Kabanata 7
Luna POV
Pasakay na sana ako ng taxi pero biglang may sumakay sa pinara kong taxi kaya nanlaki ang mata ko at gustohin ko man na mainis dahil sa nangyari ay hindi ko magawa kaya napabunong hininga na lang ako at muling nag abang ng panibagong taxi na dadaan at sisiguruhin kong hindi na ko mauunahan kasi nasasayang ang oras ko dito. Napatingin ako sa langit ng biglang dumilim at napabuntong hininga ako dahil mukang uulan pa ata. Wala pa naman dumadaan na taxi ulit buhat kanina at ayoko naman pumasok sa loob ng mall dahil wala naman akong dapat bilin at paniguradong mahal ang bilihin dito. Habang nag aabang ako biglang bumuhos ang ulan kaya nasapo ko ang ulo ko at sumilong ako sa labas ng isang café, ayokong pumasok sa loob dahil wala naman akong pambili at pagtitinginan lang ako ng mga tao sa loob kaya kahit medyo nababasa ako ng ulan dito okay lang.
Napatingin ako sa kalsada at may padating na taxi kaya kahit umuulan tumakbo ako at ginamit ko na lang ang bag na dala ko bilang payong, pinara ko agad ang taxi na dumaan at sumakay ako ‘don. Sinabi ko sa driver kung saan ako pupunta at nagpunas ng sarili. Kung maghahanap ako ngayon ng mabahay na mauupahan sana ung malapit lang dito pero alam kong imposible na makita ako ng apartment dito na mura lang kaya sa ibang lugar na lang ako maghahanap ngayon.
Habang asa byahe ako tumila na rin ang ulan kaya napangiti ako kasi hindi ako masyadong mahihirapan maghanap ng apartment ngayon dahil hindi na umuulan, nagpababa na lang ako sa isang mall at nagbayad na pero napabuntong hininga ako ng makita ko ang babayaran ko sa metro ng taxi dahil ang mahal ‘non pero wala naman akong magagawa kaya nagbayad na lang ako at kinuha ang sukli ko saka lumabas na.
Naglakad ako at nagsimula na akong maghanap ng apartment dito sa lugar na ‘to. Isang oras ang layo nitong lugar na ‘to sa condo unit na pagtatarabahuhan ko. Naghanap lang ako ng apartment pero halos lahat ng nakikita ko aabutin ng kulang sa pitong libo ang renta sa isang buwan at wala pa ron ang tubig at kuryente kaya naghanap pa ako ng for rent na apartment at buti na lang may nakita ako kaya mabilis akong nag tanong sa taong nandon.
“Magtatanong lang po kung may bakante pa po bang apartment at sino po ang may ari?” tanong ko sa mga tao na nandon.
“Ako Ija, uupa ka ba?” tanong sa akin ng isang matandang babae.
“Opo sana pero pwede ko po bang makita?” tanong ko sa kan’ya.
“Pwede naman, tara sa loob” sabi n’ya sa akin at pumasok kami sa loob ng apartment.
Inilibot ko ang paningin sa loob ng apartment at tiningnan ‘yon ng mabuti. Maayos naman s’ya at mukang kakagawa pa lang at sana lang hindi mahal.
“May tatlong kwarto, kumpleto na rin ‘to,” sabi n’ya sa akin kaya napatango ako.
“Magkano po ba ang buwanan na upa?” tanong ko sa kan’ya.
“Apat na libo ang buwanan na renta. Wala pa ron ang tubig at kuryente,” sabi n’ya sa akin.
Pwede na dahil mura lang s’ya kumpara sa ibang mga apartment na nadaanan ko kanina na may nakalagay na agad na presyo kung magkano.
“Paano po ang tubig at kuryente?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi namin sagot ang tubig at kuryente dahil may sariling kuntador ang bawat apartment pati na rin ang linya ng tubig kaya depende sa gagamit kung magkano ang magiging bill n’yo,” sabi n’ya sa akin.
Sa lahat ng nakita kong apartment ngayong araw na ‘to ay ito na nag pinakamura sa lahat at pinakamaayos, “Wala po bang problema sa apartment po na ito o sa lugar?” tanong ko sa kan’ya.
“Wala ija, sadyang mura lang talaga saka bagong gawa lang kasi at madami ng mga apartment sa tabi,” sabi n’ya sa akin.
Napatango na lang ako at muka naman okay talaga ang lugar, “Sige po kunin ko na po,” sabi ko sa kanya.
“One-month advance and one-month deposit ang policy ko,” sabi niya sa akin.
“Magbabayad na po ako” sabi ko sa kaniya.
“Kung ganon tara sa opisina/bahay ko para maibigay ko sa’yo ang susi at ang resibo mo,” sabi n’ya sa akin.
Sumunod ako sa kan’ya at katapat lang naman ‘non ang bahay n’ya, inabot ko sa kan’ya ang bayad ko kaya ibinigay n’ya sa akin ang resibo ko saka ang susi ng apartment.
“Eto ang susi, wala pang gamit kaya bahala ka na sa gamit n’yo dahil hindi ko na sagot ‘yon!” sabi n’ya sa akin kaya kinuha ko ‘yon.
“Salamat po” sabi ko sa kaniya at tumango s’ya sa akin.
Bumalik ako sa apartment para tingnan ulit ang loob non, pwede na ‘to sa akin ni Lance at pwede ko rin sabihan si Mia dahil wala naman na s’yang kasama sa kanila dahil ang lola n’ya ay asa probinsya ngayon. Pagkatapos kong tingnan ang apartment ay umalis muna ‘ko at pumunta na sa ospital para tingnan ang sitwasyon ng kapatid ko at para ibalita na rin kay Mia ang nangyari.
Nag jeep ako papunta sa ospital at hindi naman tumagal ang byahe ko. Nang makarating ako sa ospital dumiretso agad ako sa kwarto ng kapatid ko. Naabutan ko ‘don si Mia na nag aayos ng gamit n’ya kaya lumapit ako sa kan’ya.
“Kamusta?” tanong niya sa akin ng makita n’ya ‘ko.
“Okay naman, nagkausap na kami ni Fhey sa gagawin ko at magsisimula na ako bukas. Salamat Mia sa tulong mo sa’kin sa trabaho na ‘yon,” sabi ko sa kan’ya.
“Wala ‘yon saka nasabi ko na rin kay Fhey ang sitwasyon mo kaya willing siyang tumulong,” sabi niya sa’kin.
“Salamat din pala ‘don kasi ang laking tulong ‘non sa akin ni Lance saka ibinigay na rin sa akin ni Fhey ang kalahati ng sweldo ko ngayong linggo kaya nakahanap na ako ng malilipatan namin magkapatid!” sabi ko sa kan’ya.
Napangiti s’ya sa sinabi ko sa kan’ya, “Talaga?” tanong n’ya sa akin.
Tumango ako bilang sagot, “Oo. Nagbigay rin ng pera sila Kapitan sa akin kahapon, galing daw ‘yon kay Mayor kaya malaking tulong din ‘yon para sa bill ni Lance dito sa ospital,” sabi ko sa kan’ya.
“Mabuti naman kung ganon, at least hindi ka na mahihirapan maghanap ng malilipatan n’yong dalawa,” sabi n’ya sa akin.
“Oo pero kailangan ko pa rin maghanap ng iba pang trabaho dahil hindi kakasya ang pera ko sa bill ni Lance dito sa ospital, paniguradong malaki na naman ‘yon,” sabi ko sa kan’ya.
“Nagpunta pala dito ang doktor ni Lance kanina may nadagdag kasi sa gamot ni Lance dahil sa pagbilis ng heartbeat n’ya at kailangan daw ni Lance ‘yon,” sabi n’ya sa akin.
“Wala naman akong magagawa ‘don, okay lang sa akin basta nakakabuti sa kapatid ko at gagaling s’ya agad” sabi ko sa kan’ya.
“Saan ka nga pala nakahanap ng apartment?” tanong n’ya sa akin.
“Isang oras ang layo ‘non sa lugar ng pagtatrabahuhan ko, maliit lang s’ya pero tatlo ang kwarto at saka mura ang renta. Mia kung gusto mo sumama ka na lang sa amin ni Lance, wala naman d’yan si lola mo at ikaw na lang ang mag-isa sa bahay n’yo kaya sumama ka na lang sa amin kesa sa iba ka pa maghahanap ng titirahan” sabi ko sa kan’ya.
“Okay lang ba sa inyo?” tanong n’ya sa akin.
“Oo naman Mia, kaya nga sinasabi ko sa’yo kasi gusto kong kasama ka na lang namin kesa sa iba ka pa maghahanap ng matitirhan” sabi ko sa kaniya.
“Sige pero hahati ako sa renta n’yo at sa mga ilang bayarin,” sabi n’ya sa akin kaya tumango ako sa kaniya.
Tiningnan ko ang kapatid ko na hanggang ngayon ay wala pa rin malay habang nag uusap kami ni Mia, sana gumising na s’ya. Hindi ko talaga kaya kung mawawala sa akin ang kapatid ko at kung pati s’ya iiwan ako. Noong namatay ang mga magulang namin kahit masakit at mahirap kinaya ko para sa kan’ya pero kung pati s’ya ay mawawala baka mabaliw ako.