Kabanata 6

2714 Words
Kabanata 6 Luna POV Huminga ako ng malalim saka ipinilig ang ulo ko, hindi ko kailangan isipin ang sasabihin ng ibang tao sa mga oras na ‘to dahil hindi naman nila kami kayang tulungan, naglakad na lang ako papunta sa kwarto ko at bumungad sa akin ang mga damit namin na kailangan ko pang laban kaya naman kinuha ko ‘yon at dinala sa labahan namin. Sinimulan ko na ang damit namin ni Lance at hindi ko alam kung anong oras na ako nakatapos dahil sa dami ‘non, basta ang alam ko gabi na dahil madilim na ang paligid kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumako ang tingin ko sa kusina namin at biglang kumalam ang sikmura ko, hindi pa pala ako kumakain buhat kanina ng manggaling ako ng ospital. Naghanap ako ng pwede kong mailuto sa kusina namin pero tanging kamote at saging na saba ang meron ako saka ilang delata. Huminga ako ng malalim at nilaga ko na lang ang kamote at saging na saba kasi ung delata pwede ko pang iulam ‘yon sa ibang araw dahil hindi naman mabilis masira ‘yon saka wala rin akong bigas na maisasaing dahil wala na pala kaming bigas at nawalan na ako ng oras para bumili pa ‘non dahil sa sobrang dami kong ginagawa. Sa sobrang dami ng iniisip ko nitong mga nagdaan na araw nawala na sa loob ko na wala pala kaming bigas at pagkain man lang dito sa bahay. Ang una ko kasing inisip at ginawa ay ang maghanap ng pera para sa operasyon ni Lance kaya hindi ko na inintindi ang sarili ko pati na rin ang pagkain namin na nawala sa loob ko na paubos na pala noong mga oras na ‘yon. Nang maluto ang saging na saba at kamote, hinango ko ‘yon at inilagay sa plato saka nagsimulang kumain. Eto muna ang kakainin ko ngayong gabi saka bukas ng umaga bago ako pumunta sa trabaho na sinasabi ni Mia sa akin at pagkatapos ‘non pupunta naman ako sa ospital para ako na ang magbantay sa kapatid ko kasi kahit na nandyan si Mia sa tabi namin ni Lance may pamilya rin naman ung tao at may trabaho. Pagkatapos kong kumain kesa magpahinga na ako sinimulan ko ng magligpit ng ilang gamit namin ni Lance para hindi na ako mahirapan sa mga susunod na araw dahil wala naman akong magiging katulong sa pagliligpit ng mga gamiti namin kahit na nga ba hindi naman ganon kadami ang gamit namin mainam ng maayos ko na ung iba kesa sa huli ko pa intindihin lahat.. Sinimulan ko sa mga ilang gamit ng mga magulang ko na naiwan sa amin noong namatay sila, nakaayos naman na ‘yon pero kailangan ko lang ilagay sa lalagyan dahil sira na ang plastic na pinaglalagyan at kailangan ko rin ilagay sa kahon para madaling buhatin. Nang matapos ko ang gamit ng mga magulang namin sinunod ko naman ang ilang gamit ni Lance at inilagay ‘yon sa isa pang kahon, sinugurado kong maayos lahat ng gamit bago ako nagdesisyon na magpahinga sa ibang araw ko naman itutuloy ang iba pa, ung ibang gamit namin na sobrang importante tulad ng mga birth certificate namin sa ospital ko muna dadalin kasi kahit paano ligtas ‘don ang mga ‘yon lalo na kapag umulan. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko napamura na lang ako, “s**t!” inis na sabi ko sa sarili ko dahil biglang bumuhos ang makalas na ulan kaya tumakbo ako palabas sa labahan namin para kunin ang mga damit namin ni Lance na nilaban ko at ipinasok ‘yon sa loob ng bahay pero hindi lang ‘yon ang problema ko dahil tumutulo rin dito sa loob ng bahay dahil may butas ang bubong namin kaya naman kumuha ako ng mga timba at ibang panahod dahil kung hindi mababasa ang ilang gamit namin dito sa bahay at kailangan ko rin iusog ang lumang rattan na upuan namin dito sa sala dahil masisira na ‘yon. Napabuntong hininga ako at napahawak sa ulo ko na sumasakit na ngayon dahil sa bagong problema ko. Kesa magpahinga ako inintindi ko ang tulo ng ulan sa loob ng bahay namin dahil paglumakas pa ang ulan paniguradong babaha sa lugar namin at kailangan ipatong sa mataas na lugar ang mga gamit namin dahil kung hindi wala na kaming pakikinabangan sa mga ‘yon. Buti na lang tumila rin agad ang ulan kaya nakahinga ako ng maluwag at pumasok na ulit ako sa kwarto ko saka humiga sa papag. Ngayon ko nararamdaman ang pagod pero hindi ako pwedeng sumuko na lang ng wala naman akong nagagawa. Bukas mag sisimula na rin akong maghanap ng malilipatan namin ng kapatid ko. Hindi ko na alam kung saan kami pupulutin pag hindi pa ako nakahanap ng trabaho! Simula noong namatay ang mga magulang namin sunod-sunod na  pagsubok at problema na ang hinarap namin magkapatid at sa ito na nga siguro ang pinakamahirap na pagsubok na nararanasan namin magkapatid sa ngayon.Sa dami ng nangyari sa araw na ‘to kailangan ko talaga ng pahinga at ng makapag-isip ako ng maayos kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na dalawin ng antok. Kinabukasan maaga akong nagising at mabilis akong nag ayos ng sarili saka kumain ng tirang pagkain ko kagabi saka umalis ng bahay para puntahan ang lugar na sinasabi ni Mia. Habang naglalakad ako halos lahat ng mga kapitbahay namin na nakatambay sa labas ng bahay nila masasama ang tingin sa akin ung iba naman pinagbubulungan ako pero naririnig ko naman sila. “Mukang may booking si Luna ngayon ah!” sabi ng isa namin kapitbahay, sa totoo lang bumulong pa sila pero narinig ko rin naman kasi alam kong sinadya talaga nilang iparinig iyon sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at iniwasan sila. Wala naman kasi akong mapapala kung papatulan ko sila sa ginagawa nila at napaka-aga chismis ang inaatupag nila ngayon. “Luna!” sigaw ni Fred, boyfriend ni Brenda kaya napairap ako. Hindi ko s’ya pinansin at patuloy lang akong naglakad paalis ng lugar namin pero humarang s’ya sa dinadaanan ko kaya nag angat ako ng tingin sa kan’ya. “Saan ka pupunta?” tanong n’ya sa’kin. “May trabaho pa ko Fred kaya wag kang humarang sa dinadaanan ko at baka makita ka ni Brenda sa akin pa magalit ‘yon!” mataray na sabi ko sa kaniya at iniwasan s’ya. “Wala naman kami ni Brenda saka ikaw ang gusto Luna kahit pa kumakalat na pumasok ka kay Mamang wala akong pakielam ‘don!” sabi n’ya sa’kin. Umiwas na lang ako sa kaniya at naglakad palayo pero nakasunod pa rin s’ya sa akin kaya napairap ako, nakasalubong namin sila Brenda at agad s’yang kumapit kay Fred kaya naman mabilis akong nakalayo sa kanila at hindi ko na narinig ang sinasabi nila. Sumakay na ko sa nakaparadang jeep at nagbyahe papunta sa lugar na sinasabi ni Mia pero nakailang sakay pa ako papunta ‘don dahil malayo s’ya sa tinitirhan namin. Inabot ako ng isang oras sa byahe bago ko marating ang lugar na sinasabi nya at ng makarating ako agad kong hinanap ang dating katrabaho ni Mia at nakita ko naman agad si Fhey kaya tinawag ko siya. “Fhey!” tawag ko sa kanya at ngumiti siya sa’kin. “Tinawagan ako ni Mia kahapon at sinabi na ikaw nga daw ang ipapasok niya” sabi sa akin ni Fhey na kakilala ni Mia. Kilala ko na s’ya kasi ilang beses ko na rin s’yang nakita noon at nakasama dati noong magkatrabaho pa sila ni Mia. “Luna kaya mo ba ang ganitong trabaho?” tanong niya sa akin. “Kaya ko naman kahit ano basta legal ang gagawin,” sagot ko sa kanya at tumango siya sa’kin. Naglakad na kami papasok sa loob ng building na papasukan ko, sa pagkakaalam ko isang sikat na condo building ito at halos puro mayayaman ang nakatira kaya napayuko na lang ako habang naglalakad kami papasok sa loob. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid ang talagang nakakamangha ang lugar na ‘to, isang pangarap para sa akin ang tumira sa ganito kagandang lugar pero alam kong imposibleng mangyari ‘yon dahil baka matanda na ko wala pa akong pambili ng unit dito. Sa pagkakaalam ko rin na puro mayayaman lang ang may kayang bumili ng unit dito dahil naka-design ang building na ‘to para sa kanila lang at kaya lang naman kami pinapasok dahil may pinakitang ID si Fhey noong pumasok kami. “Hindi naman kasi mapili si boss sa magtatrabaho sa kanya sa ganitong bagay at sa tagal kong nag tatrabaho sa kaniya bilang secretary niya kaya sa akin niya ipinagkatiwala ang paghahanap ng taga-linis ng condo niya. Alam ko naman na hindi mo ko ipapahiya dahil si Mia ang nag rekomenda sayo,” sabi niya sa akin ng makasakay kami sa elevator. “Hindi kita ipapahiya Fhey, ang laking tulong nito para sa akin kaya gagawin ko ng maayos ang trabaho ko,” sabi ko sa kan’ya at lumabas na kami ng elevator. Naglakad na kami sa hallway at para akong nasa isang palasyo sa ganda ng hallway pa lang. “Mabuti namna kung ganon Luna kasi kahit mabait ang amo ko iba pa rin magalit ‘yon,” sabi n’ya sa akin at huminto kami sa tapat ng isang pinto. “Ito ang unit ng amo ko na lilinisin mo,” sabi niya sa akin at pumasok kami sa loob at humanga agad ako sa nakita ko. Kung ang lobby at hallway ay ang ganda na lalo na ngayon dito sa loob ng unit at ang daming gamit sa loob na sigurado akong mahal lahat. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng pumasok kami sa loob. Mas malaki pa ‘to sa bahay namin at mukang one fourth lang nito ang bahay namin sa laki at ang ganda n’ya talaga. “Every other day ang pagpunta mo dito para maglinis pero araw-araw kang pupunta para mag luto ng breakfast at dinner niya kaya halos araw-araw ka rin na pupunta pala dito. Hindi naman kayo mag-aabot na dalawa dahil late umuuwi ‘yon sa gabi at dapat maaga kang pumupunta para maghanda ng breakfast niya. Babalik ka na lang sa hapon para sa dinner naman niya,” paliwanag sa akin ni Fhey ng gagawin ko. Tumango ako sa kan’ya at tinandaan lahat ng sinabi n’ya sa akin na gagawin ko at kung kelan ako pupunta dito. “May allergy ba sa pagkain ang boss mo?” tanong ko sa kan’ya. “Wala naman pero medyo mapili lang sa pagkain dahil hindi s’ya kumakain ng gulay pero ibibigay ko sa’yo ang listahan ng ayaw at gusto n’ya para wala kang problema” sabi n’ya sa’kin kaya tumango ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan ulit ang buong paligid, kaya ko naman linisin ‘to saka hindi naman bago sa akin ang ganitong trabaho dahil sa taong katulad ko wala naman ibang trabaho na pwede kong pasukin kung hindi ganito. “Pwede ka na palang magsimula bukas at ang bayad sa’yo ay every week ibibigay. Seven thousand ang sweldo mo dahil madami kang gagawin kaya malaki na rin. Ung kalahati ng bayad mo sa linggo na ‘to ibibigay ko na dahil sa paki-usap ni Mia kaya wag na wag kang magloloko dahil mabait ang amo natin kapag tulog,” sabi n’ya sa akin pero hindi ko narinig ung huli n’yang sinabi kasi bumulong lang s’ya.  Inabot n’ya sa akin ang isang sobre na may lamang pera at tinanggap ko naman ‘yon saka nilagay sa bag ko. “Ito ang susi ng unit, hindi na kita sasamahan dahil may iba pa akong trabahong dapat gawin, sinamahan lang kita dito para ipaalam sa’yo ang mga gagawin mo, asa sobre rin nga pala ang listahan ng mga ayaw at gusto ng boss natin,” sabi niya sa akin. Tumango ako sa kan’ya at mamaya pagdating ko sa ospital babasahin ko agad ‘yon at tatandaan ang mga dapat kong gawin at hindi. “May gusto ka bang itanong habang nandito pa tayo?” tanong n’ya sa akin. “Paano nga pala ung sa grocery? Ako rin ba ang gagawa ‘non?” tanong ko sa kan’ya. “Oo ikaw rin pala ang mamimili ng pagkain na lulutuin mo at ng mga stock dito sa condo pero may budget naman para ‘don na ibibigay ko next week kasi may stock pa naman at ung magiging card mo kung saan mo matatanggap ang sweldo mo,” sabi n’ya sa akin kaya napatango ako sa kan'ya. “Salamat Fhey kasi tinanggap mo ako dito, ang laking tulong nitong trabaho na ‘to para sa akin,” sabi ko sa kaniya. “Wala ‘yon Luna saka kaibigan na rin ang turing ko sa’yo at alam ko naman na gagawin mo ang trabaho mo, hindi naman kasi mapili ang boss ko basta gawin mo ang trabaho ng maayos at walang palpak okay ka sa kan’ya,” sabi n’ya sa akin. “Salamat talaga sa tulong mo,” sabi ko sa kan’ya. Ngumiti s’ya sa akin, “Wala ‘yon Luna. Mauuna na ‘ko sa’yong umalis dahil may trabaho pa ko at may inuutos pa sa akin si Boss kaya tara na sa baba,” sabi n’ya sa akin. Kaya naman bumaba na kami sa may lobby at lumabas na ng Building, naunang umalis sa akin si Fhey dahil nga may trabaho pa s’ya. Sa totoo lang walang jeep sa lugar na ‘to dahil puro mga taxi ang dumadaan at halos mga may sasakyan ang tao dito kaya naman naglakad ako papunta sa mall para doon mag abang ng jeep na masasakyan pero walang dumadaan na jeep kahit sa mall nila dahil halos lahat ng tao dito mayaman. Tumingin ako sa paligid ko at napayuko na lang ako dahil sa itsura ko, para kasi akong namamalimos dito dahil sa suot ko. Itong suot kong damit ay maayos na para sa akin at maganda pero wala pa rin epekto dahil muka pa rin akong basura sa tingin nila dahil sa suot ko lalo na ang mga babaeng nakakasalubong ko. Hindi ko na lang sila pinansin at nag abang na lang ako ng taxi kahit mahal wala akong choice dahil madami pa akong gagawin ngayong araw, kailangan ko pang bumalik sa ospital at maghanap ng bahay na lilipatan namin ng kapatid ko. Iba talaga ang tingin ng mga mayayamang tao sa mga mahihirap, at sa mundo na ‘to napakaimportante talaga ng pera para magkaroon ka ng estado sa buhay. Ibang iba ang mundo ng mga mayayaman sa mundo naming mahihirap dahil sila hindi na nila kailangan maghanap ng madaming trabaho para kumita ng malaking pera at ung malaking pera para sa amin, sa kanila minsan ay barya lang lalo na sa mga taong sobrang yaman talaga. Huminga ako ng malalim at napailing na lang, hindi ko na dapat ipinagkukumpara ang estado ng buhay ko sa kanila dahil wala naman akong mailalamang saka hindi ko na dapat isipin ‘yon, sana lang kung sino man ang amo ko maging maganda sana ang trato n’ya sa akin at wala sana akong magawang hindi n’ya magugustuhan. Sabi naman ni Fhey kanina hindi naman daw kami magkikita dahil busy daw ‘yon pero ako ang maghahanda ng umagahan at hapunan n’ya at sana lang magustohan n’ya kung ano man ang luluitin ko para sa kan’ya. Pagbubutihan ko talaga ang trabaho na ‘to dahil ang laki ng sweldo at malaking tulong ‘yon para sa aming magkapatid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD