakilala ko sa’yo asa loob nga ang kulo mo, akala mo inosente ‘yon naman pala pokpok din!” sabi n’ya sa’kin at tinawanan ako.
Nagyukom ako ng kamao ko at pilit kong pinipigilan ang sarili ko na sagutin s’ya dahil malaking gulo lang ‘yon at gusto ko ng magpahinga. Ayokong pumasok sa isang gulo at ayoko rin na dagdagan pa ang problema ko. Kesa sagutin ko ang sinabi n’ya umiwas na lang ako at naglakad palayo sa kanila, buti na lang hindi na n’ya ko sinundan.
Pumasok sa loob ng bahay namin at inilibot ko ang mata ko sa buong paligid, dito na kami halos lumaki ni Lance at nandito sa bahay na ‘to ang ala-ala ng mga magulang namin pero kailangan namin lisanin ang bahay na ‘to sa loob ng isang linggo dahil pinapaalis na kami. Hindi ko alam kung paano at kung saan kami pupulutin ng kapatid ko pero kailangan kong lakasan ang loob para sa aming dalawa, hindi madali ang pinagdaraanan namin ngayon lalo na ako. Nasa akin lahat ng hirap at problema naming dalawang magkapatid at kailangan kong gawan ng paraan ang lahat ng bagay para mabuhay si Lance at para makasurvive kami sa mundo na ‘to kaya nga umabot ako sa puntong ibinenta ko ang katawan ko para sa pera. Wala akong pakielam sa mga masasakit na salita na sinasabi nila sa akin ngayon dahil ginawa ko ‘yon para sa kapatid ko at kung may iba lang na paraan hindi ko naman gagawin ang bagay na ‘yon pero wala eh. Hindi naman ako nagnakaw o nakapatay ng tao pero ung ginagawa ko na pagbebenta ng katawan ko sa isang tao, sa loob ng lang ng isang gabi para na akong nakapatay sa mga pangungutya ng iba namin kapitbahay sa akin ngayon.
Maduming babae nga ako dahil ibinenta ko ang katawan ko pero wala naman silang maitutulong sa akin kung hindi ko ‘yon ginawa, hindi naman mabubuhay ng dignidad ko ang kapatid ko dahil pera ang kailangan n’ya para maoperahan s’ya. Sa mundong ‘to kasi pera ang makapangyarihan sa lahat at pag meron kang pera ikaw ang sikat at titingalain ng lahat kahit pa anong nagawa mo basta may pera ka wala silang problema sa’yo.