Kabanata 94 Luna POV Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong nagprose si Axel sa akin at para pa rin akong nakalutang sa langit hanggang ngayon. Hindi ko lubos maisip na gagawin ni Axel ‘yon sa akin sa mga oras na ‘yon, alam kong mabilis ang lahat pero mahal namin ni Axel ang isa’t-isa at walang masama na tanggapin ko ang proposal n’ya, wala naman kaming problemang dalawa at maayos ang buhay namin. Naging busy na lang ako nito dahil inaasikaso ko ang pagpasok ko sa school at ang kaso ni Lance na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong makahanap ng lead kasi sa tuwing may nakikita ang mga pulis kay nawawala rin agad ‘yon. Iniisip ko na lang minsan n amalakas siguro ang impluwensya ng nakabangga kay Lance pero hindi ako pwedeng sumuko na lang ng walang ginagawa para sa nangyari

