Kabanata 93 Luna POV Dalawang araw na kaming nandito sa Batangas dahil wala pa kami parehas balak na bumalik sa maynila, mas gusto ni Axel na dito muna kaming dalawa. Hindi naman ako kumontra sa kanya kasi gusto ko rin naman na magtagal pa dito dahil relaxing ang buong lugar. Pagbalik kasi namin sa maynila balik trabaho na rin s’ya at ako naman ay may mga bagay pa akong kailangan asikasuhin kaya sinusulit na namin ang oras namin ditong dalawa na magkasama. Sanay naman na akong kasama si Axel kasi halos araw-araw naman kaming magkasama kahit pa noon at ayaw pa n’yang nawawala ako sa paningin n’ya pero wala na lang s’yang magawa ng magdesisyon akong magresign. Alam kong maganda ang trabaho ko kay Axel pero gusto ko kasing mag-aral, gusto ko naman tuparin ang mga pangarap ko. Gusto kong ma

